CHAPTER 17:

3.8K 84 2
                                    

Ilang araw na hindi pumasok si Dilyn sa opisina. Lagi itong tinatawagan ni Jordan ngunit hindi sinasagot ng dalaga. Nakahiga lang ito habang nakatulala sa kisame. Bigla na lang tutulo ang luha dulot ng sobrang sakit na nararamdaman.

" Dilyn,tinawagan na naman ako ni Jordan. Tinatanong ka. Ano bang problema n'yong dalawa? ",tanong ni Axe. Nasa labas ito nang pinto ng kwarto ni Dilyn. Walang narinig ang binata na sagot buhat sa kapatid.

" Sis,open this door. Mag-usap tayo. Ano ba ang problema mo? ",may pag-alala sa tinig ni Axe.

Napahinga nang malalim si Dilyn. Tumulo na naman ang kanyang luha. " Just leave me alone. Hayaan mo muna ako,please. ",sa mahinang boses ay wika ni Dilyn.

Huminga ng malalim si Axe. Kailangan n'yang makausap ang lalaking iyon. Nagmamadaling nilisan ni Axe ang mansyon.

...

" Axe,pare! ",bati ni Jordan ng biglang bumungad sa opis n'ya ang binata.

" Anong ginawa mo sa kapatid ko? ",galit na tanong ni Axe.

" Wala. ",tanging sagot ni Jordan.

" Oh common! Anong ginawa mo sa kapatid ko? ",nagbabaga na ang mga mata ni Axe sa sobrang galit.

" May kaunti kaming hindi pinagkaintindihan. Thats why gusto ko s'yang makita at makapagpaliwanag. Pero hindi n'ya sinasagot ang tawag ko. ",pagtatapat ni Jordan.

" Dont you ever try na saktan ang kapatid ko! Dahil ako ang makakalaban mo! ",sagot ni Axe.

" Pare,tulungan mo akong makausap ang kapatid mo! Ipapaliwanag ko sa kanya ang lahat! ",pakiusap ni Jordan.

Hindi nagsalita si Axe. Tumalikod ito at tuluyan ng umalis. Naiwang nalilito si Jordan. Hindi n'ya alam kung paano makakausap si Dilyn.

...

" Hija,nandito si Jordan. Gusto ka daw makausap. ",kinatok ng Donya ang pintuan ng kwarto ni Dilyn.

" Mom,pakisabi po wala ako. ",ang wika ni Dilyn.

" Dilyn,please! Mag-usap naman tayo! ",nasa may pinto na din si Jordan.

Bumagsik na naman ang mga mata ni Dilyn. Kinuha n'ya ang kanyang bag at patalilis na umalis. May hagdanan sa terrace na nasa kanyang kwarto. Doon s'ya dumaan. Nagmamadaling pinuntahan ang kotse sa garahe at agad na pinasibat. Nagulat na lang si Jordan at ang Mama ni Dilyn ng sabihin ng katulong na umalis na ang dalaga. Kaya ang lahat ng pag-amin ni Jordan ay nabalewala. Laylay ang balikat na umalis ito. Nagbabakasakaling maabutan ang dalaga.

...

Dahil araw ng Linggo noon,minabuti ni Dilyn na magderetso sa simbahan matapos n'yang iwan ang nagngangangawang si Jordan. Magtatanggal s'ya ng kasalanan dahil iniisip n'yang tadtadin ng pino si Jordan at ang bruhildang si Dalia. Ipinarada n'ya ang kotse,ngunit di inaasahang may makikita.

" Arvin! ",hindi makapaniwalang wika ni Dilyn. Ilang buwan din n'ya itong di nakita.

" Dilyn! ",masayang bati din ni Arvin at nag-beso-beso silang dalawa.

" Oh tama na! Asawa ko yan! ",awat ng nakangiting si Lucy. Binalingan ito ni Dilyn.

