Jannah's POV
Tahimik ang buong bahay. Hindi naman ako nagtatampo kay Bessy. Time na nga ba to let go the past?
Pero paano?
There is something in my head saying—don't. Bakit pa? Hindi ko naman kailangan yon eh? Hindi ko kailangang ilet go ang lahat.
Masaya na nga ba ako? A months ago.. I can't deny na masakit talaga. Minahal ko siya agad. Hindi ako nagsisi doon.
Pero bakit ganito?
Minamahal ko pa siya ng sobra.
Tanga na ba ako?
"Bessy? Tara na? Tumawag sakin si Tita. She's worried na. Isang oras nalang simula na ang Party." tawag ni Bessy mula sa labas ng kwarto ko.
"Oo na! Bababa na ako."
Lumabas ako ng kwarto. Narinig ko ang tawa ni Bessy. Baliw na nga siya. Tumatawa mag-isa—tumigil ako sa pag lalakad ng makita ko si Pauleen.
She's wearing a White pants at Black leather jacket na ang panloob ay maroon V-neck shirt. Bakit ba ang hilig nila sa V-neck shirt. May naaalala tuloy ako sa porma niya. Tss.
Pero ang ganda niya tignan sa porma niya ngayon. She smile at me. Ang ganda niya. A red lips with a melting smile.
Sana sayo nalang ako nagka gusto.
No! Hindi ako nagsisisi na mahalin si Siera.
Pumikit ako at huminga ng malalim. I smile back at her. Maganda ang gabi ngayon para masira ng masilamuot na nakaraan.
"You're gorgeous." salitang lumabas sa bibig ni Pauleen pati si Bessy napa nganga.
"Tss."
"Sabi sayo eh, bagay talaga sayo yan. Unang tingin ko palang." nakangiting aniya.
"Wait!" Singit ni Bessy kay Pauleen ng lalapit sana ito samin. "Ikaw ang pumili? Woah! Nice taste. Sa susunod isasama kita sa mall dapat ipili mo ako ng kasing ganda ng kay Bessy."
"Sure! Pero pareho kayong maganda ngayon."
"Tss. Bolera." sabay irap ko sa kanya.
"Totoo yon!"
"Oy stop nga kayong dalawa diyan. Tara picture." kinuha niya ang camera sa table at tinawag ang tauhan namin. "Tony! Take us a picture please?" tumango naman ito samin. Agad kaming pumwesto at tsaka ngumiti. Maya maya ay mag isa naman si Bessy na kinuhan tapos kaming dalawa ni Pauleen.
Agad kaming umalis sa bahay. Kotse ni Pauleen ang ginamit. Natatawa nalang ako kay Bessy sa kadaldalan.
"Alam mo ba ang nakaka panibago? Nawala ang pagiging abno ni Bessy! She's matured enough!" sabay palakpak ni Bessy.

YOU ARE READING
"You And Me" The Perfect Accident 💕 (Bisexual Story)
RomanceLOVE is for ALL. Sometimes, It's accidentally came and you'll never get back. But in the end, It's happy to be in love by the accident.