Heto na naman si Dilyn. Parang ayaw na n'yang pumasok sa loob ng kumpanya. Dahil natitiyak n'yang papahirapan na naman s'ya ng kanyang boss. Huminga muna s'ya ng malalim saka bumaba sa kanyang kotse. Pinagbuksan pa nga s'ya ng kanyang driver. sakto namang pababa din sa sariling kotse si Jordan. Daig pa nga ni Dilyn dahil si Dilyn may driver,ito wala. Hindi mapigilan ni Jordan ang mapailing.
" Good morning,Sir! ",ang masiglang bati ni Dilyn sa binata.
" Secretary kita,diba? So,dapat nauuna kang pumasok sa akin sa opis,diba? Parang late ka,diba? At bakit de-kotse kapa eh secretary lang kita,diba? My driver kapa,daig mo pa ako,diba? Hindi ka ba marunong sumakay sa taxi,malamang hindi,diba? ",ang sunod-sunod na salita ni Jordan. Bahagya tuloy natulala si Dilyn.
" Daig mo pa ang manok sa kakaputak,diba? Hayaan n'yo bukas naka-taxi na ako,masaya kana,diba? Eh paanong hindi ako malelate,eh putak ka ng putak sa akin,DIBA? ",ang naiinis na wika ni Dilyn,inirapan n'ya tuloy ang kanyang boss at pakembot na lumakad patungong elevator. Nagngingitngit na naman si Jordan sa sobrang inis. Hindi talaga n'ya magugustuhan kahit kailan ang babaeng iyon.
....
Inabala ni Dilyn ang kanyang sarili sa pagmamanicure,pero ng makitang padating ang kanyang boss,nagkunwaring busy sa mga papeles.
" Come to my office,now! ',ang utos ni Jordan. Nagulat tloy si Dilyn. Mukhang galit na naman ang kanyang boss. Nagmamadali tuloy s'yang sumunod dito.
" Bakit po,Sir? ",ang tanong n'ya ng makapasok sa loob ng opis ng boss.
" Look what you have done! ",ang pasigaw na wika ni Jordan. Inihagis ang ilang mga papeles. nagkabali-baligtad kasi ang pages. Kinuha nga iyon ni Dilyn at pinasadahan. Ibang pages na ang kasunod ng papeles. Na hindi naman dapat kasama. Napakunot ang noo ni Dilyn. Malamang yung isang katrabaho n'ya ang nagkamali. Pero hindi naman n'ya masasabi sa boss n'ya dahil malilintikan s'ya at malalamang hindi talaga s'ya nagtatrabaho. Hindi na lang s'ya umimik.
" What? Ano bang silbi mo sa kumpanya ko kung puro mali ang ginagawa mo? Sa tingin mo ay hindi ko alam ang mga pinaggagagawa mo? Na hindi naman talaga ikaw ang nagawa ng trabaho mo at ang mga lalaki na umaaligid sa'yo! ",sigaw ni Jordan. Mangiyak-ngiyak naman si Dilyn. Hindi nga s'ya nasisigawan sa mansyon nila,pero nakatikim s'ya ng sigaw sa damuhong boss n'ya. HUmikbi tuloy s'ya.
" O,ano ka,baby? Iiyak dahil napagalitan eh kasalanan mo naman! ",mataas pa din ang tinig ni Jordan.
" Sino namang may sabing umiiyak ako? May luha ba sa mga mata ko? Akin na at aayusin ko! Sorry po,Sir! ",ang pasigaw na sagot ni Dilyn,kinuha ang mga envelope na nagkabaligtad ang laman. Bigla na s'yang tumalikod dahil tutulo na ang kanyang luha. Nang tuluyang makalabas,saka dumaloy ang masaganang luha sa kanyang mga mata. Ipinatong lang n'ya ang mga envelope,saka nagderetso sa restroom. Inilock n'ya ang pinto para s'ya lang ang tao sa loob.
" Ahhhhhh! ",ang malakas na palahaw ni Dilyn,[arang batang gumulong pa at umiyak. Hindi talaga n'ya matanggap na sinigawan s'ya ng damuho n'yang boss.
" Ahhhhhh! ",isang sigaw pa ang nagmula kay Dilyn. Para lang basang sisiw ang itsura n'ya,nakagulong sa semento. Kinatok tuloy s'ya ng kanyang mga katrabaho. Narinig kasi s'yang sumigaw. Agad na inayos ni Dilyn ang sarili at lumabas ng restroom.
" Dilyn,ok ka lang ba? ",ang tanong ng mga katrabaho n'ya.
" Ha? Oo naman,bakit? ",pakunwaring tanong ni Dlyn.
" Eh bakit ka sumigaw? ",nagtatakang tanong ng kanyang mga katrabaho.
" Ako? Sumigaw? Bakit ako sisigaw? ",maang-maangang tanong ni Dilyn.
" Ha? bakit mo inilock ang pinto ng restroom? ",tanong ulit ng mga katrabaho ni Dilyn.
" Gosh! Nailock ko ba? Sorry ha! Nagmamadali kasi akong pumasok kanina. Ang daming ipinapagawa ni boss eh! paano,d'yan na kayo ha! Gotta go! "paalam ni Dilyn sa mga naguguluhang mga katrabaho.
" Grrrrr! Nag-eemote ako,istorbo kayo! ",ang nagngingitngit na bulong ni Dilyn sa sarili habang naglalakad palapit sa kanyang table. Itinuon na lang n'ya ang pansin sa pag-aayos ng mga nabaliktad na mga papeles. Dahil sa abal s'ya,hindi na n'ya namalayan na lunch break na pala. nagulat na lang s'ya ng magsalita ang boss n'yang damuho sa harap n'ya.
" Hindi ka pa ba magla-lunch? ",ang tanong ni Jordan sa abalang si Dilyn.
" No! Im busy! ",tanging sagot ni Dilyn,hindi na inabala ang sarili na tingnan ang boss.
Nakaramdam na naman ng pagkainis si Jordan. Iniwan na lang n'ya ang babae bago pa tuluyang mawalan s'ya ng ganang kumain.
" Mabilaukan ka sana! ",ang bulong naman ni Dilyn,sinundan na lang n'ya ng tingin ang papalayong boss.
Inabot pa ng kalahating oras si Dilyn bago tuluyang natapos ang pagsasaayos ng mga nagkabaligtad na mga papeles. Inilagay n'ya iyon sa table ng kanyang boss. Nakita ni Dilyn ang tila nag-aanyayang sofa. nanakit talaga ang likod n'ya kaya naupo muna s'ya,hindi n'ya namalayan na sa paghiga n'ya ay makakatulog s'ya.
Hindi pa tapos ang lunch break ngunit bumalik na sa opis si Jordan. Gusto n'yang silipin kung makakatagal nga ang kanyang secretary na hindi kakain. At tama ang hinala n'ya,wala nga ito sa sarili nitong table. Iling na lang ang nagawa ni Jordan. walang pagbabagong magaganap sa ugali at kilos ng babaeng iyon. Pumasok s'ya sa sariling opis at Nagulat dahil ang nakabuyangyang na pata,este legs ni Dilyn ang kanyang nasilayan.
Naluwagan n'ya tuloy ang kanyang kurbata. Dahan-dahan n'yang isinara ang pinto at nilapitan ang nakatulog na dalaga. para gisingin,ngunit sa pagkibo nito,nalilis naman ang botones ng suot nitong polo. Nasilayan n'ya tuloy ang makinang na pisngi ng dibdib nito. napalunok tuloy si Jordan. Ipinaling ang tingin sa ibang direksyon,pero tila may pwersang nagtutulak sa kanya para muling tingnan ang natutulog na secretary. bahagya pa nga s'yang napayuko at inilapit ang mukha sa mukha nito.
" Bulaga! ",ang biglang sigaw ni Dilyn. Napaigtad sa gulat si Jordan. Naipikit n'ya ang mata at naikuyom ang mga kamay.
" Anong balak mong gawin ha? Nagpahinga lang ako saglit dahil napagod ako! Kung ano-ano naman yang plano mo! ",ang wika ni Dilyn.
" Go now! ",ang nagtitimping utos ni Jordan. Tumayo nga si Dilyn at pairap na lumabas ng opis ng boss. Pag sarado ng pinto,natutop n'ya ang sariling dibdib. Nagising s'ya sa pagbukas pa lang nito ng pinto. Kusa din s'yang gumalaw sa pagkakahiga. Pero hindi na n'ya nakayanan ang laka ng kabog ng kanyang dibdib. Wala pa namang nakakahalik sa kanyang labi. " Sayang! Sa susunod na lang ako babawi! ",ang may panghihinayang na bulong ni Dilyn sa sarili. May pagpitik pang nalalaman.
BINABASA MO ANG
BITCHY TACTICS By: Reinarose (B4: LET THE LOVE BEGIN) (complete)
Подростковая литератураTEASER: Spoiled ang madalas na itawag kay Dilyn ng lahat ng taong nakapaligid sa kanya. Nakukuha kasi n'ya lahat ng anumang gustuhin n'ya. Pero sa likod ng lahat,nakatago ang isang mabait,maalalahanin at mapagmahal na Dilyn. Hanggang sa makikilala n...