Dashel's POV
Dahan dahan kong nilagyan ng band aid ang sugat sa pisngi ni Benj.
"Ang tanga mo naman kasi. Pang bungol move talaga yung ginawa mo, muntik pa mapahamak si Riel" sabi ko sa kanya.
"Malay ko bang mag-aaway sila ng malala eh kasama naman natin si Riel kapag naglalandi si Blue sa mga bar diba!" Pagdadahilan ni Benj
"Itigil niyo na kasi yan, matigas ulo nung dalawang yun wag na kayo makielam" pagsabat ni Levi habang nagtatype sa laptop niya.
Nandito kami ngayon ni Benj sa condo ni Levi. Actually ako lang talaga natambay dito nang biglang sumulpot ang tungaw na Benj na to na puro sugat at pasa ang mukha.
"Hindi pwede no! Walang mangyayari sa kanilang dalawa kung hindi pa tayo mangingielam. Ilang taon na silang in denial pareho! Tsaka need ko pera hihi" sagot ko
Malakas na natawa si Benj
"Bakit kasi hindi ka na magbalik loob sa mga Ajero! Ang taas kasi ng pride mo" payo ni Benj
"Yuck! Ayoko nga! Ipapakasal agad ako ni Papà kapag umuwi ako don!"
"Red flag kayo lahat" Levi commented
Hindi ko nalang siya pinansin.
"Pero seriously, hindi kasi dapat si Riel ang inaatake natin dito.
Masyadong indenial yon! Kaya kay Blue naman tayo. Ako na ang gagalaw para umusad naman ang pustahan natin." Sabi ko sa kanilaNapatingin bigla si Levi.
"Dash, nothing stupid please.." he warned
Natawa naman si Benj.
Puro tawa lang ambag hayop!
"Kalma Levs. Mahal ko sila, I meant no harm" agad na sagot ko
"Ano bang naisip mo?" Takang tanong ni Benj
"Hihihi. Bastaaaa"
"Tawa palang amoy gulo na" naiiling na sabi ni Levi
"Grabe ka naman! Kasi si Blue ang palaging may babae diba? Super bakod siya kay Riel. What if si Riel naman ang lapitan?" I playfully said.
Matagal ko na tong pinag-isipan..
"Where can we find someone?" Tanong ni Benj
"Ano ka ba! No need to look, there's someone in BSA. One in the faculty to be exact" natatawa kong sabi
"Don't tell me youre pertaining to Mr. Luna?" Nakataas ang kilay na tanong ni Levi
"Tumpak!"
"Hahahaha! Blue will be very annoyed. This is not a good idea Dash" sabi ni Benj
"This will work I'm sure. Ever since we started teaching in BSA, deds na deds na yun si Sir Lawrence Luna kay Riel haha. Di lang makaporma kasi nga 24/7 ang gwardya diba. So I'm thinking to give Riel's number to him" sabi ko
"Gagamit pa kayo ng ibang tao. This is so wrong Dash" pigil ni Levi
"Huh? Anong gagamit? Eh matagal na hinihingi nun number ni Riel. Isa pa, if talagang magkatuluyan sila, ano namang masama doon?" Sabi ko
"Paano si Blue?" Tanong ni Benj
"Benj, he had all the time in the world. Kung hindi pa rin siya kikilos at hahayaang maagaw si Riel sa kanya, maybe he doesn't really deserve Riel after all" I seriously said.
BINABASA MO ANG
Guilty of Unbidden Pleasure
RomanceFokfok Series #1 Gabriel and Bluwell are highschool teachers and childhood bestfriends. One fell hard while the other stood his ground. They say that the twenty year friendship is strong enough to resist the pleasure and temptation that comes alon...