CHAPTER 9:

3.8K 84 4
                                    

Everyday na lang,laging mainit ang ulo ni Jordan. Everyday na lang kasi kung asarin s'ya ng babaeng iyon. Hindi na naubusan ng pasaway move. Matutuyuan na s'ya ng dugo.

" Hey! Whats wrong? ",ang tanong agad ni Dalia ng makapasok sa opisina ni Jordan. Galing ito sa one week vacation sa France,kaya wala pang alam sa nangyari.

" Oh! Bumalik ka na pala. ",matamlay pa ding wika ni Jordan.

" Yah! Kahapon pa. Eto nga pala ang pasalubong ko sa'yo oh! ",excited na ipinakita ni Dalia ang mamahaling damit kay Jordan. Isinukat pa iyon. Bigla nilang narinig ang dalawang katok,sabay bukas ng pinto. Si Dilyn pala ang nasa pinto. Parang toro lang. Nag-usok agad ang ilong ni Dilyn ng makitang tila may ginagawang milagro ang dalawa.

" Oh! I just came here to ask about this papers. But look what I've seen! ",gigil na wika ni Dilyn.

" Ikaw? Ano na naman ang ginagawa mo dito? Diba,fired ka na? So,bakit ka nandito? ",nagdikit na din yata ang dalawang kilay ni Dalia ng makita si Dilyn.

" Oh! Ikaw din? Bakit ka din nandito? ",ganting tanong ni Dilyn.

" Oh! Nalimutan mo yata na kaibigan ako ng Presidente ng kumpanyang ito! ",nakangising wika ni Dalia.

" Oh! Hindi mo yata alam na ako ang Vice-President ng kumpanyang ito! ",tas kilay na wika ni Dilyn.

" What? You make me laugh! ",bahagya pang napatawa si Dalia.

" Laugh as you want! But for now,you can go! May mahalaga kaming pag-uusapan ni Jordan. ",ang wika ni Dilyn.

" Grabe ang taas ng lipad mo,girl! Baka pagbagsak mo,grabe din ang lagapak! ",natatawa pang wika ni Dalia'

" Ah! Really! Parang ganito! ",wika ni Dilyn,inihagis pataas ang hawak na ballpen,nakatapat kay Dalia. Bigla namang napatingala si Dalia,kaya pagbagsak ng ballpen,sa kanyang mukha tumama. Buti hindi patusok ang pagbaksak ng ballpen.

" Aray! Walanghiya ka talagang babae ka! ",balak na sanang sugudin ni Dalia si Dilyn ngunit inawat ito ni Jordan.

" Anong klaseng ugali ba meron ka ha? You're so disgusting! Hindi ko alam kung bakit naipagkatiwala sa'yo ni Papa ang kumpanya! Get out! ",ang sigaw ni Jordan kay Dilyn.

Gigil na gigil naman si Dilyn. Nagluluha din ang kanyang mga mata. Mas pinaburan pa nito ang babaeng iyon kesa sa kanya. Sabagay,sino nga ba s'ya? Binalingan n'ya si Dalia na ngayon ay nakayakap kay Jordan at nagpapaawa.

" Hindi ikaw ang klase ng magpaptaob sa akin! Tandaan mong isa akong bitch! ",ang turan ni Dilyn bago lumabas sa opis ni Jordan. Tulo tuloy ang luha n'ya pagkasara n'ya ng pinto. Agad n'ya iyong pinahid at nag-isip ng plano kung paano makakaganti sa bruhildang babae.

.....

Lumabas na si Dalia buhat sa opis ni Jordan. Naglakad s'ya patungong elevator ng bigla s'yang harangan ni Dilyn.

" Oh! Hindi ka talaga nadadala! ",nakangising wika ni Dalia.

" Girl! Ang bitch ay walang kadadalaan. Pero ang bruhilda,meron! ",wika naman ni Dilyn.

" Wag mo akong takutin,dahil hindi ikaw ang katatakutan ko! ",singhal ni Dalia.

" Same lang pala tayo! Hindi din ang klase mo ang magpapabahag sa buntot ko! ",wika naman ni Dilyn.

" Yeah! Coz you're a devil bitch! Hindi lang buntot ang nalabas sa'yo,pati sungay mo! ",nanlilisik ang mga matang wika ni Dalia.

" Kaya tumabi ka! Susuwagin kita! ",ang wika ni Dilyn. Inilagay ang dalawang daliri sa kanyang ulo,na animo ay sungay. Tumungo na parang toro at sinuwag nga si Dalia. Dahil nagulat naman si Dalia,napaurong ito,natipalok dahil sa taas ng takong. Pabagsak na napaupo sa sahig.

" Magbabayad ka talagang babae ka sa akin! ",malakas na sigaw ni Dalia,nahimas ang pang-upo na nasaktan.

" Dont worry,hindi na ako hihingi ng sukli sa'yo pag pinagbayad mo ako! Keep the change! ",nakangising wika ni Dilyn at pakembot na iniwan ang nanggigigil na si Dalia.

....

Masayang umuwi si Dilyn sa mansyon nila. Kahit paano ay nakabawi s'ya s abruhildang babaeng iyon. Agad n'yang hinanap si Axe.

" Bro! I have something to ask! ",bungad agad ni Dilyn ng makitang nasa library ang kapatid.

" Ano yun? Come inside! ",ang wika ni Axe.

" Nakita ko ang papeles na ito. Pinag-aralan ko at parang may mali. ",ang wika ni Dilyn,ipinakita sa kapatid ang papeles. Yun sana ang itatanong n'ya kay Jordan. Nalimutan n'ya ng dahil sa bruhildang babae. Tungkol yun sa monthly income ng kumpanya,hindi nagtatama ang dalawang papeles ayon sa kalkulasyon ni Dilyn. Tiningnan naman ni Axe ang mga papeles.

" Saan mo ito nakita? May kakaiba nga! ",ang wika ni Axe.

" Dahil nagbubuklat ako sa mga papeles sa kumpanya,yan ang nakita ko. Nagtataka lang ako. Bakit hindi nachecheck ni Jordan ang ganyang kaimportanteng papeles? ",ang tanong ni Dilyn.

" I smell somethings fishy! ",wika ni Axe.

" Me,too! I will handle that! ",kinindatan ni Dilyn ang kapatid. Aalamin n'ya kung ano talaga ang nangyayari sa loob ng kumpanya nina Jordan.

....

Kinabukasan,naging abala si Dilyn sa palihim na pag-iimbestiga. Kumikilos s'ya ng maingat ngunit mabilis. Katulong n'ya ang kapatid,itinuturo ang dapat n'yang gawin. Pero may dapat s'yang asikasuhin para sa gagawing commercial para sa kanilang kumpanya.

" Ahhhh! Ohhhh! Yes! Im coming! Ohhhh! ",anas na nagmumula sa opis ni Dilyn.

" Make it fast! Faster! Ahhhhhh! Ohhhhhh! Fasterrrr! ",halinghing na naman ni Dilyn.

Mula sa labas,hindi mapigilan ng secretary nito na pakinggan ang anas na iyon ni Dilyn. S'ya namang lapit ni Jordan at dinig na dinig n'ya ang tila kalabugan sa loob ng opis nito,sabayan pa ng nakakapang-init na halinghing ni Dilyn. Pabigla na naman n'yang binuksan ang pnto. Nakita n'yang kasama nito ang editor nilang lalaki.

" God! Anong kababuyan ang ginagawa n'yo sa kumpanya ko? ",malakas na sigaw ni Jordan,pati mga empleyado ay narinig ang sigaw na iyon.

" Ha? ",nagtatakang reaksyon ni Dilyn.

" I can't take this anymore! May karapatan akong alisin ka d'yan s apwesto mo dahil sa kababuyang ginagawa mo! ",singhal na naman ni Jordan. Biglang tumayo si Dilyn.

" Para kang manok na mangingitlog,putak ng putak! Anong kababuyan ba yang sinasabi mo? Ipinakita sa akin ni Editor ang script para sa gagawing commercial. Nag-sample lang ako kung paano dapat sa sabihin ang script! Para naman maka-engganyo! HIndi dapat ako ang alisin mo,kundi yang dumi sa utak mo! Hala! Lumabas ka dahil busy ako! ",si Dilyn naman ang nambulyaw.

Parang itinulos sa kinatatayuan si Jordan dahil sa pagkapahiya. Ilan naman sa mga empleyado ay hindi mapigilang mapaumis. Akala talaga nila,may milagro na sa loob ng opis ni Dilyn.

" Labas! ",taas kilay pang ulit ni Dilyn. Nagngangalit si Jordan sa galit,hiya,inis. Bigla nga itong tumalikod at nagmamadaling nilisan ang opis ni Dilyn. Parang gusto n'yang matunaw sa mga oras na iyon. Hindi n'ya akalaing mapapahiya ng ganoon dahil sa babaeng iyon.

" For God sake! May araw ka din sa akin! ",gigil na wika ni Jordan sa sarili.

BITCHY TACTICS By: Reinarose (B4: LET THE LOVE BEGIN) (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon