Pinahanap talaga ni Dilyn kung sino ang fafa na nagpanga-nga sa kanya at nan-deadma sa beauty n'ya. Hindi naman iyon mahirap para sa kanya. Tinandaan lang n'ya ang plate number ng kotse nito. Gotcha! Kilala na n'ya ang hunkylicious na iyon.
" Hmmm. Interesting! ",ang nakangiting wika ni Dilyn. Isang multi-billionaire pala ang hunkylicious na fafa na iyon. At ang mas interesting,single pa ito. As in single pa. Isang matamis na ngiti ang namutawi sa mapulang labi ni Dilyn.
" No one can resist my charm! ",ang wika pa nito,na sinamahan ng nakakalokong ngiti. Umpisahan na ang pakikipaglapit sa hunkylicious na fafa.
....
Halos malula si Dilyn sa laki ng kumpanyang pag-aari ni hunkylicious Jordan Vera. Malaki din naman ang kumpanya nina Dilyn,hindi nga lang s'ya pabor na magtrabaho doon. She don't want to work. Masisira ang beauty n'ya. Nagderetso si Dilyn sa information.
" Hi! I can speak to Mr. Vera. Jordan Vera. ",ang wika ni Dilyn.
" What's your name ma'am,please? ",ang tanong ng babaeng nasa front desk.
" Im Dilyn Vasquez. The daughter of Mrs. Vasquez. One of the famous business woman in the country. ",ang pagmamayabang na wika ni Dilyn.
" Oh,i see! Let me check,maam,if may appointment po kayo. ",ang sabi ng babae. Hinanap ang pangalan ni Dilyn ngunit wala iyon.
" Im sorry,Ms. Vasquez,pero wala po ang name n'yo sa list ng appoinments ng President namin. Sad to say,hindi ko po kayo maicoconnect sa kanya. ",ang wika pa ng babae.
Napataas ang kilay ni Dilyn.
" Hindi mo ba ako kilala? ",tanong n'ya. Ngayon lang s'ya napahiya ng ganoon.
" Im really sorry,ma'am. Pero sinusunod ko lang po ang policy namin. Ako po kasi ang mapapagalitan. ",paliwanag ng babae,nakatungo ito.
Nanginginig sa galit si Dilyn.
" Magkikita pa tayo! ",ang madiin n'yang wika sa babae. Walk-out ang peg ni Dilyn. First time ever na mapahiya ng ganoon. Ayaw naman n'yang makaagaw ng pansin ng iba dahil lalo s'yang mapapahiya. Sa pagtalikod n'ya,saktong papasok naman sa loob ng kumpanya s Jordan. Dali-dali n'ya itong nilapitan.
" Hi! ",kay tamis ng ngiting ibinigay ni Dilyn sa binata.
" Hi! Do i know you? ',ang pasarkastikong tanong ni Jordan.
Waley! Nga-Nga na nman si Dilyn. " Nakakailan ka ng lalaki ka ha? ",ang inis na bulong n'ya sa sarili.
" Oh! Let me introduce myself. Im Dilyn Vasquez. Daughter of Mrs. Lucila Vasquez. ",diniinan pa ni Dilyn ang pangalan ng kanyang mama
Napataas kilay naman si Jordan. He know's Mrs. Vasquez. At alam din n'ya ang tungkol sa spoiled nitong dalaga. Nagkaroon agad s'ya ng disgusto sa kaharap. Ngunit dahil sa mama nito,isang pakitang tao na ngiti ang ibinigay n'ya dito.
" Oh,hi! Nice to meet you! ",ang walang ganang bati ni Jordan.
" Nice to meet you too. ",matagumpay na ngiti ang pinakawalan ni Dilyn.
" Gotta go! May meeting pa ako. See you around! ",ang nagmamadaling paalam ni Jordan kay Dilyn. Kahit walang meeting,nagsinungaling s'ya dahil ayaw n'yang makipagplastikan dito.
" Ahmmmm. Busy ka mamaya? Sabay na tayong maglunch. ",sabi pa ni Dilyn,kay bango ng hunkyliciois na ito. Hindi tuloy n'ya mapigilang hindi sundan ito.
" Feeling close. ",ang wika ni Jordan sa sarili.
" May lunch meeting ako. ",ang sabi ni Jordan.
" Ah! Dinner na lang. ",pangungulit ni Dilyn.
Nauubusan na yata ng dahilan si Jordan sa kakulitan ng kaharap. Feeling close talaga eh kakakilala lang nila.
" Look Ms. Vasquez,im so busy. I hope you understand. ",ang tila inis na wika ni Jordan.
Natigilan naman si Dilyn. Wa epek ang pagpapapansin n'ya sa lalaking ito. " Baka naman nagpapa-hard to get lang? ",ang nasa isip ni Dilyn.
" Ok,fine. Hintayin na lang kita mamaya. What time ang labas mo? ",tila may energy pa si Dilyn na salubungin ang naiinis na si Jordan.
Naitirik ni Jordan ang mga mata. Ang kulit,sobra!
" Gotta go,bye! ",iniwan na ni Jordan si Dilyn,ngunit sunod pa din si Dilyn. Hindi talaga kasi mawala sa kanya ang amoy nito. At tila ayaw mawaglit sa kanyang paningin ang pigura nito.
Napansin naman ni Jordan na hindi s'ya hinihiwalayan ni Dilyn. Biglang preno s'ya ng lakad at humarap dito. Hindi naman handa si Dilyn,kaya salpok ang mukha n'ya sa mamasel nitong dibdib. Para lang nilagyan ng glue. Ayaw ng alisin ni Dilyn ang mukha sa pagkakapagkit sa dibdib ni Jordan. Nakalutang na sa ulap ang feeling ngayon ng dalaga.
" Ms. Vasquez,would you mind kung aalisin mo ang mukha mo sa dibdib ko? ",ang pabulong na wika ni Jordan.
" Oh! Ikaw kasi eh,hindi nagsignal na magpepreno agad,yan tuloy,nasaktan ang ilong ko. ",ang pakunwaring wika ni Dilyn,hinimas pa ang ilong.
Naitirik naman ni Jordan ang mga mata. Hindi n'ya akalain na ganito kakulit ang babaeng ito,pwes,kung inaakala nito na makukuha ang lahat ng gusto,nagkakamali s'ya.
" Im sorry! I dont have time. So please,leave me alone! ",ang madiing wika ni Jordan,saka basta na lang iniwan ang natitigilang si Dilyn.
Umuusok ang ilong at bumbunan ni Dilyn dahil sa pagkapahiya. Pero hindi s'ya ipinanganak na talunan. Never!
" Tingnan lang natin kung hindi ka pa bibigay s aakin! ",ang bulong ni Dilyn sa sarili,bago walang lingon na nilisan ang kumpanyang iyon.
BINABASA MO ANG
BITCHY TACTICS By: Reinarose (B4: LET THE LOVE BEGIN) (complete)
JugendliteraturTEASER: Spoiled ang madalas na itawag kay Dilyn ng lahat ng taong nakapaligid sa kanya. Nakukuha kasi n'ya lahat ng anumang gustuhin n'ya. Pero sa likod ng lahat,nakatago ang isang mabait,maalalahanin at mapagmahal na Dilyn. Hanggang sa makikilala n...