CHAPTER 21:

4K 70 0
                                    

Panay na ang tawag ni Jordan sa phone ni Dilyn ngunit hindi sinasagot ng dalaga ang tawag n'ya. Muli n'yang sinubukang tawagan and dalaga ngunit naka-off na ang phone nito.

" Shit! ",wika ni Jordan. Nasabunot na ang sariling buhok. Nagpasyang hanapin na ang dalaga. Hindi s'ya papayag na mawala pa ito. Gagawin n'ya ang lahat paniwalaan lang nito ang paliwanag n'ya.

Unang pinuntahan ni Jordan ang mansyon kung saan nakatira ang dalaga.

" Hindi pa s'ya umuuwi,hijo. Wala ba s'ya sa opisina? ",tanong ng Mama ni Dilyn.

" Ahmm. Maam,pede po bang pakikontak ako kung sakaling umuwi na si Dilyn? ",hiling ni Jordan.

" Ok. Ano ba ang nangyayari? ",tanong ng Donya.

" Balak ko pong pakasalan si Dilyn,pero tinataguan n'ya ako. Sana po ay ok lang sa inyo. ",wika ni Jordan

" Oh! I'll call you,agad-agad kapag umuwi na ang anak ko. S'ya,hanapin mo na si Dilyn,manugang. ",nakangiting wika ng Donya.

" Salamat po! ",wika ni Jordan. Nagmadali na ding umalis upang hanapin si Dilyn.

Nagpaikot-ikot si Jordan. Pinuntahan ang lugar kung saan madalas magpunta si Dilyn. Ngunit laylay ang balikat dahil hindi natagpuan ang dalaga. Nanlalambot s'yang napaupo,itinigil n'ya ang kotse sa isang coffee shop. Nag-iisip pa s'ya ng lugar na pedeng puntahan ni Dilyn. Ngunit hindi sinasadyang natuon ang atensyon n'ya sa tatlong couples. Nangunot ang kanyang noo dahil namumukhaan ang tatlong lalaki na kasama ay tatlong buntis na babae. Bunga ng kuryosidad,lumapit si Jordan sa mga ito.

" Hi. ",kunot noong bati ni Jordan. Sabay-sabay s'yang tiningnan ng anim. Halatang nagulat ang tatlong lalaki. Nangingilala naman ang tinging ipinukol sa kanya ng tatlong babae.

" Yes? ",tonong patanong ba wika ng isang buntis.

" Kilala n'yo ang tatlong ito? ",taas kilay na itinuro pa ni Jordan ang tatlong lalaki.

" Ofcourse! Mga asawa namin sila. ",takang sagot ng isa pang buntis.

" Really! So alam din ba ninyo na may nobta ang tatlong yan? ",parang gusto ng manapak ni Jordan.

" Hey! Kung sino ka man,wag kang gumawa ng gulo dito at wag mong siraan ang mga asawa namin! ",napatayo na ang isang babaeng buntis.

" Kita ng dalawang mata ko! Kung makapulupot at makahalik ang tatlong yan doon sa kanilang gf. ", kumuyom na ang dalawang kamay ni Jordan.

" Levy! "

" Zack! "

" Arvin! "

Sabay-sabay na banggit nina Giana,Joy at Lucy sa pangalan ng kanilang mga asawa. Nagsalubong na ang kilay ng mga ito. Nagkatinginan naman ang tatlong lalaki. Tila nagtuturuan kung sino ang magpapaliwanag sa kanial.

" Mag buntis,easy lang. Baka mapaanak kayo ng di oras. By the way. S'ya nga pala si Jordan. ",ipinagdiinan pa ni Zack ang pangalan ni Jordan.

Ang galit sa mukha ng tatlong buntis ay napalitan ng pagkagulat. Bigla nilang natitigan si Jordan. Tumaas naman ang kilay ni Jordan,tila may natutunugan s'ya sa kilos ng mga kaharap.

" Magpaliwanag na kayo bago pa ako tuluyang magalit sa inyo. May nasesense akong isang inside job. ",wika ni Jordan.

Nagkatinginan ang anim. Mukhang buko na sila.

" Teka muna,nasaan na si Dilyn? ",ang tanong ni Lucy.

