Chapter 25

523 7 1
                                    

Dashel's POV


"Blue, tama na yan. Baka naman ospital ang bagsak natin niyan, dami mo na nainom pre" pag awat ni Benj.


"Pag naoshpital ba *hik* ako babalik na kami sa dati ni *hik* Gabby?"



Napailing nalang ako. Tsk. Blue is a mess.




"Alam mo Benj, hayaan nalang muna natin siguro siya? Mukhang kailangan niya talaga to" nalulungkot kong sabi


"What? Alcohol will not solve any of his problems" he countered




Binato ko siya ng tissue.




"Hindi ko naman sinabi na masosolve. Pero it will help him to at least forget for a day. Pagdadamot mo pa sa kaibigan natin eh. Inom nalang rin tayo, broken hearted din wallet ko eh huhu"





"Bahala ka sa buhay mo. Ako nalang hindi iinom para may magdrive pa rin satin pauwi" umiirap niyang sagot.




"Yuck Benj, lumalabas edad mo sa ka kj yan mo HAHAHAHA" pang -aasar ko.



"Teka. Nasaan na yung binabantayan natin?" Biglang sabi ni Benj



Ha?



Puta! Wala na nga si Blue sa couch.



"Ikaw kasi ang daldal mo eh!" Paninisi ko


"Ikaw yung maraming ebas eh! Tara na nga hanapin natin dun ka sa second floor ako na dito sa baba"





Inirapan ko siya pero agad akong tumayo. Marami pa namang tao ngayon sa Infinity.




Hay nako Blue, pinatalo mo na nga ako ng 300k paghahanapin mo pa ako ngayon!


Umakyat ako sa second floor.



Agad ko rin namang nakita si Blue sa couch, umiiyak, nakayakap sa isang babae. Naihilamos ko ang kamay ko sa mukha ko.



ANO YAAAAN????




Agad kong itinext si Benj para sumunod siya dito.



Nilapitan ko sila Blue




"Gabby, sorry na. Please.. Huwag mokong iwan. Kahit friends lang. Okay lang *hik* Gab. Wag naman ganto oh" malakas na paghagulgol ni Blue.



Napapikit ako sa hiya. Ano ba to ang lakas umiyak!




"Ah.. hehe. Miss sorry sa kaibigan ko, lasing na lasing siya eh" nahihiyang approach ko.


Humarap sakin yung babae.



Napahinto ako. Kahawig nga ni... Gabriel.




"It's okay. Mukhang broken talaga tong kaibigan mo" she said smiling.




Napabalik ako sa wisyo dahil don. Agad kong hinila si Blue.



Pero ang lolo mo, ayaw talagang bumitaw arrrgghhhh.



"Hala Blue! Tara na, nakakahiya ka hayop" naii-stress kong sabi


Para siyang sawa na nakalingkis.



"Dash!" Benj shouted


"Nako Benj tulungan mo ako dito. Ayaw bumitaw ni Blue"


Agad siyang lumapit kayla Blue at sinubukang buhatin si Blue patayo pero ayaw niya talaga bumitaw. Kawawa naman yung babae lintek




"Ano ba! *hik* Nag-uusap pa kami ni Gabby.. Hindi ko siya.. Hindi ko siya bibitawan. Nangako ako. *hik*"



Napasabunot ako sa buhok ko.  Dalawa na kaming humihila pero ayaw niya talaga bumitaw. Nahihiya na kami dun sa babae kasi baka nasasaktan na rin siya sa pagkapit ni Blue.




"Fuck. What are we going to do? Ayaw niya talaga bitawan" naiistress na sabi ni Benj.



Napakamot ako sa ulo ko.







"What if-- Ay wag nalang pala, sasakalin ako ni Levi" pagbawi ko





May naisip ako pero hindi ko alam kung magandang ideya. Baka mabatukan ako ni Levi. Kabilin bilinan niya pa naman. Tsk.






"Ako sasakal sayo! Sabihin mo na! Alangan namang magdamag tayo maghihilahan dito! Nakakahiya dun sa babae" Reklamo ni Benj




"Eh! Makakatulog rin yan mamaya si Blue. Hindi magandang ideya yung naisip ko promise"




Benj glared at me.




Napakamot nalang ako sa ulo ko. Tangina namaaaaan.


Okay no choice na Levi, bibilan nalang kita ng ice cream huhuhuhu..




I sighed..




"What if....... papuntahin natin yung totoong Gabriel?"



Guilty of Unbidden PleasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon