Chapter 38

1.1K 30 0
                                    

Jannah's POV

"S-sie-------" naputol ang sasabihan ko ng maglapat ang mga labi namin sa ika-tatlong pagkakataon. Teka! Tatlong beses na ba?

Dahan dahan kong nilalasap ang malalambot na labi niya sa labi ko. Hindi ko mapigilang ibalik ang bawat dampi ng labi niya sa pang ibaba kong labi. Habang tumatagal lumalalim na ang halikan namin. Ghaaad!

I'm not ready!

Pero dakilang taksil ang katawan ko! Hinayaan kong bigyan niya ako ng malalim na halik. Lalo niyang idiniin ang ang labi ko gamit ang braso niya na hinihigaan ko.

This can't be real!

Napahawak na ako sa batok niya nang lalo niya pang idiin ang labi niya. Lumaki bigla ang mata ko ng biglaang kagatin niya ang pang ibaba kong labi. Dahilan para mapa-singhap lalo ako ng hangin kahit bitin parin ang hangin na nahigop ko.

My heart beat fast..

Nagmulat ako ng mata ko, nakita kong nakamulat din siya at nakatingin siya sakin ng deretsyo. Kumikinang ang mga mata niya habang nakatingin sakin. Patuloy pa rin ang halik niya sakin na para bang wala ng buka------

Craaaaaaack!

Natigil kami sa halikan ni Siera at sabay na napatingin sa pinto. May nabasag sa sala, kasabay noon ang tumatakbong yabag patungo sa kwarto namin. Sumenyas si Siera na wag gumawa ng kahit anong ingay. Syempre masunurin ako, sinunod ko siya.

Tok! Tok!

Sabay na napatingin kami ng Siera sa pinto. Kung magnanakaw man o namasok ng bahay yan bakit kailangan niya pang kumatok? Idiot! Nasaan na kasi mga gwardiya na iniwan ni kuya?

"B-Bessy?"

Napa-buga kami ng hangin nang marinig ko ang tinig ni Thina. Agad kong binuksan ang pinto. Hindi pa man ako nakaka dungaw ay hinila niya na agad ako papunta sa baba.

Nakita kong nabasag ang maliit na bintana sa kusina malapit sa gilid ng banyo ko.. Hinanap ko ang maaring ipinambato dito. Agad ding nagsi takbuhan ang dalawang gwardiya na iniwan ni kuya kanina.

"Mahal na Adiya, pasensya na po. Hindi po namin agad nahabol ang kotse na bumato kanina rito." Nakayukong aniya.

"Kotse? Anong plate number?" Aligagang tanong ni Siera.

"Pasensya na Miss Johnson, pero wala pong nakalagay na plate number. Tanging Itim na Pajero lamang po ang patalandaan ng aming nakita." Nakatungong aniya.

What?

"Bessy, ito ang binato." Inabot niya sakin ang medyo malaking bato na nakabalot sa itim na papel. "Ano naman kaya yan?"

"May naka sulat-----" binuksan ko ang papel na gusot. "Ang gulo naman." Naiinis na sambit ko.

Pano ba naman, puro letters na magulo lang ang makikita ko doon. Daig pang JEJEMON ang nakatala doon.

P     K
    U     A
M    S
    U      A
N       #
    T  675
A    POLI

"You And Me" The Perfect Accident 💕 (Bisexual Story)Where stories live. Discover now