SAM'S POV
"Wake up!" yugyog ni Rica sakin pero wala talaga akong balak bumangon kaya ungol ko lang ang naisagot ko. "Par, anong oras na oh? Magagalit si Jannah sige ka." pang eengganyo niya sakin pero ayoko pa din talaga imulat ang mga mata ko kasi alam kong wala siya. Kanina pa din niya ako ginigising pero wala talaga ako sa mood.
Naramdaman ko namang nagsara ang pinto ng kwarto ko. Agad kong binalot ang sarili ko sa kumot tsaka inihilig ang katawan ko paharap sa bintana . Pero mayamaya ay narinig kong bumukas muli ang pinto at hindi inaasahang may hihila ng kumot ko.
"Bumangon ka kung ayaw mong ibuhos ko sayo lahat ng tubig dito!" narinig kong sigaw ni Jannah kaya agad naman akong napabangon. Kakamot kamot ako ng batok habang nililingon at inaaninag ang mukha niya. Napaka ganda! "Good. Maligo ka na, naghihintay na yung eroplano. Masyado kang VIP." umalis na siya pagkasabi niya non, walang lingunan pa.
"Taray!" inis akong tumayo tsaka kinuha ang towel sa cabinet. Siya na nga 'tong kinompliment sa isip ko tapos magtataray pa!
"Sus! May ginawa ka siguro dun par!" sigaw ni Rica ng makapasok ako sa banyo kaya hindi na ako nagsalita pa.
Ano bang ginawa ko sa kanya para ganyanin niya ako? Akala mo naman inaway siya ng sampong Siera. Tss!
Pagkatapos ko maligo ay dumeretsyo na ako sa baba. Madilim pa sa labas, halos itim at nag aagaw bughaw ang ulap mula sa itaas. Maayos na ang gamit namin kaya wala na akong dapat ayusin pa. Nakita ko din na nakahanda na sina Mom at Dad, ako nalang talaga ang hinihintay.
Sa malaking Van kami nakasakay at balita ko kay Jannah ito. Hindi lang malaki as in napaka laki. Sa dami ng kaibigan namin imposible kasing magkasya kami sa regular Van lang.
Ano pa bang nakakagulat? Halos lahat ay may bago pag dating sa usapan ng pamilya nila. At ako naman itong imbestigador na todo inaalam ang pagkatao niya tss.
Halos lahat ng kaibigan ko at nina Thina ay nakaupo na sa sari-sariling pwesto. Agad silang nag shakehand gesture sakin at masayang nakipag asaran. Nakakahiya pa't todo pang aasar ang mga kaibigan ko dahil kanina pa ako tinatarayan ni Jannah.
Katabi ko man siya ngayon ay ni walang salita na namutawi sa kanya. Halos lahat ng kaibigan ko ay nag iingay sa likuran namin, pati magulang namin ay may sariling usapan kasama si Thina at Rica sa harap namin.
Magsasalita man siya ay napaka tipid pa. Oo at hindi lang, kung minsan nama'y tatango lang siya hindi pa nakatingin.
"Galit ka ba?" I asked, tumingin naman siya sakin.
"Hindi."
"Yung totoo?" tanong ko ulit pero umiling lang ulit ito. "Bakit ka ganyan?" nakangusong tanong ko sa kanya. Agad niyang binawi ang mga mata niya sakin tsaka sa unahan tumingin.
"Wala ako sa mood." seryosong sagot niya pero tinitigan ko lang siya.
"Halata naman." sagot ko pero sinamaan naman niya ako ng tingin. "Chill. Tatahimik na. Tss."
"Oh." abot niya sakin ng sandwich at juice. "Kumain na ang lahat, kaso dahil VIP ka wala kang nakain. Tsk!" asik nito, hindi pa nakatingin.
Bago umandar ang sasakyan namin ay tinitigan ko lang siya. Pero mahahalata mo sa kanya na wala talaga siyang pakealam sa presensya ko. Napailing nalang ako sa isipin na hanggang ngayon walang nabago. Kaya kinain ko nalang ang ibinigay niya.
Buong byahe na wala kaming imikan. Pero ang mga kaibigan namin ay walang tigil sa kakakwentuhan kaya mas pinili ko nalang ipikit ang mga mata ko at makiramdam. Pakiramdam ko kasi ay napaka haba ng byahe namin sa sobrang pagkaburyo ko.
YOU ARE READING
"You And Me" The Perfect Accident 💕 (Bisexual Story)
RomanceLOVE is for ALL. Sometimes, It's accidentally came and you'll never get back. But in the end, It's happy to be in love by the accident.