Part 18

1.4K 48 2
                                    

Sam's POV

***broooooooooom! Buuuuuuuuuuugggggggs!

"O my god!"
"Anong nangyare?"
"May bataaaaaa!"
"Bilisan niyo tumawag ....

Di ko na maimulat ang mga mata ko sa sobrang sakit ng katawan ko at ulo ko.

Di ko na alam kung ano pa ang sumunod na nangyare.

*brizz brizz brizz!

6:45 am

Napabalikwas ako sa higaan ko dahil sa panaginip na yun.

Napatingin ako sa kanan ko, wala na si Jannah.
Agad akong bumaba ng hagdan para mag almusal. Agad ko namang nakita si Jannah na nagluluto. Bakit ata wala pa yung dalawa? Hayaan na nga sila haha baka nagsasaya yung dalawa.
Agad ko namang hinila ang upuaan dahilan para mapalingon si Jannah.

"Good morning Siera!" magandang bati ni Jannah.

"Good morning din"

Ang ganda niya talaga.
Naka panjama siya na Stitch at T-shirt na Stitch. Favorite ba niya? Haha ang cute naman. Tapos naka ipit siya na messy bun. Ang ganda ganda niya.
Umupo siya sa harap ko at nilagyan ako ng kanin sa plato, sabay ngiti.

"Nasan nga pala yung dalawa?" Dati kase sila talaga nauuna ee, napansin kong wala pa.

"Nag jojogging . Wala din kase tayong pasok ngayon.

"Talaga? Bakit naman?"

"May meeting daw kase sa Laguna lahat ng Teachers kaya inanounce yun sa Page natin, tapos nakita naman ni Rica."

"Astig! Updated talaga yun pag walang pasok hahaha!"

"Hahaha oo nga ee, agang aga yun agad salubong sakin."

"Kanina pa ba sila?"

"Oo, sa labas na daw sila kakain."

"Hmm" tango ko naman sa kanya

Di ko maiwasan tingnan siya sa mata.
Ang haba pala ng pilikmata niya.

"Ay! Oo nga pala!"
Sabay hampas niya sa lamesa na agad ko namang kinagulat!

(o.o)

"Ay! Sorry hehe nagulat ba kita?"

"O-okay lang. Ano ba yun?"

"Si tita kase tumawag, may out of town daw sila ng daddy mo. Kaya extend pa ako dito."

"You And Me" The Perfect Accident 💕 (Bisexual Story)Where stories live. Discover now