Jannah's POV
Class Dismiss!
Sinaksak ko sa tenga ko ang headset tsaka lumabas ng Auditorium.
Walang kwentang araw.
d-.-b
Walang Siera man lang na lumapit sakin!
Umaasa ka talaga eh noh Jannah?
"A-arrgh!" Singhal ko ng biglang may humatak sakin mula sa likuran. Agad ko naman nilingon ang ulo ko.
Si Pauleen.
Tinanggal ko ang headset ko tsaka humarap ng maayos sa kanya.
"Hi Prinsesa ko!"
"Tss."
"Sabay na ako pauwi?" Sabay akbay niya sakin. Agad ko namang tinangal yun at sinamaan siya ng tingin. "Badmood?"
"Halata ba? Tss!"
"Prinsesa naman oh! Tara kain tayo sa labas." Paawa epek niya. Tsk.
"May kameet ako ngayon eh." Palusot ko.
"Mas uunahin mo pa yun, prinsesa ko?"
"And so?" Hirap naman nitong lusutan!
"Sige na. Please?"
"Next time nalang please?" Pigil na pigil ko ang inis kong sagot sa kanya.
"Hmmm s-sige! Basta pag nag next time na, kain tayo sa labas ah?"
"Hehe sige. Una na ako sayo." Sinaksak ko ulit sa tenga ko yung headset at tinalikuran siya.
Wala talaga ako sa mood!
Pag labas ko ng gate agad akong pumara ng Taxi.
"Kuya sa Hyosin Village po."
[°A/N: Hyosin -Hayosin ang pagkakabasa (^_______^)v]
"Yung malapit po sa BF Village?"
"Opo, dun nga."
Ayokong dumeretsyo sa bahay nina Siera. Ayoko lang talaga.
Tinanggal ko ang headset ko at inilagay sa bag. Chineck ko ang phone ko kung may text.
Besshywap:*
Tsk! Siya mismo nagpangalan niyan. Dami kasing alam.
From Besshywap:*
Uuwi muna ako sa bahay bessy! Maya nalang ako babalik kina Sam hehe. Uuwi lang ako sa bahay. Umuwi kasi si Dad at Mom hihi. Madaming FOODS, dalhan kita maya okay? Ingat ka!
YOU ARE READING
"You And Me" The Perfect Accident 💕 (Bisexual Story)
RomantizmLOVE is for ALL. Sometimes, It's accidentally came and you'll never get back. But in the end, It's happy to be in love by the accident.