Dashel's POV
Agad kong hinila si Levi palabas ng faculty para puntahan si Benj sa office niya.
Since their family owns this school, his dad is actually training him to slowly handle the academy.
Naabutan namin siya na naglalagay ng yelo sa ulo.
Natawa naman agad ako sa itsura niya
"Hayop ka Dash! Mamamatay muna ata ako bago matapos yung pustahan natin!" Naiiritang sigaw ni Benj
"Tsk. Sabi kasing tigilan niyo na" pangongontra nanaman ni Levi.
Tinulungan niya si Benj na ilapat ang ice bag.
"Solid yun B ah. Ang lakas ng tunog nung stapler" natatawang sabi ko
Lumapit rin ako at chineck ang tinamaan sa ulo niya.
Hindi naman siya nagbukol, medyo namumula lang
"Galit na galit ai Blue gago! Akala ko katapusan ko na" Reklamo ni Benj
"Eh kung di ka ba naman tanga bakit mo naman kasi sinabihan na mas gusto ni Riel si Sir Luna kesa sa kanya eh selos na selos na nga" natatawang sermon ko
Bakas ang pagtataka sa mukha ni Benj
"Huh? Anong sinasabi mo?"
Nalito rin tuloy ako.
Naalog na ata utak nito.
"Diba? Kaya ka binato ng stapler kasi sinabihan mo na mas gusto ni Riel si Sir Luna kesa sa kanya? Sabi ni Blue eh" paliwanag ko
"Huh? Wala akong sinasabi tanga! Kaya niya ako binato ng stapler kasi sinabi ko na wag syang mag-alala kasi kahit anong mangyari Team BlueGa ako! Ang baho daw ng ship name nila!" Sagot ni Benj
Nagkatinginan kami ni Levi..
Okaaaay?
Eh ano yung sinabi ni Blue?
"I can tell that the lunch bothered Blue big time." Levi commented
Napatango ako.
"Ang speed din nun ni Sir Luna eh, kakabigay ko palang ng number inaya na agad maglunch" sabi ko
"Kaya lagot ka talaga pag nalaman ni Blue na ikaw nagbigay! Tignan mo sumama talaga sa lunch, grabe makabakod" pananakot ni Benj
I glared at him
"Kaya nga wag kang maingay! 2022 na Benj baka naman snitch ka pa rin!" Reklamo ko
Nagbelat lang sya
"Mukhang type rin ni Riel si Sir Luna eh, it's very unlikely of him to agree on the lunch right away. Alam niyo naman kaartehan non" sabi ko
"Type talaga ni Riel yon" Levi confirmed
"Weeeeeeeeeeh? Akala ko joke joke lang na crush ni Riel yun dati!" Benj said
"Totoo yun tanga! Ang gwapo naman kasi talaga nun eh! Ganun pa mga type ni Riel" sagot ko
"Type? Alin yung malalaki katawan?" takang tanong ni Benj
Tignan mo tong gunggong na to. 12 years na naming kaibigan pero hindi manlang alam ang type ni Riel. Tsk tsk.
"No. Riel likes the chase" Levi answered
Napabuntong hininga ako.
Now I'm starting to doubt if I did the right thing.
"Chase?" Litong tanong parin ni Benj
"Basta gusto ni Riel yung feeling ng pinipili hinahabol ganon" sagot ko
"Huh? Eh ilang taon nang nandyan sa tabi niya si Blue ah bakit manhid pa rin?" Tanong niya pa
Inayos ni Levi ang Ice bag.
"That's the point Benj. Blue never chased. He was just.... always there."
BINABASA MO ANG
Guilty of Unbidden Pleasure
RomanceFokfok Series #1 Gabriel and Bluwell are highschool teachers and childhood bestfriends. One fell hard while the other stood his ground. They say that the twenty year friendship is strong enough to resist the pleasure and temptation that comes alon...