CHAPTER 15:

4K 86 4
                                    

Hindi maipaliwanag ni Dilyn ang sayang nararamdaman. Wala pa namang inaamin sa kanya si Jordan. Pero ramdam n'ya na may pagtingin din ito sa kanya.

" Iba talaga ang ganda mo gurl! ",wika ni Dilyn sa sarili habang nakatingin sa salamin. Nagpose pa.

" Galingan mo lang ang pagkambyo,magiging maayos ang takbo nito! ",nakangiti pang wika ni Dilyn sa harap ng salamin. Inayos ang sarili at lumabas sa restroom na nasa loob ng kanyang opisina. Sinipat ang kanyang relo. Malapit nang dumating si Jordan. Nagmmadali s'ya umupo at inabala kunwari ang sarili.

Ilang saglit lang ay pumasok si Jordan sa opis ni Dilyn. Abala (kuno) ang dalaga.

" Morning! ",masayang bati ni Jordan. Nilapitan pa si Dilyn.

" Morning. ",ganting bati ni Dilyn. Hindi binigyan ng tingin si Jordan.

" Busy agad! Ang aga pa ah! ",reklamo ni Jordan.

" Yeah. ",sagot ni Dilyn. Nakasubsob pa din ang ulo sa binabasang papeles.

Napakunot noo si Jordan. Kagabi lang ay magkahalikan sila,tapos ngayon hindi s'ya nito pinapansin. Ano yun,lokohan?

" Hey! ",wika ni Jordan. Pabiglang inilapag ang dalawang kamay sa table ni Dilyn.

" Ay! Pusang gala! ",nasambit ni Dilyn sa gulat. " Ano bang problema mo? ",tanong pa ni Dilyn.

" Hello! Andito ako! Can you give me little of your time? ",demand ni Jordan.

Naipaikot ni Dilyn ang kanyang eyeballs. Pero kinikilig. Palabas lang naman n'ya ang hindi pagpansin dito. Effective naman.

" Ok! What do you want? ",pilit ikinukubli ni Dilyn ang pagsilay ng kanyang ngiti.

" Never mind! ",singhal ni Jordan. Tumalikod para lapitan ang pintuan.

Napabigla naman ang tayo ni Dilyn at agad na pinigilan ang papaalis na binata.

" Common! Ano nga ang kailangan mo? ",tanong ni Dilyn. Nakaharang na ito sa pinto.

" Nothing! ",nagtatampong wika ni Jordan.

" Ui! Nagtatampo! ",ngumiti na si Dilyn.

" Ofcourse not! ",wika ni Jordan. Ang haba naman ng nguso.

" May alam akong makakaalis ng tampo mo! ",ngisi ni Dilyn. Hinila ang batok ni Jordan at siniil iyon ng halik.

Kunwari ay ayaw tumugon ni Jordan,napilitan lang. Tinugon na din. Kapwa sila humihingal ng magbitaw.

" Tampo pa? ",tanong ni Dilyn.

" Tampo pa! ",umirap pa si Jordan.

" Aysus! Kulang pa! ",ngisi ni Dilyn. Hinawakan muli ang batok ni Jordan at muling siniil ng halik ang labi nito.

" Ano,tampo pa? ",humihingal na tanong ni Dilyn.

" May konti pa! ",sumimangot pa kunwari si Jordan.

" Nyemas na tampo yan! Tagal mawala! ", wika ni Dilyn. Muling siniil ng halik si Jordan.

" Sure na ako! Tanggal na tampo mo! ",tumatawang wika ni Dilyn. Ngumiti si Jordan. Hinapit ang bewang ng dalaga at muling hinalikan.

" Hep! Nakakailan ka na! Umalis ka na nga! ",pagtataboy ni Dilyn kay Jordan. Iniiwas ang sarili dito dahil nagsisimula nang kumalat ang init sa kanyang katawan.
Natatawang sinundan ng tingin ni Jordan ang papalayong dalaga. Ngunit biglang lumingon si Dilyn. Tila may nakalimutan.

" Ahmm. Jordan..." ,hindi maituloy ni Dilyn ang susunod na sasabihin.

" Hmmm. ",tanging tugon ni Jordan.

