Dashel's POV
"Ang tagal niyo namaaaaan. Mag lunch na muna tayo!!!!!!!" Reklamo ni Benj
Binato ko siya ng ruler.
"Huwag ka ngang magulo dito! Ang dami naming hinahabol na module tas nanggugulo ka pa. Wala ka bang trabaho ha? Ay oo nga pala, hindi ka nga pala nakapasa ng LET" pang aasar ko sa kanya
Madramang napahawak si Benj sa dibdib niya.
"Leche ka Dashel, sinadya ko talagang ibagsak yung LET para hindi ako magteacher! Nag education lang naman ako dahil apat kayong kumuha non ayokong nalalamangan!"Pagdepensa niya sa sarili, nagbelat pa.
Hahahaha!
Benjamin's family own this school though.
Naaalala ko na kinuha ko lang naman ang education kasi kinuha yon ni Levi dahil gumaya lang rin siya kay Blue, na sinundan lang si Riel. In short, si Riel lang talaga ang gustong mag- educ samin, nagsigayahan nalang kami.
Who would've thought na mamahalin ko rin ang pagtuturo?
This is much better than handling the family business, mamamatay lang ako ng maaga doon.
Pinunasan ko ang luha ko sa kakatawa sa iyaking si Benj.
"Faculty ho ito, bakit dito kayo nag-iingay" pagsuway ni Levi
"Hindi ka pa ba nasanay Levs? 15 years mo na kaming kasama duhhhh" Pagngungulit ko habang inuusod ang swivel chair papunta sa table niya.
"Masikip na dito Dash, dun ka nga sa table mo" inis niyang sabi pero hindi naman ako pinigilan.
Inirapan ko lang siya.
Napalingon ako sa table ni Blue.
Nandoon silang dalawa ni Riel, magkatabi, busy mag print at magsort.
Kami naman ni Levi ang naka toka sa pagstapler.
"Bakit sila Blue naman hindi nasisikipan? Kanina pa sila magkadikit doon" sagot ko
Hindi kumibo si Levi at tinuloy lang ang pagiistapler.
Kami kami lang ang nandito sa faculty na ito. Courtesy of Benjamin Spoiled Santos.
Tsaka mas okay na ito dahil baka maka istorbo pa kami sa ibang teachers kung araw araw manggugulo to si Benj.
Isa pa, hindi pang normal ang galawan nitong mga kaibigan ko, mahirap na ma-issue.
Tulad ngayon.
Naningkit ang mata ko sa magbestfriend sa likod.
Busy si Blue magpipindot sa laptop niya habang si Riel naman ay nagbubukod ng mga naprint na.
Nalaglag ang markers ni Blue dahil sa aksidenteng pagkakabangga ni Riel kaya yumuko siya para damputin.
Kasabay ng pagyuko niya, wala sa sariling hinawakan ni Blue ang kanto ng table na yinukuan ni Riel para ata hindi ito mauntog.
He unconsciously did that!
Fucking nakakainggit huhuhu.
"Sweet naman, sana all ganyan ang bestfriend. Eh yung sakin, ang sungit sungit lagi may regla" bulong ko
"Share mo lang Dash?" pagsagot ni Levi.
Natawa nalang ako. Tignan mo yan galit nanaman.
"Magbestfriends lang ba talaga sila Riel? Ang arte arte ayaw pa mag aminan." Bulong ko kay Levi
Siningit ni Benj ang ulo niya sa gitna namin ni Levi
"Oo daw kaya wag ka na chismosa dyan" bulong niya rin.
"Pustahan tayo, may feelings yan sa isa't isa" bulong ko ulit
"Wag na kayong mag-astang tanga diyan. Ilang taon na tayong magkakaibigan, huwag kayo magkunwaring hindi niyo pa alam ang sagot diyan"pagsusungit ni Levi
"Panira naman to si Levi! Hindi naman yan ang pagpupustahan namin eh. Tsaka wag ka sumali kung ayaw mo no hmpp. Ano Benj, G?" Mahina kong sabi, baka marinig pa ng bitchesang Riel sa likod
"Anong pagpupustahan natin? Tsaka magkano?" pagpatol ni Benj
"Pustahan kung ilang buwan pa matitiis nila bago sila umamin sa isat isa. 300k each" I proposed.
Benj smiled playfully.
Napailing nalang si Levi sa kalokohan naming dalawa.
"5 months" Benj said
"Ako 7 months, pabebe yan si Riel eh" sagot ko naman
"Di ko alam kung tanga kayong dalawa, hindi na tatagal yang dalawang yan, it will be earlier than that kaya itigil niyo na yang kalokohan niyo" bored na sabi ni Levi
"Ihanda mo na yung pera mo Benj, excited nako mag-Japan hihihi" sabi ko
"Asa! I will do everything in my power to win mwahahaha" natatawang sagot rin ni Benj
"Magstapler ka na nga dyan Dash!" Inis na sabi ni Levi
Eto na nga eh!
Galit nanaman HAHAHA
BINABASA MO ANG
Guilty of Unbidden Pleasure
RomanceFokfok Series #1 Gabriel and Bluwell are highschool teachers and childhood bestfriends. One fell hard while the other stood his ground. They say that the twenty year friendship is strong enough to resist the pleasure and temptation that comes alon...