Jannah's POV
"Good morning!" bati ko sa lahat at siya namang kinagulat ng lahat.
Bawal na bang bumati ngayon?
"Juskong bata ka!" Ani ni Manang na nakahawak pa sa kanyang dibdib. "Kung ako lang ay may sakit sa puso paniguradong patay na ako!" Natawa naman ako sa kanya.
"Si Manang talaga oh. Para bumati lang. By the way, nasaan po ba si Aliyah? Ilang araw ko na pong hindi siya nakikita?"
"Nasa probinsya si Aliyah ngayon. Kailangan niya kasing alagaan ang Ama niya." malungkot na wika niya habang patuloy na hinihiwa ang carrots.
"Napaano naman po si Manong?" tanong ko ng makaupo ako sa Center table.
"Inaatake ng kanyang ubo. Sinabihan ko na kasi siyang tumigil na muna at kami naman ni Aliyah ay nagtatrabaho na. Kaso matigas talaga ang ulo." pilit na pagbibiro ni Manang
"Bakit hindi po muna kayo mag bakasyon?"
"Para saan pa? Uuwi ako pero wala naman akong perang dala." iimik pa sana ako ng biglang magsalita si Dad.
"Sinong uuwi?"
"Good morning Dad!" masayang bati ko sa kanya. "Pauuwiin ko po sana si Manang si Manong daw po kasi ay may sakit. You know Manang—" umupo si Dad sa dulo at agad na binigyan ng kape ni Manang.
"Oh , pwede naman kayong umuwi Manang. You need a rest, Manang." higop ni Dad sa kape niya.
"Pero sir—"
"No buts." kumuha si Dad ng pera sa wallet niya at ibinigay kay Manang. "Here. Tulong ko na sa inyo dahil sa ilang taon niyo nang paninilbihan dito sa Mansyon. Mamaya you may go. Magpa hinga muna kayo ni Aliyah." ngumiti si Dad ng kunin ni Manang ang pera.
"Maraming salamat po sir." lumapit sakin si Manang at yumakap. "Hija, maraming salamat. Pag gumaling na ang asawa ko, babalik agad kami."
"Manang naman! Wag niyong madaliin ang bakasyon niyo. Basta mag iingat kayo ah? Mamimiss ko tuloy mga lutuin niyo." natatawang wika ko sa kanya
"Ikaw talaga. Oh siya kain kana." humarap siya kay Dad "salamat po sir."
"Walang anuman, sige na mag asikaso kana. Ako na magsasabi sa Mam mo."
"Opo sir. Salamat po." tumingin si Manang sakin at sumenyas ako kay Manang at tska siya dumeretsyo alis.
Maya maya din ay dumating si Mom kasabay ni Kuya. Nasaan na kaya si Frezette? Tagal ko ng di nakikita yun ah.
Sinabi na din ni Dad ang pagpapa uwi niya kay Manang kay Mom. Samantalang itong si Kuya Kyle dito sa tabi ko ay todo ang ngiti sa cellphone niya.
I smell something fishy. Hahaha
"Psst!" sitsit ko kay Kuya. Awe, snobber! "Kuya?" sa pangalawang pagkakataon tinuon niya sakin ang atensyon niya.
"Oh?"
"Sino yan?" senyas ko sa cellphone niya.
"It's nothing." monotone na aniya at pinagpatuloy ang pagpipindot sa kanyang cellphone. Samantalang sina Mom and Dad ay nagtatawanan sa harap namin.
Tahimik ulit akong pinanood siyang seryoso at biglang ngingiti sa harap ng phone niya.
"So, snob mo na ako ngayon?" pag iinarte ko habang tinutusok ang hotdog na nasa plato ko.
"Ha?" patay malisya tss!
"Tss! Ikaw hotdog ka ah!? Snobbero ka din eh noh?" sabay tusok ko ulit sa hotdog.
YOU ARE READING
"You And Me" The Perfect Accident 💕 (Bisexual Story)
RomansaLOVE is for ALL. Sometimes, It's accidentally came and you'll never get back. But in the end, It's happy to be in love by the accident.