Chapter 67

633 34 16
                                    

W A R N I N G : S P G

Jannah's POV

"Wake up na, hija." naririnig kong gising ni Mom sakin. Kaya naman unti unti na akong nagmulat. "Kain na tayo ng dinner. Hindi ka pa ba nagugutom?" Bumangon ako tsaka ngumiti sa kanya.

"Gutom na. Pero madami kaming nakain kanina e." lumapit ako kay Mom at bumulong. Habang siya naman ay yumuko. "Baka tumaba ako niyan." natawa naman ito sakin. Umupo ito sa tabi ko at pinisil ang pisngi ko.

"Choice mo yan anak. Sige ka." tumayo ito ulit. "I cooked Afritada!" nakangiting sigaw nito sakin kaya natawa ako.

Umiling naman ako. "Pano ako tatanggi niyan! Eh, favorite ko yun e!" nagmadali naman akong tumayo at tumakbo sa banyo.

After ko matapos ang mahabang ritwal ay agad din akong lumabas. Halos 12 na ng gabi. Mukhang midnight snack na 'to ah? Pero okay lang, gutom na din naman ako eh.

Pababa palang ako ng hagdan, dinig ko na ang tawanan ng mga kasamahan ko. Mukhang masayang nagkukwentuhan ang lahat.

"Tara na Bessy! Sarap na naman ng kain natin neto." masiglang ani ni Thina nang makita niya ako sa may pinto ng dining.

Nagsimula kaming kumain lahat. Ang iba ay panay kwentuhan lang. Panay asaran naman ang iba. Nakakatuwa makita na buo ang barkada namin.

Kakatitig ko sa mga kaibigan ko, hindi ko napansin ang isang tao na bigla nalang hinanap ng mga mata ko. Nasaan naman kaya iyon ngayon?

"Sino hinahanap mo bessy?" nang aasar na tanong niya kaya naman sinamaan ko lang ito ng tingin. "Tss! Taray mo ha? Ayun at nasa itaas. Nagpapahinga ata. Masama daw kase ang pakiramdam."

Hindi ako sumagot sa kanya. Itinuloy niya ang pakikipag asaran kay Rica at hindi na ako nilingon pa. Panigurado akong ayos na itong dalawang ito. Pansin ko kase ang kanilang mga ngitian at tinginan.

Bakit kaya masama ang pakiramdam non. Ano ba ang mga kinain namin kanina? Baka naman napadami sa kain kanina. Siguro nga, kasi di naman siya sanay sa mga pagkain namin dito sa Thailand.

Teka nga, bakit ba ako ganito mag react? Eh ano naman kung masama pakiramdam niya? Eh paano nga kung may sakit na yung tao? Hays! Ano ba yan!

Tapos na kami kumain pero lahat kami ay nasa lamesa lang at masayang nagku-kwentuhan. Talagang matagal na panahon din ang nawala. Kita ko sa mga mata nila ang galak sa pakikipag usap.

Pero alam ba nila kung ano ang meron bukas? Ano kaya ang sasabihin nila pag nalaman nila kung ano ang mangyayare bukas?

Natapos ang late dinner namin. Halos isang oras na ang nakakalipas. Ang mga kasama namin ay mga nasa sari-sarili ng kwarto. Bago pa man ako sumunod sa iba naming kasama ay may aasikasuhin pa kami ng buong pamilya ko.

"Mahal na Adiya." tawag nito sakin kaya naman nilingon ko siya. Yumuko ito. "Handa na po ang lahat." nakayuko pa ding aniya.

"Dalhin mo nalang sa kwarto niya." paalis na sana ito ng may sabihin pa ako. Naalala ko na baka magtanong a iyon kung saan galing. "Pakisabi na pinadadala ng Mommy niya, okay?"

"Opo mahal na adiya." tugon nito at umalis na. Natanawan ko naman sa di kalayuan ang mukha ni Bessy. Nakasandal ito sa pader at nakahalukipkip ang mga kamay. Nakangisi na animoy nang aasar. Tsk!

-.-"

"Hi Mommy!" sigaw ni Thina sakin nang palampas na ako sakanya. "Mommy pala ah! Naku! Di na gumagana sakin yang cold effect mo." sumabay ito sa paglalakad at may pang aasar na mukha.

Papunta kaming Private Room. Meron kaming mahalagang dapat pag usapan para bukas. Kaya naman mas pinili ko pa ding manahimik kesa pansinin si Thina.

"You And Me" The Perfect Accident 💕 (Bisexual Story)Where stories live. Discover now