Isang sulyap pa ang iniwan ni Dilyn sa ikinakasal na sina Lucy at Arvin. Isang ngiti ang namutawa sa kanyang labi. Actually,hindi naman n'ya type si Arvin eh. Hiniling lang ng mommy nito. Crush n'ya ito noon kasi magkababata sila. Pero nawala iyon,ewan ba n'ya. Lalo na ng magpunta s'ya ng ibang bansa. Madaming fafa s'yang nakilala. Infairness,lahat ay nahuhumaling sa kanyang ganda. Dahil sa abala ang kanyang isip sa pag-aalala sa nakaraan,hindi n'ya nakita ang batang madungis na mababangga s'ya. Yun,hindi s'ya nakaiwas,nabangga na nga s'ya.
" Oh my God! Ang damit ko! ",ang tili ni Dilyn. Nadungisan ang mamahalin n'yang damit. Napatingin s'ya sa batang kalye.
" Bakit kasi hindi ka natingin sa dinadaanan mo? ",inis na wika ni Dilyn.
" Sorry po. Hinahabol ko kasi yung Ale na nakalaglag ng isang daang piso. ",ang sabi ng bata. Nakita pa ni Dilyn na hawak nito ang isang daang piso.
Napataas ang kilay ni Dilyn. Sa itsura nito,kailangan nito ng pera. Pero imbis na ibulsa,balak pang ibalik na nalaglagan. Bihira ang ganitong bata. Lalo pa at mga batang kalye.
Luminga ang bata,pero hindi na nito nakita ang hinahabol.
" Nawala na s'ya. Kawawa naman. ",ang sabi pa ng bata.
Yumuko si Dilyn at hinarap ang bata.
" I like you! Bihira ang tulad mo. Dont worry,malamang ay inilaan talaga ng Diyos sa'yo ang perang iyan. Maaaring mas malaki ang kapalit n'yan doon sa nalaglagan. ",ang sabi ni Dilyn.
Napaisip ang bata,saka ngumiti.
" Mabait po talaga ang Diyos ano? Kahit ganito ang buhay ko,masaya ako. May pangarap din ako. At sana ay matupad ko. ",ang nakangiting wika ng batang lalaki.
" Ilang taon ka na ba? Ano ba ang pangarap mo? ",curious na tanong ni Dilyn.
" Sampung taon na po ako. Gusto kong maging Doktor. Para magamot ang Nanay kong may sakit. ",ang wika ng bata,biglang lumungkot ang mukha nito.
" Anong pangalan mo? ",ang tanong ni Dilyn.
" Nonoy po. ",ang sagot ng bata.
" Nice to meet you,Nonoy! Keep on believing,matutupad ang mga pangarap mo. ",ang nakangiting wika ni Dilyn. Inilahad pa n'ya ang kanyang malambot na palad sa harap ni Nonoy.
Hindi naman iyon matanggap ng bata dahil madungis ang kanyang kamay. Si Dilyn na ang kumuha sa kamay ng bata at nakipagshake hands dito.
" Simula ngayon,magkaibigan na tayo! ",ang nakangiting wika ni Dilyn. Ngumiti din si Nonoy. Bakas ang katuwaan sa mata ng bata. Tila ba lalong nadagdagan ang tiwala n'ya na walang imposible kung mananalig ka. Parang ang nasa harapan n'ya ngayon. Mukhang mayaman,ngunit nakipaghawak kamay sa kanya. Matamis na ngiti ang namutawi sa bagong magkaibigan.
....
" Hey! Bakit na late ka ng uwi? ",ang tanong ng kapatid ni Dilyn,si Axe.
" Dont mind me! Im just around. ",ang sagot ni Dilyn.
" Oh! You're such a spoiled brat bitch! Kanina kapa hinahanap ng Mommy! ",inis na wika ni Axe.
" Shut up! Magkakawrinkles ako sa'yo! ",bulyaw ni Dilyn. Inirapan n'ya ang kaisa-isang kapatid nalalaki. Lagi na lamang s'ya nitong ginagalit. Nagtuloy s'ya sa kanyang kwarto. At nagbihis,hindi n'ya inabalang maligo dahil nakisalamuha s'ya sa batang kalye na ngayon ay kaibigan n'ya. isang ngiti pa ang namutawi sa kanya ng maalala ang bagong kaibigan. Matapos magbihis ay hinanap n'ya ang kanyang Mama.
" Ma,hinahanap mo daw ako? ",ang agad n'yang tanong ng makita ang Ina.
" Where have you been? Nag-alala ako sa'yo! ",ang sabi ng Ina ni Dilyn. Masyado nitong mahal ang anak na babae kaya ibinibigay ang lahat ng gustuhin nito.