" Kaya nga ako napadpad dito dahil sa kakahanap sa kanya. TInaguan ako. Alam n'yo ba kung nasaan s'ya? ",tanong ni Jordan.

"Akala ko magkasama kayo? ",takang tanong ni Giana.

" Yeah! Magpopropose na sana ako sa kanya,kaso napurnada. ",wika ni Jordan. Sabay pakawala ng malalim na buntong hininga.

" You mean,mahal mo din si Dilyn? ",sabi ni Joy.

" Ofcourse! Kaya nga magpopropose na ako eh. Sumingit lang itong si Dalia. ",nakaramdam na naman ng inis si Jordan.

" Bakit hindi mo kasi inamin agad? ",tila nanisi pa si Lucy.

" Eh...",hindi maituloy ni Jordan ang sasabihin.

" Yun,torpe pag-amin sa nararamdaman. Pagdating naman sa mesa,kay bilis. ",wika ni Giana.

" Ha? ",takang reaksyon ni Jordan.

" Kinontak mo na ba s'ya? ",tanong ni Arvin.

" Naka-off ang phone n'ya. Teka lang! Bakit andami n'yong alam? Umamin nga kayo! ",pinagsalikop pa ni Jordan ang dalawang braso.

" Fine! Palabas lang ang lahat. Mga kaibigan kami ni Dilyn. Gusto lang namin malaman kung ano ba talaga ang nararamdaman mo para kay Dilyn. ",amin na ni Lucy.

" You mean,kayong tatlo,honeybabe,sweetylove at bibingkopie ay hindi totoo? ",tila nakaramdam ng saya si Jordan sa natuklasan.

" Nope! ",sabay na wika ng tatlong lalaki.

" Eh paano,mahal mo naman pala,torpedo kapa. Pagdating naman sa bumbastik,may pag-ikot pa at pagdedeposito ng lahat,eh ang galing mo! ",taas kilay na wika ni Joy.

Hindi agad nagsalita si Jordan. " Alam n'yo ang nangyari sa amin? ",tanong ni Jordan.

" Aba! Hindi ah! Teka,saan pa ba pedeng magpunta si Dilyn? ",pag-iiba ng usap ni Giana.

" I dont know! ",naguguluhang sagot ni Jordan. " Tulungan n'yo akong hanapin s'ya! ",pakiusap pa ng binata. Nagkatinginan ang anim.

" Ok! Tagumpay ang Plan C dahil pakakasalan mo na si Dilyn,nawawala nga lang. Lets proceed to Plan D! ",sabi ni Giana.

" Ano yun? ",tanong ni Jordan.

" Patayin sa sindak ang tiyanak,este ang Dalia na iyon! Girls na ang bahala sa kanya. Boys,mag-usap kayo kung anong gagawin n'yo paghahanap kay Dilyn. Magmemeeting muna kaming mga jundat! ",sabi ni Lucy. Naghiwalay nga ang boys at mga jundat at nagsimulang pagplanuhan ang lahat.

Samantala,malungkot na nakaupo sa buhanginan si Dilyn. Nasa isang pampublikong resort s'ya. Minamasdan ang papalubog na araw.

" Bwisit na puso yan! Alam na nga na masasaktan,sige pa din! ",wika ni Dilyn.

" Bwisit din naman ang Jordan na yun,ang galing manakit ng damdamin. ",sabi pa ni Dilyn.

" Pero mas bwisit ang bruhildang Dalia na iyon! Ang laking epal! Humanda ka sa akin,maka-move on lang ako,babalikan kita! ",sabi ni Dilyn. Umiiyak na pala s'ya. Ang sakit naman kasi. Hindi n'ya tuloy maibalik ang dating s'ya. Dahil sa sakit na nararamdaman,nagiging mahina s'ya.

" Iiyak mo lang yan,Dilyn. Pero sa pagbabalik mo,magbabayad ang dapat na magbayad! ",sabi pa ni Dilyn sa sarili. Pumalahaw nga ng iyak si Dilyn. Pero kahit paano,nakakatulong sa kanya para maging magaan ang bigat sa kanyang dibdib.

BITCHY TACTICS By: Reinarose (B4: LET THE LOVE BEGIN) (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon