Jannah's POV
Hindi ko alam pero ang bigat ng pakiramdam ko ngayon. Parang nilalagnat ako. Gusto ko igalaw ang katawan ko pero hindi ko magawa.
Bigla ko namang naalala yung kagabi."I missed you"
"I missed you"
"I missed you"
Hindi ako pwede magkamali. Alam kong boses niya talaga yun. Siya talaga ang yumakap sakin.
Tok! Tok!
"Pasok." mayamaya ay bumukas ang pinto at pumasok si Mom.
"Ayos ka na ba?"
"Medyo po."
"Mabuti naman anak, kumain ka tapos uminom ka ng gamot mo ah?"
"Teka Mom!" pigil ko kay Mom ng bigla tong aalis. Galit ba siya? "Are you mad?" nanlaki ang mata ni Mom. Umupo ito sa tabi ko na nakangiti.
"Hindi anak, bakit mo naman nasabi yan?"
"Aalis agad kayo eh." Sabay nguso ko sa kanya pero natawa naman siya.
"Hindi. You just need a rest anak."
"Mom, last na."
"Ano yun?"
"Sino nagdala sakin dito?"
"A-ah y-yung Kuya mo. G-gutom ka na ba? Tara sa baba, ipagluluto ka ni Manang."
"Sige po, susunod po ako."
"I'll wait for you."
Hinalikan ako ni Mom sa noo tsaka lumabas. Nagpalit lang ako ng damit para kasing may lagnat ako. Hay.
Bakit parang iniiba ni Mom ang topic kanina o guni guni ko lang yun? Tsaka bakit naman gagawin yon ni Mom diba?
Agad akong bumaba papuntang Dining area. Wala ako sa bahay namin, nasa Mansion kami. Sa kwarto ko palang, alam kong wala ako sa bahay ko.
So, ano nangyari kagabi? Hala! Bakit di ko maalala. Pilit kong inaalala lahat pero wala talaga eh. Nasa gitna ako ng ulanan noon pero bakit parang ang bilis ng pangyayari? Hindi ko namalayang nasa Dining Area na ako. Sa layo nito narating ko agad? Ang lalim ata ng iniisip ko eh.
Naabutan ko namang nagka-kape si Kuya at nagbabasa naman ng dyaryo si Daddy. Nasan si Mom?
"Good morning, sweetie."
"Good morning Dad."
"Are you ready for tonight?"
"Tonight? Bakit Dad?"
"Nalimutan mo? Ayos na ba pakiramdam mo?" tumango naman ako sa kanya at umupo sa tabi ni Kuya Kyle paharap sa kanya. "Dalawang araw kang tulog anak. Bakit ka kasi nagpaulan? Nagkalagnat ka ng di mo alam?"

YOU ARE READING
"You And Me" The Perfect Accident 💕 (Bisexual Story)
RomanceLOVE is for ALL. Sometimes, It's accidentally came and you'll never get back. But in the end, It's happy to be in love by the accident.