" Namasyal lang po ako. Ma,can you lend me some money? I want to buy something. ",ang naglalambing na wika ni dilyn.
" Sure,baby! ",ang agad na wika ng Ina. Kumuha ng cheke at inilagay ang isang daang libong pisong halaga.
" Ma,make it Five hundred thousand pesos! ",ang hiling ni Dilyn. Napatingin lang ang kanyang ina sa kanya at pinalitan ang halagang unang inilagay.
" Thank you,Ma! I love you so much! ",ang masayang wika ni Dilyn,hinalikan pa nito ang Mama. At saka umalis na. Lumabas naman ang kapatid nitong si Axe.
" Ma,kaya na lang nagiging spoiled ang Ate. ibinibigay n'yo ang lahat ng gusto! ",may inis sa tinig ni Axe.
" Hijo,hayaan mo na ang ate mo. At saka gusto ko lang s'yang maging masaya. Kayong dalawa na anak ko! ",ang wika ng Mama.
" No,Ma! Tinuturuan n'yo lang ang ate na maging tamad at pala asa. Hayaan n'yo namang gamitin n'ya ang pinag-aralan n'ya! ",inis pa ding wika ni Axe. Graduate ng management si Dilyn. Ngunit naunahan pang mamahala ni axe sa kanilang kumpanya,kesa dito. Inuuna kasi ay malling,lakwatsa,mga kaibigan at pagwawaldas ng pera. Hindi na hinintay pa ni Axe na magsalita ang kanyang Mama. iniwan na din n'ya itong mag-isa. Naiiling na nasundan na lamang ng Donya ang papaalis na anak.
Matapos mawithdraw ni Dilyn ang perang ibinigay ng kanyang Mama. Nagtuloy na sila ng kanyang driver sa kanilang patutunguhan. Alam na ng kanyang driver kung saan sila pupunta. Walang iba kundi sa charity na madalas n'yang puntahan. Pero lihim ang ginagawa n'ya lalo na sa kanyang mga kaibigan. Dahil tiyak pagtatawanan s'ya ng mga ito.
Tulad ng nakagawian,ang driver n'ya ang bumaba at nag-abot ng pera sa pinakahead ng charity. At saka umalis na sila. Lima ang charity na sinusustentuhan ni Dilyn. Nang mapuntahan nilang lahat yun. Isang ngiti na naman ang namutawi sa mapulang labi ni Dilyn. Bumaba s'ya upang magpunta ng cafe,ngunit hindi sinasadyang isang rumaragasang kotse ang walang pakundangan kaya tumilamsik sa katawan ni Dilyn ang tubig na nasa kalye.
" Oh my God! Ahhh! ",ang tili ni Dilyn. Nagmamadali tuloy na pinunasan ng driver ang basang mukha at katawan ng senyorita.
" Hoy! Bumaba ka d'yan! Babaaa! ",tili na naman ni Dilyn. Nilapitan n'ya ang kotseng may kagagawan ng lahat at balak gerahin ang nagmamaneho noon.
Unti-unting bumaba ang driver. Unti-unti ding umaawang ang bibig ni Dilyn. Hanggang sa mag-eye-to-eye na sila.
" Oh my God! Oh my God! Oh my God! ",ang tili ng utak ni Dilyn. Bahagya n'yang nakapa ang garter ng kanyang mamahaling panty. Baka malustred. Sa macho at gwapo ng fafa na nasa harap n'ya,baka pati panty n'ya bumigay.
" Are you ok,Miss? ",ang tanong ng husky voice na fafa na iyon.
" Yeah! ",ang tanging naisagot ni Dilyn sa kawalan ng masasabi. Namagnet na yata pati utak n'ya sa hunkylicious na fafa na nasa harap n'ya.
" Well then, i have to go. ",ang sabi ng fafa at agad na sumakay sa sariling kotse at mabilis iyong pinaharurot.
Tuluyan ng napatanga si Dilyn. Deadma ang beauty n'ya sa fafa na iyon. Hindi tuloy n'ya mapigilan ang paningkitan ng mga mata.
" Magkikita pa tayo! ",pangako ni Dilyn sa sarili saka nagmamadaling sumakay ng kotse at umuwi na lamang.
BINABASA MO ANG
BITCHY TACTICS By: Reinarose (B4: LET THE LOVE BEGIN) (complete)
Teen FictionTEASER: Spoiled ang madalas na itawag kay Dilyn ng lahat ng taong nakapaligid sa kanya. Nakukuha kasi n'ya lahat ng anumang gustuhin n'ya. Pero sa likod ng lahat,nakatago ang isang mabait,maalalahanin at mapagmahal na Dilyn. Hanggang sa makikilala n...