" Heller! Hindi ako natanggap ng pinagsawaan na noh! ",ngisi ni Dilyn. Sabay na napatawa ang dalawang babae.

" Anong pinagsawaan ka d'yan! Kita mo ba ang machong katawan ko! ",ang singit ni Arvin. Pinagalaw pa ang muscle sa braso.

" Wag na umangal pa.Ayan nga oh! Ang abs mo nasa tiyan na. ",ang wika ng nakangiting si Lucy. Tatawa-tawang sinikap ni Arvin na paliitin ang lumalaking tiyan.

Natatawang pinagmasdan ni Dilyn ang mag-asawa. Hanggang sa mapatingin s'ya sa maumbok na tiyan ni Lucy. Buntis kasi ito.

" O wag na magtanong. Noong sinubukan kasi namin ang Hiphop,ayan ang resulta. ",wari ay alam ni Lucy ang nasa isip ni Dilyn. Balak sanang magtanong ni Dilyn ng dalawang sabay na kotse ang huminto sa harapan nila. At nakilala n'ya kung sino ang sakay sa dalawang kotseng dumating.

" Hi! ",ang masayang batian nina Giana,Joy at Lucy,beso-beso pa. Habang shake hands ang batian ng mga asawa ng mga ito.

" Hi! Do I know you? ",kunot-noong tanong ni Giana. Parang pamilyar sa kanya ang mukha ng babaeng kausap nina Lucy.

" Oh yes! Sino ang makakalimot sa akin at sino ang makakalimot sa inyo? Remember the girl na pinabugbog n'yo sa mga readers? Thats me! ",ang nakangiting wika ni Dilyn.

" I knew it! ",singit ni Joy.

" Pasaway ka kasi that time eh! ",sinabayan pa ng malakas na halakhak na wika ni Giana.

" Kasalanan ko ba? Eh si writer ang gumawa ng script. Kung alam n'yo lang ang dinadanas kong hirap at luha ngayon! ",ingos ni Dilyn.

" Ganyan din nararamdaman ko dati noong akala ko eh inagaw mo na si fafalicious ko sa akin. Gusto ko kayong tadtadin ng pino at ipakain sa pating. ",natatawang wika ni Lucy.

" Tama! Yan nga ang gusto kong gawin ngayon! ",segunda ni Dilyn.

" Pero sa kabila noon,mahal ko pa din ang fafalicious ko. ",sabi pa ni Lucy. Hindi umimik si Dilyn. Sumimangot lang ito.

" Teka nga! Ano ang nakain n'yo at bakit nagmukha kayong mga butusin? ",nakangiting tanong ni Dilyn,buntis kasi sina Giana,Joy at Lucy.

" Ako,Hotdog! Yum! Yum! ",sagot ni Giana,ipinaikot pa ang dila sa labi nito.

" Ako naman eggs. Two eggs everyday! ",singit ni Joy.

" Akin sausage. ",malungkot pa kunwari si Lucy.

Bahagyang siniko ni Arvin si Lucy.

" Anong sausage ang pinagsasasabi mo? ",tanong ni Arvin sa asawa.

" Jumbo sausage!
Jumbo sausage kaya ko ito!
Kaya ko ito! Kaya ko ito!
Jumbo sausage kayako ito!
Hindi ako bato,at hindi magpapatalo!
Jumbo sausage kaya ko ito! ", ang kanta ni Lucy,sinamahan pa ng bahagyang indak. Malakas na halakhak ang pinakawalan ng anim. Parang butete lang na nasayaw si Lucy.

" Hayss! Tara na nga sa loob ng simbahan. Mga walang galang! ",inis na wika ni Dilyn,lakad palayo sa tatlong magkakapareha. Hindi naman talaga s'ya naiinis,naiinggit lang. Natatawang sumunod na ang anim na shunga kay Dilyn papasok sa loob ng simbahan.

BITCHY TACTICS By: Reinarose (B4: LET THE LOVE BEGIN) (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon