SIERA' POV
NAALALA ko tuloy ang mga bawat sandali nung mga panahong hindi ko pa sya kayang harapin. Sobrang hirap pero wala akong magawa.
Flashback...
"Pupwede mo naman kasing lapitan bakit ayaw mo pa?" may inis na sabi ni Rica. "Gusto kong magalit sayo sa totoo lang kase kami ni Thina, we're over." napatingin naman ako sa kanya sa gulat. Wala akong masabi at walang lumalabas sa bibig ko. "Jannah, should know you're here. Matagal ka na nyang inaantay." nangunot ang aking noo.
"Matagal? E, halos walang araw na hindi ko sila nakikita ni Pauleen na magkasama. Halos walang minuto, segundo!" inis na sigaw ko sakanya.
"Anong gusto mong gawin nung tao? Ipagawa ka ng stand tapos bitbitin nya araw araw? For heavens sake, Sam! Please wake up!" hinarap nya ako. "Kung paranoid ka, mas napaparanoid yung isa. Naopen nya nga one time kay Kyle nung magkausap kami ay may sumusunod daw sa kanya. Ano, anino ka nalang for the whole time?" naluluha akong napatingin sa labas ng condo ko, maliwanag sa ibaba dahil sa traffic.
Wala na akong masabi sa kanya. Tama naman kase ang mga sinasabi nya. At sobrang sinasaktan ko lamang ang sarili ko.
End of flashback..
Naaalala ko pa noong panahon na makita ko syang umiiyak sa Grad Ball, para akong sinaksak ng ilang daang kutsilyo.
FLASHBACK ...
"Are you sure?" ani Rica habang nag aayos ako ng jacket at sumbrelo ko sa kotse nya.
"I'm really really sure, wag lang nya ako makilala." narinig ko ang pagbuntong hininga ni Rica, wala na syang magagawa. Desidido na akong sundan si Jannah.
"Si Jannah...." napatingin naman ako sa harap ng kotse namin sa di kalayuan, naglalakad sya papunta sa gate—kasama si Thina. Agad kong pinawi ang nararamdaman kong habulin sya at yakapin. Bumaba si Rica. "Par, mauuna na ako." isinara nya ang pinto ng kotse. Nag-intay ako ng halos kalahating oras bago bumaba. Narinig ko naman ang mga tugtugan mula dito sa gate.
Binati ako ng guard, hindi naman na nya ako tinanong pa kase nakajacket ako at mukhang aattend ng Grad Ball. Pumunta ako sa room kung saan kami unang nagkakilala.
Namalayan ko nalang nandito na ako sa Canteen, inaalala yung panahon na kasabay ko syang kumain. Hanggang sa mapadpad ako sa court namin. Naluluha ako sa mga alaala namin kasama ang mga kaibigan namin. Namimiss kong pumasok, kase ngayon, naghohome school ako.
Nandito ako ngayon sa theater hall. Tahimik kong tinatahak ang stage kung saan nakapwesto ang piano. Naalala ko ang paborito kong tugtugin simula nung makita at makilala ko si Jannah.
Natigil naman ako sa pagtugtog ng may marinig akong boses, alam kong si Jannah yun. Pano naman kaya sya napunta dito? Tsaka pano sya nakalampas sa mga guard, tsk! Agad akong nagtago sa malalaking kurtina dito sa hall. Tinahak ko ang daan sa kabilang exit malapit sa dressing room.
Hindi pa ako handang magpakita sa kanya. Kaya agad kong tinahak ang daan papuntang Field. Sobrang lakas ng hangin at parang nagbabadyang umulan.
Umupo ako sa pinakadulong bench malapit sa pond . Madilim dito at iisang poste lang ang nagbibigay liwanag. Pumikit ako sandali habang inaalala ang mga nakaraan namin ni Jannah. Sobrang sarap sa pakiramdam. Naramdaman ko ang malamig at maliliit na patak ng ulan pero hinayaan ko nalang kasabay ng mga luha ko.
YOU ARE READING
"You And Me" The Perfect Accident 💕 (Bisexual Story)
RomanceLOVE is for ALL. Sometimes, It's accidentally came and you'll never get back. But in the end, It's happy to be in love by the accident.