Kinabukasan,may pasok na ulit sila. Nag-taxi nga s'ya papasok s aopisina. Pero matalino talaga itong si Dilyn,ang driver ay ang driver n'ya. Aba,ayaw n'yang iba ang magdrive sa kanya. Mas may tiwala s'ya sa kanyang driver. Binili talaga n'ya yung taxi para sakyan n'ya papasok ng kumpanya. Syempre,alam n'ya ang oras ng dating ng kanyang boss,kaya yun din ang time na dumating s'ya. Nagkasabay ulit sila. Binati n'ya ulit ang kanyang boss.
" Good morning,Sir! ",ang nakangiting bati ni Dilyn. Magsasalita sana si Jordan ngunit napigilan ito ni Dilyn.
" Hop! Naka-taxi na akong pumasok dito! Hop! Nalate ako dahil traffic! Hop! Mauuna na po ako bago pa kayo makapagsalita! ",ang sunod-sunod na wika ni Dilyn bago patalilis na iniwan ang nanggigigil na si Jordan. Naihilamos na lamang ni Jordan sa kanyang mukha ang kanyang palad.
Ngingiti-ngiti naman si Dilyn habang papasok ng elevator. Isang matamis na ngiti ang namutawi sa kanyang labi na dala-dala n'ya hanggang sa makapasok s'ya sa kanilang opisina.
" Good morning,everyone! ",ang masaya n'yang bati sa lahat. Puro nakangiting mga katrabaho n'ya ang sumalubong sa kanya. Ikaw ba naman ang topic ng nakaraang gabi. Queen of the night nga si Dilyn dahil sa sexy at ganda nito. Lalo nang nagdikitan ang mga lalaking katrabaho ni Dilyn sa kanya. Humiwalay lang ng makitang padating ang kanilang boss.
" Good morning,Sir! ",ang bati ng lahat. Tumango lang si Jordan at sinulyapan ang kanyang secretary na pagkalawak ng ngiti.
....
Pero hindi inaasahan ni Dilyn na dadating agad ang kontrabida. Abala s'ya noon sa paglilista ng biglang may babaeng tumigil sa harapan n'ya at nagsalita.
" Is Jordan inside? ",ang malanding tanong ng babae.
Tumunghay si Dilyn. Napataas ang kilay n'ya ng makita ang itsura ng babae. Maganda ito,mas maganda nga lang s'ya. Seksi ito,mas seksi nga lang s'ya. Maputi ito,mas maputi nga lang s'ya,all in all,mas maappeal s'ya kesa dito.
" Would you mind if I ask who you are? And what do you want to my Sir? ",ang nakataas kilay na tanong ni Dilyn.
Tumaas din ang kilay ng babae,saka ipinakilala ang sarili.
" I'm Dalia Rose Jasmine,Jordan's childhood friend. And I am here to see Jordan. Do I have to explain the reason why? ",ang mataray na tanong ni Dalia. Dalawang kilay na ni Dilyn ang nakataas. Magsasalita pa sana s'ya nang biglang lumabas buhat sa sariling opis si Jordan.
" Dalia? Is that you? ",ang tila hindi makapaniwalang tanong ni Jordan.
" Jordan! Gosh! Look at you! I missed you so much! ",ang nakangiting turan ni Dalia,niyakap pa si Jordan. Gumanti ng yakap si Jordan. Nagngingitngit naman si Dilyn.
" Why you don't come in my office? ",ang tanong ni Jordan.
" She asked me questions. Do I really have to explain to her? ",halata ang inis ni Dalia.
" Thats part of my job! To ask questions so that I have something to tell if my boss ask me about his visitor. Am I right,Sir? ",binalingan ni Dilyn ang kanyang boss.
" Oh! Never mind! Kapag si Dalia ang dadating,paderetsuhin mo na s'ya sa opis ko. ",ang wika ni Jordan. Nagngitngit na naman si Dilyn.
" Magdala ka ng meryenda sa opis ko. Now! ",ang pahabol pang wika ni Jordan bago inanyayahan si Dalia na pumasok sa opis nito. Sa sobrang inis naman ni Dilyn,nagusot n'ya ang hawak na papel. Deretsong tapos sa basurahan. Pakialam n'ya kung ano yung papel na nagusot at itinapon n'ya. Saka nagpapapadyak na nagpunta sa mini kitchen upang ikuha ng meryenda ang dalawa.
" Lagyan ko kaya ng lason ang meryenda ng dalawang iyon? ",tila baliw na kinakausap ni Dilyn ang sarili.
" Wag ko lang malalaman na nilalandi mo si hunkylicious Jordan ko,malilintikan ka sa akin. Dahil kung malandi ka,mas malandi ako sa'yo! ",wika pa ni Dilyn bago binuhat ang tray na may lamang meryenda at dinala sa opis ni Jordan.
Dalawang sunod-sunod na katok ang ginawa ni Dilyn. Hindi na n'ya hinintay na papsukin s'ya,kusa na n'yang binuksan ang pinto.
" Meryenda po,Sir! ",ang wika n'ya,pero tinapunan ng matalim na tingin si Dalia. Matalim din ang tinging ipinukol ni Dalia sa kanya. Tila naman nahalata ni Jordan ang tensyon sa pagitan ng dalawa.
" Salamat. You can go now. ",ang wika ni Jordan matapos mailapag ni Dilyn ang kanilang meryenda ni Dalia.
" May kailangan pa po ba kayo,Sir? ",ang tanong ni Dilyn.
" Wala na. Salamat. ",ang sabi ni Jordan.
" Baka meron pa,alalahanin n'yo. Maghihintay ako dito. ",ang wika naman ni Dilyn.
" Wala na nga! Pede ka nang lumabas. ",ang ulit ni Jordan.
" Alam ko pong meron pa. Nalimutan mo lang. ",pangungulit ni Dilyn.
" You dont understand tagalog? You want me to translate it in english? ",ang tila nakakalokong tanong ni Dalia.
Taas maging ang buhok ni Dilyn sa katawan dahil sa pang-iinsultong iyon ni Dalia sa kanya. Huminga s'ya ng malalim bago nagsalita.
" No,thank you! I can translate it by myself. I'm just concern sa work ko. Hindi naman ako binabayaran para magtambay lang. ",ang naiinis na wika ni Dilyn.
" Oh! Really! So,why don't you clean my shoes? Para naman hindi masayang ang ibinabayad sa'yo ng kumpanya. ",ang may pang-iinsultong wika ni Dalia.
Nagpanting ang tenga ni Dilyn. Lumapit s'ya sa mesa at kinuha ang baso na may lamang juice,saka ibinuhos kay Dalia.
" O,ayan! May dahilan na para linisin pati yang ugali mo! Hinugasan ko lang,ang dumi eh! ",ang wika ni Dilyn.
" Oh my! Oh my! You bitch! ",ang galit na galit na wika ni Dalia. Pumagitna naman si Jordan sa dalawa.
" Magbabayad kang babae ka sa akin! ",galit pang turan ni dalia.
" How much? Name your price! ",ang naniningkit na matang wika ni Dilyn.
" Shut up,Dilyn! ",ang sigaw ni Jordan. napatingin naman si Dilyn dito.
" S'ya ang unang nambastos! Bakit sa akin ka magagalit? ",ang tanong ni Dilyn.
" Kaibigan ko s'ya at bisita. So kailangang irespeto mo s'ya! ",nanggigigil na wika ni Jordan.
" Ang tao ay nirerespeto kung karespe-respeto,gets mo? Wag ko lang makikita yang mukha mo dito! Kundi ipapalapa kita sa aso! ",sigaw pa ni Dilyn bago tuluyang lumabas sa opis ni Jordan. Nanggigigil s'ya sa babaeng iyon. Sooner or later,magiging mangkukulam s'ya kapag lagi silang magkakatagpo ng babaeng bruhilda.
BINABASA MO ANG
BITCHY TACTICS By: Reinarose (B4: LET THE LOVE BEGIN) (complete)
Teen FictionTEASER: Spoiled ang madalas na itawag kay Dilyn ng lahat ng taong nakapaligid sa kanya. Nakukuha kasi n'ya lahat ng anumang gustuhin n'ya. Pero sa likod ng lahat,nakatago ang isang mabait,maalalahanin at mapagmahal na Dilyn. Hanggang sa makikilala n...