Jannah's POV
♪♪ feeling used but I'm still missing you..
And I can't see the end of this..
Just wanna feel your kiss against my lips..
And now all this time is passing by..
But I still can't seem to tell you why..
It hurts me every time I see you..
Realize how much I need you..♪♪
♪♪ I hate you..
I love you..
I hate that I Love you .. ♪♪
"Bessy! Anong oras na oh! Papasok ka ba?" nagsimulang kumatok ng kumatok si Thina sa pinto ko pero heto parin ako naka-upo sa harap ng bintana habang umuulan at pinaulit ulit ang kanta sa cellphone ko. "Bessy oy! Isang buwan nalang graduation na oh!"
Hinayaan kong kumatok at sumigaw si Bessy sa labas ng kwarto ko, mas gusto ko nalang titigan ang patak ng ulan mula sa mga halaman na nasa bintana ko.
Malamig ngayong umaga kahit ala-siyete na ng umaga. May araw pero umuulan. Parang ako ngayon, masaya kung titingnan pero ang nasa loob ko basag na.
Wala sa wisyong lumabas ako ng kwarto at nabungaran kong nagka-kape sa kusina si Bessy.
"Buti naman bumaba kana. Akala ko tulog ka pa! Hello? Running for Valedictorian ka kaya? Bakit ka nga ba magpapa-late! Napapa-sobra kana sa pag aaral, simula ng mawala si S-sam.." napa tikhim naman siya ng mabanggit niya ang pangalan na iyon. "S-sorry." ngumiti ako sa kanya at nag timpla ng kape.
"W-wala yun. Ilang buwan na din naman ang nakaka-lipas." Pilit ngiti kong aniya.
Oo, buwan na ng mawala siya. Mawala at ipagtabuyan ako. Kahit si Rica ay hindi alam kung ano ang nangyari kay Siera para ibreak ako ng ganun nalang. Mismong harapan ng kasamahan ko... ni Kuya.
Masakit pero kailangan kong tanggapin na....Na meron na siyang iba.
Flashback...
Nagising ako sa kwartong puno ng puting pintura. Teka? Patay na ba ako?
Iginala ko ang mata ko sa buong kwarto, nakita ko ang mga aparatos na nakakabit sakin. Ay oo nga pala, naalala ko na ang lahat.. Ramdam ko ang pagkangalay ng buong katawan ko. Matagal na ba akong tulog?
"Jusko! Mahal na Adiya.. huwag ka po munang bumangon magagalit sakin ang iyong ama." nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto at ilabas ang mayordoma namin.
YOU ARE READING
"You And Me" The Perfect Accident 💕 (Bisexual Story)
RomanceLOVE is for ALL. Sometimes, It's accidentally came and you'll never get back. But in the end, It's happy to be in love by the accident.