" Ahmm. Bukas zipper mo! ",natatawang wika ni Dilyn.

Agad namang napatalikod si Jordan at ininspek ang zipper ng kanyang pantalon. Hindi naman bukas. Napatingin s'ya kay Dilyn.

" Joke! ",wika ni Dilyn na sinabayan pa ng malakas na halakhak.

" Ikaw talaga! Magbabayad ka! ",nakangising wika ni Jordan. Binuhat si Dilyn at inihiga sa sofa. Saka kinubabawan.

" Ay! Ay! Ay! Umalis ka nga d'yan! ",histerikal na wika ni Dilyn.

" Gusto mo akong subukan? Baka gusto mong makita ang nakatago sa zipper na ito? ",nakangising wika ni Jordan.

" Ay! Ano ba? Harassment na ito ha! Alis nga d'yan! ",tili na naman ni Dilyn. " Masusunog na ako sa sobrang init! ",segunda ng isip ng dalaga.

Ngunit hindi nagpatinag si Jordan. Lalong inilapit ang mukha sa dalaga. Nadadarang na ito sa init na nararamdaman.

" Aray! May natusok! Ano ba? ",tili na naman ni Dilyn.

" At ano naman yung natusok? ",inamoy-amoy pa ni Jordan ang mukha ni Dilyn.

" Aray! Yung ballpen mo natusok! ",sigaw ni Dilyn. Itinulak na si Jordan.

Ang lakas nang naging tawa ni Jordan. Kita nga naman n'ya na namula ang dibdib ni Dilyn. " Bwisit na ballpen oh! ",panghihinayang ng isip nito.

" Labas na! Labass! ",natatarantang wika ni Dilyn.

" As you wish! ",nakangiting wika ni Jordan. Kinintalan pa ng halik sa labi si Dilyn at nagmamadaling nilisan ang opis nito.

Agad na nabuksan ni Dilyn ang mini ref na nasa kanyang opis. Hindi namalayang naubos ang mineral water. Sa sobrang uhaw o sa sobrang init??

Uwian na naman. Nagliligpit na ng kanyang gamit si Dilyn,biglang dating ni Jordan.

" Lets go! ",yaya pa nito.

" Saan? ",takang tanong ni Dilyn.

" Date! ",mabilis na sagot ni Jordan.

" Anong nakain mo at ide-date mo ako? ",tanong pa kunwari ni Dilyn,pero kinikilig pati talampakan n'ya.

" Wag na kasi madaming tanong! Wala pa akong nakakain. Mangangain pa lang! ",ngisi ni Jordan.

" Puro ka kalokohan! Baka yang kainin mo eh willing naman! ",ganting biro ni Dilyn.

" Simulan na! ",excited pang wika ni Jordan.

" Tara! ",wika ni Dilyn,sabay labas sa kanyang opis.

" Saan ka pupunta? ",tanong ni Jordan,nakasunod kay Dilyn.

" Sabi mo,magde-date tayo! Kaya tara na! Bakit anong nasa isip mo? ",taas kilay na tanong ni Dilyn.

" Wala. ",kakamot-kamot sa batok na wika ni Jordan.

" Then,lets go! ",ngisi ni Dilyn. Ngumisi na lang din si JOrdan at sabay pa silang pumasok sa elevator.

Nang makarating sila sa parking lot,ang sasakyan ni Jordan ang kanilang sinakyan. Kakapasok pa lang ni Dilyn sa kotse ng binata,siniil na agad s'ya ng halik ni Jordan.

" Atat ka eh! Hindi ka na ba nagsawa? ",natatawang wika ni Dilyn.

" Pampagana lang! Magdadrive ako eh! Mabuti ng may energy! ",nakangiting sagot ni Jordan. Saka n'ya pinaandar ang kotse.

Ang hindi alam ng dalawa,kanina pa sila pinagmamasdan ni Dalia. At nag-aapoy ang tinging ipinukol nito sa kanila.

" Sa tingin mo magwawagi ka! Nagkakamali ka! ",galit na bulong ni Dalia.

BITCHY TACTICS By: Reinarose (B4: LET THE LOVE BEGIN) (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon