CHAPTER 8:

3.8K 80 0
                                    

Tinuruan nga ni Axe si Dilyn kung pano ang pagmamanage ng kumpanya. Kung paano pamahalaan ang mga empleyado ng tama. Madali namang natuto si Dilyn,hindi naman s'ya ipinanganak na bobo eh. Yun nga lang,reyna yata ng kapasawayan,kaya laging nagagalit ang kapatid nito.

" Dilyn,ano na naman ba ang ginawa mo? ",inis na tanong ni Axe. Nakita nito ang kapatid na nakaupo sa sofa,nakataas ang paa at puso kalat ng ginusot na papel sa sahig.

" Nagpapahinga lang ako! Napagod ako sa lecture mo today eh! ",sagot ni Dilyn.

" Bakit napakaburara mo? Hindi ganyan ang kilos ng isang pinuno! Umayos ka nga! ",bulyaw ni Axe sa kapatid.

" Bakit ka ba naninigaw? O sige,halika dito! Ikaw ang uupo at ako ang sisigaw sa'yo! Ano kaya ang mararamdaman mo? Sakit ng katawan ko kaya! ",pagpapalusot ni Dilyn.

" Pede ba! Madseryoso ka nga! ",inis na inis na talaga si Axe. Tinitigan ni Dilyn ang kapatid. Mas matanda s'ya dito ng dalawang taon,pero dahil sa mag-isa nitong pinamamahalaan ang kumpanya,mas matanda ito tingnan kesa sa kanya. Tumayo s'ya at nilapitan ang kapatid. Hinawakan ang kamay at iniupo.

" You need to relax! Masyado ka kasing focus sa trabaho. Nalilimutan mo na ang sarili mo! ",ang wika ni Dilyn,minasahe ang balikat ng kapatid.

" Sino naman kasi ang hindi mapepresure kung may kapatid na tulad mo! ",may inis pa ding wika ni Axe. Nasaktan si Dilyn,pero hindi n'ya pinahalata. Bagkus,niyakap n'ya ang kapatid.

" May mga bagay na kailangan nating unahin. May mga bagay din na kailangan bigyan ng pansin. Pero tandaan mo,madaming bagay ang pede mong gawin para sa iyong sarili. Just enjoy your life to the fullest! Maikli lang kasi ang buhay,ayokong magsisi na hindi ko ginawa ang isang bagay na gustong-gusto kong gawin! Maaaring pasaway ako o spoiled para sa'yo. Pero ginagawa ko lang ang mga bagay na makapagbibigay saya sa akin! No rules! No Contract! Nothing! Just only my happiness! ",bulong ni Dilyn sa kapatid bago ito tuluyang iniwan. Natigilan si Axe. Unang pagkakataon na marinig n'yang magsalita ng seryoso ang kapatid. But,ang katagang binitawan nito ay pumasok sa kaibuturan ng kanyang puso.

...

Nagpatuloy sa pag-aaral si Dilyn kung paano ang pamamalakad sa kumpanya. Nandoon pa din ang pasaway na ugali n'ya,pero nagagawa nang sakyan ni Axe. Kailangan lang pala na makilala mo ang tunay na ugali ng isang tao bago mo makita ang other side sa mga ginagawa nito. Tulad ng kapatid n'ya,pasaway,pero nakikita n'ya ang kasiyahan sa mga ginagawa nito.

" Dilyn,tara mag-bar! ",yaya ni Axe sa kapatid,pauwi na sila nito. Napatitig si Dilyn sa kapatid. Sinalat ang noo,mukhang may lagnat yata.

" Anong meron? ",takang tanong ni Dilyn.

" Manlilibre ako,kung ayaw mo,di wag! ",wika ni Axe.

" Sino namang may sabing ayaw ko? Tara lets! ",natatawang wika ni Dilyn. Iiling-iling na lang si Axe habang sinusundan ang excited na kapatid.

" Hey! Sure ka na ba sa plano mo? ",ang tanong ni Axe sa kapatid,nasa bar na sila.

" Oo naman! Tingin mo di ko kaya? ",nananantyang tanong ni Dilyn.

" Hindi naman sa ganoon. Ano ba talaga ang plano mo? Umamin ka nga sa akin? ",ang pamimilit ni Axe.

" Kapatid,wait and see! Sooner or later,malalaman mo ang sagot! ",wika ni Dilyn,sabay kindat sa kanyang kapatid. Naiiling na naman si Axe. May kakaiba s'yang kutob sa kapatid n'ya.

....

And the has come. Makalipas ng tatlong buwang pag-aaral,ready na sumabak sa trabaho si Dilyn. Pero hindi sa kumpanya nila,kundi sa kumpanya nina Jordan. Malaki ang naging share ng kumpanya nina Dilyn sa kumpanya nina Jordan. At isang bagay ang hiniling n'ya,na isasakatuparan n'ya ng araw na iyon.

Pinagtipon-tipon ang buong board of members sa kumpanya nina Jordan. May bagong appointed na Vice-President. Pero hindi pa nila kilala,ang Papa ni Jordan ang pumili at secret muna hanggat hindi pa dumadating ang tamang panahon. And now,the revelation has come.

" Ladies and Gentle men,i just want you to know na nandito na ang bago nating appointed na Vice-President. Lets all welcome.Ms. Dilyn Valencia! ",ang masayang pagpapakilala ng Papa ni Jordan. Nganga sa gulat si Jordan. Hindi n'ya inaasahang magtatagpo ulit ang landas nila ni Dilyn.

" Thank you sa mainit na pagtanggap sa akin sa kumpanyang ito. I can assure you na gagawin ko ang lahat para sa ikauunlad ng kumpanya! ",ang maikling talumpati ni Dilyn,nagpalakpakan ang lahat maliban kay Jordan. Matapos ang konting usapan,pagpapakilala,nagsibalik na ang lahat sa kanilang trabaho,naiwan sina Dilyn at Jordan.

" It's you again! Ano ba talaga ang larong gusto mo? ",naiinis na naman si Jordan.

" Pili ka,chinese garter o jack en poy? ",pang-iinis pang lalo ni Dilyn.

" God! Paano naipagkatiwala ni Papa ang kumpanya sa tulad mo? Hindi mo nga nagampanan ng ayos ang pagiging secretary ko,Vice-President pa kaya? ",painsultong wika ni Jordan.

" Don't worry! Kung dati eh pasaway ako,ngayon umangat pa! To the highest level na! ",sagot ni Dilyn.

" Hindi ko kayang makipagtrabaho sa'yo! ",halata ang disgusto sa tinig ni Jordan.

" Asus! As if may magagawa ka pa! Don't worry ulit! I'm your best nightmare! ",ang wika ni Dilyn,saka patalilis na nilisan ang meeting room. Bago pa magkaroon ng explotion. Mukhang sasabog na sa inis si Jordan.

Nagpapadyak naman si Jordan. Magugulo na naman ang kanyang buhay sa muling pagbabalik ng babaeng iyon!

BITCHY TACTICS By: Reinarose (B4: LET THE LOVE BEGIN) (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon