Matapos magsimba,nagkayayaan ang pito na magmeryeda upang maipagpatuloy ang kanilang kwentuhan.
" Teka,sabi mo lumuluha ka ngayon? Bakit,niloko ka ng fafa mo? ",ang tanong ni Giana kay Dilyn.
" He's not my fafa,but,we kissed like may relasyon kami. Pero wala naman kaming relasyon. Ay ewan ko! Ang gulo! ",wika ni Dilyn.
" Tama,magulo ka nga! ",ang sabi naman ni Joy.
" So,anong problema mo? ",tanong ni Lucy.
" Yung feeling ba na ginamit ka lang at pinaasa! Yan ang problema! ",wika ni Dilyn.
" Need help? ",tanong ni Zack.
" Yes! Dahil gusto kong paslangin ang dalawang iyon! ",gigil na wika ni Dilyn.
" Bakit? Mukha ba kaming mamamaslang? ",natatawang tanong ni Levy.
" Naman! Tutulungan n'yo ba ako o hindi? ",tanong ni Dilyn.
Nagkatinginan ang tatlong magkakapareha. Sabay pakawala ng ngiti sa kanilang labi.
" Ok! Tutulungan ka namin. Tutal naman,mabait ka na. ",sabi ni Joy.
" Yes! Magplano na tayo! ",excited na wika ni Dilyn.
" Ok! Eto ang Plan A. Operation Pagpapaselos! We have to prove kung ano talaga ang nararamdaman ng fafa mo sa'yo! ",sabi ni Lucy. At isinalaysay ang dapat gawin ni Dilyn at ang mga magiging kasabwat.
Isang ngiti ang pinakawalan ni Dilyn. Masisigurado na n'ya kung ano talaga ang nararamdaman para sa kanya ni Jordan.
....
Kinabukasan,pumasok na sa opisina si Dilyn. Ready na s'ya para isagawa ang Plan A nila. Halos kakaupo pa lang ni Dilyn,bigla na lamang bumukas ang pinto at pumasok si Jordan.
" Dilyn,mag-usap tayo. ",agad ay wika nito.
" I'm sorry! Madami akong nakabinbing trabaho. ",sagot ni Dilyn.
" Gusto ko lang magpaliwanag. Please! ",wika ni Jordan. Hindi na nakasagot si Dilyn dahil biglang tumunog ang phone nito.
" Honeybabe,how are you? ",ang malanding wika ni Dilyn.
" Honeybabe,on the way na ako! Pupuntahan kita d'yan sa opis mo ha! ",wika ng kausap ni Dilyn.
" Ok! I'm waiting. Bye! Love you! ",sabi naman ni Dilyn.
" Honeybabe? Ano na naman ang drama mo? ",natatawang tanong ni Jordan. Tiningnan lang ito ni Dilyn at nagpakawala ng isang matamis na ngiti. Hindi pa katagalan ang paghihintay,kumatok ang secretary ni Dilyn at sinabing nasa labas daw ang kanyang honeybabe.
" Honeybabe! ",bati ni Dilyn sa kadadating lang na lalaki na walang iba kundi si Levy.
" Honeybabe,I missed you so much! ",sabi ni Levy. Bahagya pang kumindat.
" Me too! Ikaw kasi eh,nagtampo ka pa sa akin. Alam mo namang love kita! ",nagpapaawa ang tinig ni Dilyn.
" Im sorry,ok! Love din kita! ",sabi ni Levy. Tinitigan ni Dilyn ang lalaki,unti-unting inilalapit ang mukha sa mukha nito. Bigla na lamang umalingawngaw ang babala ni Giana sa kanya.
" Papahiram ko sa'yo ang asawa ko! Pero siguraduhin mong walang kulang yan pagsosoli mo. Kung hindi,mata mo lang ang walang latay! ",babala sa kanya ni Giana. Lihim na napangiwi si Dilyn. Ibinalik muli ang atensyon kay Levy. Unti-unti n'yang inilapit ang mukha dito. Isang tikhim ang nagpatigil sa kanya.
" Nalilimutan n'yo yatang nandito ako! ",kunot noong wika ni Jordan.
" Sorry! Akala ko poste! By the way,this is Levy. Levy,s'ya naman si Jordan. ",pakilala ni Dilyn sa dalawa.
BINABASA MO ANG
BITCHY TACTICS By: Reinarose (B4: LET THE LOVE BEGIN) (complete)
Teen FictionTEASER: Spoiled ang madalas na itawag kay Dilyn ng lahat ng taong nakapaligid sa kanya. Nakukuha kasi n'ya lahat ng anumang gustuhin n'ya. Pero sa likod ng lahat,nakatago ang isang mabait,maalalahanin at mapagmahal na Dilyn. Hanggang sa makikilala n...