Chapter 23

509 8 5
                                    

Blue's POV




My phone is ringing non-stop.



Haaaay..


Sinagot ko na ang tawag dahil paniguradong hindi ako tatantanan nito.



"Ano?"



["Nasaan ka?"]



"If I wanted to be found sinabi ko na diba?"



["Blue naman.."]



"Benj... Bawiin ko kaya? Baka sinisisi na nun yung sarili niya ngayon"


Napayuko ako.


["Hindi na nababawi yung mga ganung bagay. And don't you think it's for the better?"]



Hindi ako nakasagot...


I am not even sure anymore.



"Baka umiiyak na yun. Samahan niyo nalang siya. Okay lang ako"



["Eh ikaw? Paano ka naman? Hindi lang si Riel ang nasaktan."]



"I'm fine B. Hatid mo nalang siya pauwi please."


["He's with Levi right now. Pupuntahan ka namin ni Dash. Send your location. No buts"]



Hindi nako nakasagot dahil binaba niya na ang tawag.



Sinend ko nalang ang location ko. At least may mag-uuwi sakin kung malasing man ako..




"Para na tayong magkapatid!"





Ipinikit ko ng mariin ang mga mata ko sa naalala.


Magkapatid?



Tsk.




I drank the vhodka in one shot. Ramdam ko ang pag-guhit nito sa lalamunan ko.





"Ang sakit sakit mo namang mahalin Gabriel" I bitterly whispered.





The bar is loud but my thoughts were much more louder.





Hindi ko dapat sinabi. Dapat mas pinigilan ko pa.





Masisira na ba ang pagkakaibigan namin?

Ang tagal ko tong iningatan. Maguguho lahat dahil lang sa katangahan ko.




I opened my phone and stared at the lockscreen.



It was one of my favorite pictures of him.



I suddenly smiled. Just seeing him makes my heart clench in so much happiness and pain at the same time.





The feeling is euphoric.


Napakahirap ipaliwanag ng ipinaparamdam niya sakin.




Yung pakiramdam na parang pagtanggal ng contact lens matapos ang maghapong paggamit.

Parang unang pag-upo mo matapos ang paglalakad ng ilang oras.


Parang pag-inom ng malamig na tubig matapos gumawa ng nakakapagod na bagay.



Parang paghiga mo sa malambot na kama matapos ang mahabang araw.



Ganoon. Ganoon ang pakiramdam na ibinibigay sa akin ni Gabriel.



Guilty of Unbidden PleasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon