CHAPTER 70

57 1 0
                                    

Third Person's POV

Alas otso na ng umaga at handa na ang lahat. Panay kuha ng picture ang kaibigan ni Jannah na si Peene ng mga litrato. Na animo'y nawala ang pagka babae sa suot nitong pink na may halong violet gaya ng suot nina Siera.

Nakakulay na Itim at Asul naman sina Quiren at Lit habang tinatawanan ang mga kaibigan sa  paligid dahil sa kulitan na noong nakalipas na taon ay panay awayan pero nagkasundo din naman sa huli.

"Napaka gwapo ko ngayon!" sigaw ni Rikoto sabay ngiti sa camera na hawak ni Peene.

"Ano ba naman yan, e mas pogi ako sayo dahil ako ang inunang ilabas satin!" tawa nito sa kambal sabay akbay ni Rikito kay Vid na panay wacky ang ginagawa sa camera.

Asar na asar naman ang mukha ni Pauleen sa paghila ni Mert at Khon sa magkabilang bisig nito. "Madami dapat tayong memories dito sa Thailand, kaya tara na sumama sa picture!" tatawa tawang singit ni Yhuan at sya ang umakay kay Pauleen.

"Wag kang KJ (killjoy) na akala mo di ka pa nakaka move on!" pingot naman ni Peene dito.

Bigla bigla namang naalala ni Pauleen ang nangyari kagabi kung kaya tamad na tamad sya ngayon.

Kanina pang nakatayo si Pauleen sa tapat ng pinto ni Peene at minamasdan sa di kalayuan ang pabalik balik na si Jannah sa tapat ng pinto ni Siera. Nasisigurado ni Pauleen na kinakabahan itong pumasok.

Hindi na nito pa natagalan tumingin kung kaya umayos sya ng tayo para puntahan ito pero bigla namang may dumating na kasambahay nila at maya maya'y kumatok na sya.

Napagdesisyonan naman ni Pauleen na tumambay sa malapit na balkonahe sa hagdan. Natatawa ito dahil halos lahat ng sulok ng bahay ay may balkonahe.

Napahinga ito ng malalim habang minamasdan ang palasyo sa di kalayuan. Napaka sarap ng simoy ng hangin, aniya sa isip nya.

"Baka naman maubos mo ang hangin dito sa Thailand ha?" natatawang sabi ni Vid. Tumabi ito sa kanya at dinamdam din ang pagkalamig ng simoy ng hangin ng madaling araw. "May problema ka ba?"

Tahimik lang si Pau, iniisip kung meron nga ba o wala. Natatawa naman itong ngumiti kay Vid.

"Nasabi ko na ito dati sa sarili ko." nagtataka namang lumingon si Vid sa kanya, iniintay itong magsalita muli. "Na once dumating na ako sa puntong ito, handa na akong magpalaya." tinignan ito nang maigi ng kaibigan. Nangingintab na ang kanyang mata nangangahulugang naluluha na ito.

"Hindi masamang magpalaya kung alam mo sa sarili mo na talo kana." ngumiti naman si Pauleen sa sinabi ni Vid.

Siguro nga'y kailangan ko na syang i-let go. Dahil ang totoong nagmamahal, kaya nyang bumitaw kahit masakit na para lang sa ikakasaya ng taong minamahal nya, aniya sa isip nya.

Ilang minuto pa ang tinigil nila sa balkonahe at maya maya din ay naghiwalay na din ang mga ito. Napatigil naman ito sa paglalakad ng mapansin na may naghihintay sa kanyang kwarto. Si.... Jannah.

"You And Me" The Perfect Accident 💕 (Bisexual Story)Where stories live. Discover now