Quiren's POV
Flashback ..
"Ayos na ba ang designs, Rikoto? Mamaya ay paalis na kami ni Quiren." Papasok ako designs room ng marinig ko ang tinig ni Lit. Napatigil naman ako sa pintuan at pinanood sila.
"Oo naman! Kami pa ni Peene?!" Naka ngiting aniya. "Boss! Kanina ka pa ba diyan?" Sakin na siya nakatingin.
Pumasok ako ng tuluyan sa loob. Lumapit ako sa kanila upang tingnan ang sketchpad na kanilang pinagkaka abalahan.
"Maganda hindi ba, boss?!" Malakas na tanong ni Rikoto. Madaldal si Rikoto higit pang madaldal sa p'wet ng manok.
"Ayos naman." Sabay tango ko sa kanila.
"Ayos lang? Grabe ka boss ha?" Aniya na parang gulat na gulat sa sagot ko.
Ngumisi ako sa kanya sabay ginulo ang buhok niya. Isa siya sa pinaka bata dito samin. Makulit at napaka gulo.
"Kinikilig ako Boss Quiren ha!?" Biro niya sakin, napatawa naman ako dahil don.
"Ang bakla mo, Rikoto!" Pang aasar ni Peene sa kanya.
"Hoy! Hoy! Tama na nga iyan. Aalis muna kami ni Quiren.." tinaas niya ang kanyang dalawang kamay na para bang sumusuko na.
"Saan ba ang punta ninyo? May date kayo?" pang aasar ni Rikoto.
Kahit kailan talaga!?
"Not funny Mr. Rikoto Tiu!" Binato naman siya ni Peene ng ballpen. Hindi ko na pinansin pa ang mga asaran nila.
Lumabas ako ng kwarto na iyon ramdam ko ang pag sunod ni Lit sakin. Tahimik lang akong naglalakad sa hallway, gano'n na rin si Lit. Nakaka panibago pa rin sa parte ko. Na ang dating nagkukulitang tawanan namin sa t'wing maglalakad ay parang wala nalang ngayon. Hangin nalang ang isa't isa. Wala na ang presensya ng isa't isa.
"A-aaahhhhh! Q-Quiren!"
Nagulat ako sa pag sigaw ni Lit ng aking pangalan mula sa likuran ko. Hinanap siya ng paningin ko, nasa gilid siya ng isang Itim na Van at pinalilibutan ng apat na lalaki na halos naka jacket na itim at naka sombrelo. Halos hindi sila makilala sa ayos nila. Dumudugo ang kanyang ilong. Natinag din ako sa hawak nilang naglalakihang tubong bakal.
Nalintikan na!
"Lit!" sigaw ko sa pangalan niya kaya agad namang napatingin sakin ang apat na lalaki.
Bakit hindi mo nagawang lumaban, Lit?
"Ano ang kailangan niyo?" Mahinahon kong tanong sa kanila.
![](https://img.wattpad.com/cover/116691441-288-k265620.jpg)
YOU ARE READING
"You And Me" The Perfect Accident 💕 (Bisexual Story)
RomanceLOVE is for ALL. Sometimes, It's accidentally came and you'll never get back. But in the end, It's happy to be in love by the accident.