Chapter 31

604 17 2
                                    

Gabriel's POV

"Magsasalita ka o gugupitin ko dila mo?" Nakataas ang kilay na banta ni Dash

Hinila siya ni Levi palayo sakin.

"Pwede mo namang kausapin ng maayos dami mo pang pagbabanta Dash nako" pagsermon ni Levi


"Hoy sasagot ka o ano!" Sigaw naman ni Benj


Agad siyang binatukan ni Blue.


"Wag mo sinisigawan. I'm letting him speak kasi ayaw ko siyang pangunahan pero di kita binibigyan ng karapatan sigaw sigawan si Gabby ha" Blue said


"Oh, kilig ka naman. Pokpok na to" natatawang sabi ni Dash sa akin.


Inirapan ko sila.

These three cornered me here in my condo. Bigla nalang nagsisulpot. Hindi ko nga sila pinagrereplyan sa texts and calls nila eh! Talagang hindi nagsipasok ang mga gunggong. Ang babait na teacher.. Unfortunately, nakwento ni Levi ang posisyon namin ni Blue sa bar kagabi bago sila umalis.

Nahahawa na sya kay Dash ng kadaldalan!


"Fine! We kissed last night. We were drunk. That's it." Pag amin ko


Nanliit ang mata ni Dash


"Yun lang?" Paninigurado niya.



What? Am I supposed to share we had sex too?


Napatingin ako kay Blue. He just smiled. Letting me tell about us on my own pacing.



Nakonsensya naman ako bigla. I sounded like we were an accident when in fact ako naman ang humalik at nang-akit sa kanya kagabi.



Napapikit ako ng mariin. I shouldn't over share but I always throw my logic when it comes to Blue. Fuck.



"A-and.. I need to tell you guys something.." mahinang bulong ko


Pero dahil dakilang tsismoso ang mga kaibigan ko, hindi nakatakas yun sa pandinig nila.



"Pakibilisan" Dash intervened.


Hinampas naman siya ni Benj.

"Uhm... B-Blue and... I..." ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko sa kaba.


Ramdam ko ang tingin ni Blue kaya't nilipat ko ang mga mata ko sa kanya.


He looks confused.. and concerned..



"Gabby, you don't need to force yourself. On your own pacing.. Huwag mong intindihin tong mga tungaw na to" Blue said then he smiled..



I know I'm scared. And all the what ifs are eating me right now.



But seeing Blue, smiling for others last night. Realizing Blue will be tired waiting for me someday.. I gathered all my courage.



Logic, what ifs and fears are nothing compared to losing Blue...

"Guys... Blue and I..

K-Ka...

Kami na.." bulong ko


"Oh my God!!!!!!! I expected some news like making out or having sex but not thisss!!!!!!" Pinaypayan ni Dash ang sarili niya.



Benj looks dumfounded. Parang tanga. Levi is smiling widely.. While Blue..



He looks.. shocked? Naka-nganga pa siya.

Guilty of Unbidden PleasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon