Naging matamlay ang bawat araw ni Dilyn. Natatapos ang buong maghapon na laging nasa dalampasigan ang dalaga. Nakatingin sa malayo,nag-iisip ng malalim.
" Umuwi na kaya ako? "
" Wag na pala! "
" Pero gusto kong makita si Jordan! "
" Hindi ka naman mahal noon,bakit mo pa s'ya pag-aaksayahan ng panahon? "
" Kahit pa! Miss ko na s'ya! "
" Eh ikaw ba,miss n'ya! "
" Grrr! "
Parang sirang nakikipagtalo si Dilyn sa kanyang sarili. Sinabunutan pa ang kanyang buhok.
" Miss,ok ka lang? ",tanong ng isang babae kay Dilyn.
" Yes, I'm fine! Mukha ba akong hindi ok? ",taas kilay na tanong ni Dilyn.
" Nagsasalita ka kasing mag-isa. ",sagot ng babae.
" O,eh ano naman ngayon? ",tanong ni Dilyn.
" Akala ko kasi...",naputol ang sasabihin ng babae dahil sumingit si Dilyn.
" Akala mo kasi baliw ako! Baliw agad? Di ba pedeng nagpapraktis ako para sa play namin sa school? ",palusot ni Dilyn." Ohh! Sorry,thats not what I mean.",wika ng babae.
" Then leave me alone. Kapag nagkamali ako sa play namin,hahantingin kita! ",banta ni Dilyn.
Kakamot-kamot ang babae sa buhok nito habang papalayo kay Dilyn. Nakaramdam ng pagkapahiya. Hindi naman maiwasan ni Dilyn ang mapahalakhak.
" Shunga ka talaga! "
" Mas lalo ka na! "
" Manahimik ka kasi! Baliw! "
" Mas baliw ka! Nahawaan mo lang ako! "
Wika ni Dilyn. Kaliwa't-kanan ang ginawa nitong paggalaw. Doble kara lang ang peg. Sabay tatawa ng malakas. Napapailing ang babaeng kausap nito kanina.
" Baliw nga! ",wika nito bago tuluyang lumayo sa tumatawang si Dilyn.
Habang nababaliw na si Dilyn,nababaliw na din si Jordan sa kakahanap dito. Kung saan-saan na sila naghanap ngunit wala pa ding magandang resulta. Kumuha na din sila ng detective para mahanap ang dalaga." Nasaan na kaya si Dilyn? Dalawang linggo na s'yang hindi nagpapakita. ",malungkot na wika ni Jordan.
" Pare, wag kang mag-alala. Hindi tayo titigil hanggat hindi natin s'ya nakikita. ",pampalakas loob na wika ni Zack.
" Tama! Madami pa kaming ituturo sa'yo para mas lalo kang mahalin ni Dilyn. Mahuhumaling s'ya sa'yo tulad ng pagkahumaling sa amin ng aming mga misis. ",wika ni Arvin.
" Talaga! Ano nga pala ang mga sekreto n'yo? Mukhang mahal na mahal kayo ng mga asawa n'yo ah! ",ang sabi ni Jordan.
" Narinig mo na ba ang landingan? Buldozer? Oxygen? Pagtatanim? Pagdidilig? Pagbubungkal? Ituturo namin sa'yo yan. Plus,ang Hiphop! Yan ang grabe! ",ang kwento ni Levy.
" Ha? ",parang inosenteng hindi maintindihan ni Jordan ang sinasabi ni Levy.
" Ay naku! Kaya ka pala tinataguan ni Dilyn,wala ka palang alam. Ganito kasi yan. Ang oxygen ay makapugtong hiningang halikan. Susundan ng pagbubungkal,sasabayan ng paglanding,para makapagtanim sabay dilig! Owwww! Katakot-takot na buldozer! ",kwento ni Zack na iniakting nina Levy at Arvin.
Isang malakas na pagtawa ang naitugon ni Jordan. Nacurios s'ya bigla. Paano kasi,may pag-ikot ng balakang ang dalawang lalaki. Kambiyo pauna,ikot,ariba!
" So,yan ang sinasabi n'yong sekreto n'yong tatlo? ",natatawang wika ni Jordan.
" Wag kang tumawa! Syempre may kasamang pagmamahal at respeto yan! With matching kilig efforts lagi. At higit sa lahat,ituring mo s'yang prinsesa every second,every minute,every hour and everyday of her life. And thats it! You will have a happy living life with your loving house wife! ",sabi ni Levy.
Ngumiti si Jordan. " I will do that once na makita ko si Dilyn. Hindi ako papayag na hindi s'ya magpakasal sa akin! ",ang wika pa ng binata.
" Then,simulan ulit natin ang paghahanap sa kanya! ",wika ng tatlong lalaki. Sabay-sabay pa silang tumayo upang muling hanapin ang nagtatagong si Dilyn.
....
Kasalukuyang nasa isang mall si Dalia. Shopping na naman. Naisipan n'yang tumigil sa isang kainan na nasa mall. Naupo habang hinihintay ang kanyang order.
" Grabe! Pagkatapos n'ya akong mabuntis, iiwan lang pala ako! ",iyak ng isang babae.
" Pareho pala ang sinapit natin! Nabuntisan din ako, pero iniwan din! ",iyak ng isa pang buntis.
" Bakit pare-pareho tayong tatlo? Heto ako oh. Buntis pero walang mananagot sa akin! ",iyak pa ng pangatlong buntis.
" Hate ko na talaga ang lalaki! Manloloko! Manggagamit! ",sabi ng unang babaeng buntis.
" Teka, sino ba ang nakabuntis sa inyo? ",tanong ng isang babae sa dalawa nitong kasama.
" Si Jordan! ", sabay na sagot ng dalawang buntis.
" Ha? S'ya din ang nakabuntis sa akin! ", tila nagulat pa ang pangatlong buntis.
Si Dalia na nainom ng kanyang inorder ay tila nabilaukan matapos marinig ang usapan ng tatlong buntis.
" You mean, si Jordan Vera ang ama ng ating mga anak? ",wika ng isang buntis.
Tuluyan ng nasamid si Dalia. Napaawang ang kanyang bibig sa pagkagulat. Si Jordan, nakabuntis at tatlo pa? Imposible! Sinipat nito ng tingin ang tatlong buntis na nag-uusap. Mukha namang mga disente, pero hindi talaga s'ya makapaniwala sa kanyang narinig. Nilapitan n'ya ang mga ito." Nagkakamali yata kayo ng lalaking pinag-uusapan. Dahil fiance na ako ni Jordan! ",mataray na wika ni Dalia.
Sabay-sabay na tumayo ang tatlong buntis.
" So,ikaw pala ngayon ang flavor of the month n'ya! Umiwas ka na, baka magsisi ka! ",wika ng isang buntis.
" Pede ba? Kayo ang umiwas dahil akin lang si Jordan! ",singhal ni Dalia.
" Ah ganoon! ",sabay na sabi ng tatlong buntis. Hinila ng isa ang buhok ni Dalia,habang ang isang buntis ay hinawakan ang dalawang kamay ni Dalia at ang pangatlong buntis ay binuhusan ng juice ang mukha ni Dalia.
" Aray! Mga walanghiya! ",sigaw ni Dalia, ngunit kahit buntis ang mga ito, tatlo naman, hindi din n'ya magawang makaganti sa mga ito.
Hinila pa lalo ng isang buntis ang buhok ni Dalia. Kinabayo naman ng pangalawang buntis ang likod nito at ang pangatlong buntis ay gunupit-gupit ang suot ni Dalia. Nang bitawan ito ng tatlong buntis,daig pa ang mamamalimos. Sabog ang buhok,sira ang damit at parang basang sisiw, nakagulong sa semento.
" Maam, bawal po ang eskandalo dito. ", awat ng taga-silbi sa naturang kainan.
" Aray! Manganganak na yata ako! ",wika ng unang buntis.
" Aray! Ako din! ", wika naman ng pangalawang buntis.
" Teka! Pasama na din ako! ",habol ng pangatlong buntis. Ngunit bago tuluyang umalis, binalingan nila si Dalia.
" Tandaan mo ang mukha namin ha! Magkikita pa tayo, bruhildang babae! ", banta ng tatlong buntis sabay talikod at iniwan si Dalia na nakalupagi pa din sa semento. Papadyak na ito. Sobrang kahihiyan ang ibinigay sa kanya ng tatlong buntis na iyon. Pinilit makatayo ni Dalia kahit nananakit ang likod. Triple naman kasi ang bigat ng buntis na kumabayo sa kanya.
Nang lubusang makalayo ang tatlong buntis, sabay-sabay na nag-apir ang mga ito na walang iba kundi sina Giana, Joy at Lucy." Step 1, complete! ",sabay pa nilang wika. Sa kanilang Plan D ay may tatlong steps. Ang Step 1 ay ang Pagpapakilala. Ngayon, natitiyak nilang tatlo na hindi sila malilimutan ng bruhildang si Dalia.
BINABASA MO ANG
BITCHY TACTICS By: Reinarose (B4: LET THE LOVE BEGIN) (complete)
Ficção AdolescenteTEASER: Spoiled ang madalas na itawag kay Dilyn ng lahat ng taong nakapaligid sa kanya. Nakukuha kasi n'ya lahat ng anumang gustuhin n'ya. Pero sa likod ng lahat,nakatago ang isang mabait,maalalahanin at mapagmahal na Dilyn. Hanggang sa makikilala n...