Chapter 46

655 12 0
                                    

Blue's POV




"Tatay oh! Papa is scolding me again huhuhu" pagsusumbong ng anak ko.





Natatawa akong nilagyan ng kanin ang plato niya..





"Babe, don't scold our baby" natatawang sabi ko..
.

Masama akong tinignan ni Gab.


"At talagang nagkampihan pa kayo! Ikaw Bughaw ah, naiispoiled ka masyado dyan sa tatay mo! I said no chocolates na at night diba?" Inis na sabi ni Gabby






"Huhuhuhu.. Sorry na po papa. I promise not to repeat it again. The chocolate looks so yummy kasi like its calling me!"






Hinalikan ko si Bughaw sa pisngi. Sobrang cute ng anak koooo. Nakakagigil.






Napabuntong hininga nalang si Gabby dahil di niya naman matitiis ang anak namin.




It's been seven months since our family reunited..





Remember on my mourning period that I bought all stupid things?





One of them is a house..






Pero hindi ko rin naman kinayang tumira dito noon dahil lalamunin lang ako ng lungkot at pag -iisa at pangungulila..

Kaya naman wala nang mas sasaya pa sa puso ko ngayon na may patutunguhan na ang bahay na ito.



Masinsinan kaming nag-usap nila Gabriel tungkol sa nangyari. Kinuwento nila ang lahat ng pinagdaanan nila at kinuwento rin nila Dash ang pinagdaanan ko kahit na ilang beses ko silang pinigilan.

Syempre nakonsensya si Gabriel at Benj kahit hindi naman dapat.

Pare pareho lang naman kaming nahirapan sa nangyari. At lubos nalang ang pasasalamat ko na magkakasama na kami ngayon. Sa wakas.




Napagdesisyonan namin ni Gabriel na tumira dito sa bahay ko kasama ang anak namin.









At masasabi kong kuntento na ako sa buhay ko.









Araw araw naming binabawi ang limang taong nawala sa amin.





Alam ko na marami pa kaming haharapin bilang isang pamilya pero hindi ako natatakot.





Alam kong nasa tabi ko lang ang mag-ama ko sa bawat pagsubok na haharapin namin..






Nang mapatulog ko na si Bughaw sa kwarto niya ay pumasok na ako sa banyo at naisipang magbabad sa bath tub..









Paminsan minsan ay natutulala pa rin ako at sumasagi sa isip ko kung totoo na ba lahat ng ito? O baka naman nananaginip lang ako..






The door opened at sumilip ang ulo ni Gabriel..






"Wow, pwede sumali?" He said naughtily..







Natatawa akong tumango...

Guilty of Unbidden PleasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon