CHAPTER 11:

3.9K 84 6
                                    

Naging abala si Dilyn sa pag-aasikaso sa feeding program na ilulunsad n'ya. Ang kanyang kapatid ang nag-approve ng kanyang proposal. Ipinasa n'ya sa kumpanya nito.

" What? Ikaw? May feeding program? ",hindi talaga makapaniwala si Axe.

" Just sign this para maayos ko na! I dont care kung maniniwala ka o hindi! Basta I need budget. ",ang wika ni Dilyn.

" Ok! I'll sign it now! ",ang sabi ni Axe. Pinirmahan nga ang proposal ni Dilyn.

" Thanks! Gotta go! I need to arrange this! Bye! ",masayang wika ni Dilyn,bago lisanin ang opis ng kapatid. Hindi talaga makapaniwala si Axe. Pero sa unang pagkakataon,proud ang naramdaman n'ya para sa kanyang kapatid. She's maybe a brat bitch. But inside her,she has an angel heart.

" And thats my sister! ",ang wika ni Axe,saka nagpakawala ng isang masayang ngiti.

....

Dahil busy si Dliyn. Hindi na muna n'ya pinapansin si Jordan. Tutal,naka-score na s'ya,kaya next time na lang ulit. Pero talagang lapitin s'ya ng swerte,heto na naman si Bruhildang si Dalia. Nagkatagpo na naman sila.

" Ano namang pinagkakaabalahan ng bitch na tulad mo? ",maangas na tanong ni Dalia. Nakita n'yang subsob ang ulo ni Dilyn sa binabasang papeles habang naglalakad.

" Tumabi ka na lang! Wag kang haharang d'yan at dadaan ako! ",ang wika ni Dilyn. Hindi man lang binigyan ng tingin si Dalia. Nagderetso ito ng lakad habang hawak ang binabasang papeles.

" Teka nga! Bastos ka talaga! ",hinawakan ni Dalia ang braso ni Dilyn at pahilang iniharap sa kanya. Na naging sanhi para manlaglag ang hawak na papeles ni Dilyn.

" Hindi ka talaga titigil! Wala akong panahon sa'yo! Kung ako,ikaw,iiwas na lang ako! ",pinipilit na kontrolin ni Dilyn ang kanyang galit. Yumukod s'ya para pulutin ang nanlaglag na mga papel. Pero maldita talaga si Dalia,hinawakan sa buhok si Dilyn at inginudngod sa semento.

" Bitawan mo nga ako! ",sigaw ni Dilyn. Hindi na n'ya napigilan ang sarili. Sumabog na naman ang kanyang kalokohan. Hinawakan n'ya ang paa ni Dalia at hinila. Naging dahilan naman upang matumba ito.

" Sinabi kong umiwas ka na! Pero talagang sinusubukan mo ang pasensya ko! Ewan ko lang kung hindi ka pa magtanda sa gagawin ko! ",usok pati ilong ni Dilyn. Sinakyan n'ya si Dalia at pinagsasampal ang magkabilang pisngi nito. Sinabunutan pa. Kinalmot na din. Sigaw naman sa sakit si Dalia. Tumayo si Dilyn at inayos ang kanyang sarili. Pinulot ang kanyang mga papeles. S'ya namang dating ni Jordan.

" Ikaw na naman? Grabe ka na talaga! ",sigaw ni Jordan. Itinayo si Dalia. Parang musang ang itsura. Umiiyak itong yumakap kay Jordan at nagsumbong.

" Papunta ako sa opis mo. Hinarangan n'ya ako at sinaktan na naman! ",umiyak pa si Dalia.

" Ano ba talaga ang problema mo? ",singhal na naman ni Jordan kay Dilyn.

" Wala! Baka yang babaeng yan! Baliw na eh! Sabunutan ba ang sarili at gumulong pa. Kita ko pa nga,kinalmot ang mukha. Grabe talaga! ",kwento ni Dilyn.

" Sinungaling ka! Ikaw ang may gawa nito sa akin! ",sigaw ni Dalia.

" May audince ba? May nakakita na ako ang gumawa n'yan sa'yo? ",tanong ni Dilyn. Sabay baling sa kanyang mga empleyado.

" Kayo! Nakita n'yo bang sinaktan ko s'ya? Sagot! ",ang malakas na sigaw ni Dilyn.

" Hindi po! ",iisang sagot ng lahat. Kahit kita nilang si Dilyn ang may gawa. Taasan ba naman ng kilay,tila nagbabanta. Mahirap ng mawalan ng trabaho.

" See! Nadaanan kong nagkakaganyan s'ya! Hindi kaya inaatake ng sakit n'ya? My God! Iparehab na natin yan! ",kunwari ay may gulat sa tinig ni Dilyn.

" Bitch ka talaga! Bitchhhhhh! ",palahaw ni Dalia.

" Oh my God! May meeting pa pala ako! Bye! Jordan,be careful ha. Binalaan na kita! Baka mamaya,mahawahan ka! Ikaw din! ",ang may pang-iinis na wika ni Dilyn. Pakembot na iniwan ang lahat. Hindi maiwasan ng mga empleyado na mapangiti sa pasaway nilang Vice-President.

Naiwan si Dalia na gigil na gigil. Bigla namang nakabalik sa kanyang opis si Jordan.

" Jordan,wait! Wag mong sabihin na naniniwala ka sa babaeng yun? Waitttt! ",nagpapadyak na sa inis si Dalia.

.....

Kinabukasan,hindi na pumasok si Dilyn dahil yun ang araw ng kanilang feeding program. Sinabi na lang n'ya na may importante s'yang gagawin at kinabukasan na papasok sa opisina. Ngunit isang urgent meeting ang dapat n'yang daluhan. Kaya hinanap ni Jordan si Dilyn.

" Nag-iwan po ng mensahe na may importanteng gagawin,kaya bukas na lang papasok sa opisina. ",ang wika ng secretary ni Dilyn.

" Saan daw? ",tanong ni Jordan.

" Hindi po sinabi. ",sagot ng secretary.

Inis na naman si Jordan. Tinawagan n'ya ang phone ni Dilyn pero naka-off iyon. Bigla n'yang naisip na tawagan ang kapatid nito.

" Axe,pare. Kamusta? Kasama mo ba ang kapatid mo? ",ang tanong ni Jordan.

" Nope! ",sagot ni Axe.

" Alam mo ba kung nasaan s'ya? May urgent meeting kami ngayon eh! ",pinipigilan ni Jordan na ilabas ang inis sa kanyang tinig.

" Hindi mo alam na may feeding program s'ya ngayon? ",takang tanong ni Axe.

" Feeding Program? Si Dilyn? ",halatang hindi makapaniwala si Jordan,muntik pang mapatawa ng malakas.

" Yeah! Sa iskwater. ",wika ni Axe. Ibinigay ang addres ng lugar at nagpaalam na. May meeting din ito eh. Hindi talaga makapaniwal si Jordan. Malamang ay kalokohan na naman ang ginagawa nito. Pero may nag-udyok sa kanya na puntahan ang lugar na sinabi ni Axe. Nagmamadali s'yang umalis ng kumpanya.

Makalipas ng kalahating oras,narating ni Jordan ang lugar. Agad s'yang nagtanong kung saan ginaganap ang feeding program. Sinamahan s'ya ng lalaking napagtanungan n'ya. Sa isang bakanteng lote ginawa ang feeding program. Papasok pa lang si Jordan,pero ang boses agad ni Dilyn ang kanyang narinig. Bahagya s'yang nagkubli sa pader.

" Salamat po sa inyong lahat sa pakikiisa sa ating feeding program! Para sa inyo pong lahat ang aming inihandang pagkain at regalo! Enjoy po! ",ang masayang wika ni Dilyn. Nagpalakpakan ang lahat at nagsimula na ang pakain. Isa si Dilyn sa nagseserve sa mga taga-iskwater. Ilan pa nga sa madudungis na bata ang humahawak kay Dilyn. Ngunit hindi kakikitaan ng kaartehan. Hindi nga din naiwas o magpagpag man lang. Ang lahat ng iyon ay kita ni Jordan. Tila biglang nabago ang pagtingin n'ya sa pasaway at makalokohang dalaga.

Kitang-kita na tila sunog na ang mukha ni Dilyn dahil babad ito sa araw. Ngunit imbis na na magreklamo,saya pa ang nakikita ni Jordan sa mga mata nito. Ilang minutong hindi natinag si Jordan sa pagkakatitig kay Dilyn. Tila nahipnotismo. Ngunit napatago s'ya ng makitang tila palapit ito sa kinaroroonan n'ya.

....

Saglit na iniwan ni Dilyn ang ginagawa. Binuksan ang kanyang phone at tinawagan ang kanyang kapatid.

" Bro,kamusta? ",ang wika ni Dilyn.

" Just want to ask. Kamusta na yung pinapabili kong lupa? Dito sa iskwater? You think makukuha natin? ",ang tanong ni Dilyn.

" Nakikipagnegosasyon pa ako! ",sagot ni Axe.

" Ok! I will help to negotiate with them! Bro! Dont tell to anybody about sa ginagawa ko ha! ",bilin ni Dilyn.

" Why not? Nahihiya ka ba sa ginagawa mo? ",takang tanong ni Axe.

" Ofcourse not! Gusto ko lang ay malaya ang kilos ko! Ayokong ipagsigawan sa buong mundo ang ginagawa ko! Mas gusto ko ang ganito. I can move freely! ",paliwanag ni Dilyn.

" Ok! You're the boss! ",wika ni Axe. Pero hindi na n'ya sinabi sa kapatid na nabanggit na n'ya ito kay Jordan.

" Gotta go! Magpapagames ka kami! ",excited na wika ni Dilyn,pinatay na muli ang phone. Nagtatakbo pang lumapit sa mga taga-iskwater. Ang hindi alam ni Dilyn,lahat ng iyon ay narinig ni Jordan. Isang ngiti ang namutawi sa labi ni Jordan. Tila nagkaroon s'ya ng interes na alamin pa ang mga nakatago sa sa likod ng pasaway na si Dilyn.

BITCHY TACTICS By: Reinarose (B4: LET THE LOVE BEGIN) (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon