May gaganaping party sa kumpanya nina Jordan. Anibersaryo ng kanilang kumpanya kaya kailangang paghandaan. Hindi naman interesado si Dilyn kaya hindi s'ya nag-aabala.
" Dilyn,aatend kaba mamaya sa party ng kumpanya? ",ang tanong ni Andrew,katrabaho ni Dilyn.
" Hindi eh. May lakad ako! ",ang sagot ni Dilyn.
" Ganoon ba. Sayang naman,ikaw pa naman ang naiisipan kong maging partner. ",ang panghihinayang ay nasa boses ni Andrew.
Napangiwi si Dilyn. As if papayag s'yang maging partner nito. Pero hindi n'ya ipinahalata ang disgusto dito. Mahirap na,wala na s'yang mahihingan ng tulong kapag madami na namang pinatrabaho ang damuho n'yang boss.
" Sayang nga ano? May lakad ako eh! Sayang talaga! ",kulang naman sa sinseridad ang tinig ni Dilyn.
" Teka,aalis na ako ha! ",paalam agad ni Dilyn. Half day lang sila dahil abala ang lahat sa gaganaping party mamayang gabi. Palabas na s'ya ng bigla s'yang tawagin ni Jordan.
" Dilyn,saan ka pupunta? ",ang tanong nito.
" Uuwi na po,Sir! Half day lang tayo,diba? Rest rest din pag may time. ",ang sagot ni Dilyn.
" Nope! Marami tayong aasikasuhin para sa party. At isa pa,hindi pedeng wala ka mamaya dahil marami tayong client na dadating. Isa ka sa mag-eentertain. ",ang mahabang paliwanag ni Jordan.
" Sir,may lakad po ako. ",ang pagtanggi ni Dilyn.
Nangunot ang noo ni Jordan. Malamang ay makikipagdate lang ang kanyang secretary sa bf nito.
" I said,hindi pedeng wala ka mamaya,is that clear? ",pinaseryoso ni Jordan ang kanyang tinig. Laylay naman ang balikat ni Dilyn. Wala s'yang nagawa kundi ang sumunod sa damuho n'yang boss.
" Humanda ka sa akin mamaya! ",ang naiinis na bulong ni Dilyn sa sarili.
....
Gabi ng party,madami nang tao ang dumating pero wala pa si Dilyn. Kanina pa ito hinahanap ni Jordan. Madami na kasing kliyente at ang ilan na pinag-uusapan ay dapat maisulat ni Dilyn. Panay na ang sulyap n'ya sa entrance ng bulwagan.
Samantala,dumaan muna si Dilyn sa bahay nina Nonoy. Birthday daw kasi ng nanay nito. Ipagluluto daw s'ya ng pancit. Nailipat na kasi ni Dilyn ng bahay ang pamilya ni Nonoy. Hindi na sa iskwater. Kaya medyo maayos na ang buhay ng pamilya nina Nonoy. Binigyan din n'ya ng hanapbuhay ang mga magulang nito.
" Ate Dilyn! ",ang masayang bati ni Nonoy. Nagsisulputan din ang lima pa nitong kapatid. Noong unang beses n'yang malaman na anim sina Nonoy,pinangaralan n'ya ang mga magulang nito at tinuruan ng family planning. Dadami kasi ang lahi eh mahirap ang buhay.
" Kamusta na kayo mga bata? ",ang masayang bati ni Dilyn.
" Ok naman po! ",sabay-sabay na sagot ng anim.
" Ineng,halika at kumain ka. Nagluto ako ng pancit. ",anyaya ng nanay ni Nonoy.
" Hindi po ako magtatagal. May party po kasi sa kumpanya,kailangang nandoon ako. Dinala ko lang po ang regalo ko at para sabihin na happy birthday. ",ang sagot ni Dilyn.
" Naku,salamat sa'yo ha! ",natutuwang wika ng nanay ni Nonoy.
" Paano,aalis na ako ha! Mga bata,saka na tayo magkwentuhan. Babye! ",ang nakangiting paalam ni Dilyn,at nagmamadaling sumakay sa kotse. Lagot na naman s'ya sa kanyang boss,late na s'ya.
Nang makarating si Dilyn sa kumpanya kung san ginaganap ang party,sa restroom s'ya nagderetso. Magpapalit muna s'ya ng damit dahil nakajeans lamang s'ya. Nakabackless lang naman s'ya na gown. Hapit na hapit ang gown sa kanyang katawan. Ang slit sa dalawang gilid ay lampas tuhod ni Dilyn. Tinernuhan n'ya ng 3inc high heeled shoes. Itinaas ang kanyang buhok,bahala nang sipunin bukas. At naglagay ng manipis na make-up. At pampakintab sa kanyang labi. Presto! Kaakit-akit na Dilyn ang makikita ng lahat.
" Hindi ka makuha sa santong kulitan,pwes,sa santong landian kita dadaanin! ",ang nakangiting wika ni Dilyn sa sarili at nagmartsa na patungo sa bulwagan ng party.
Umentrada na si Dilyn. Nganga ang bawat nakakakita sa kanya. Sa angking ganda at seksi,tila wala ng papantay pa. Hinanap n'ya agad ang kanyang boss. Nang makita ay agad na nilapitan.
" Good evening,Sir! ",ang nakangiting bati ni Dilyn,nilingon s'ya ni Jordan. Bahagya itong natigilan ng makita ang kabuuan ng kanyang seretary. Hindi agad s'ya nakapagsalita.
" Sir,anong gusto n'yong pumasok sa bibig n'yo,bangyaw o langaw? ',ang bulong ni Dilyn sa nakatungangang boss. Naitikon naman ni Jordan ang sariling bibig. At pagalit na nagsalita upang alisin ang pagkapahiya.
" Bakit ngayon ka lang? Anong oras ba ang start ng party,huh? ",pagalit na wika ni Jordan.
" Sir,wag nating sirain ang gabi ok! Just enjoy the night! Happy Anniversary! ",ang nakangiting bati ni Dilyn. Tinitigan na lamang ni Jordan ang nang-iinis na secretary. Nilandian naman ni Dilyn ang bawat kembot ng kanyang balakang. Lihim na napalunok si Jordan.
Hindi syempre maiiwasan na ilan sa mga katrabahong lalaki ni Dilyn ang nagnanais na maisayaw ang dalaga. Lagi lang tanggi s'ya dahil ayaw n'ya talaga. Naisip n'yang yayain ang kanyang boss.
" Sir,sige nga,kung hindi parehong kaliwa ang mga paa mo,sayaw tayo! ",ang pakunwaring wika ni Dilyn. Nangunot ang noo ni Jordan.
" Kaliwa nga mga pata n'yo! ",iiling-iling na saad ni Dilyn. Umismid si Jordan,pabigla n'yang hinila sa gitna si Dilyn. Nabigla pa daw kunwari si Dilyn.
" Anong parehong kaliwa ang mga paa ko,gusto mo akong subukan? ",ang bulong ni Jordan kay Dilyn.
" Sir,magkakasubukan tayo! ",tila nanghahamong wika ni Dilyn. Nagtitigan ang dalawa. At pumailanlang ang malanding awitin.
KILLING ME SOFTLY
Strumming my pain with his fingers
Singing my life with words
Killing me softly with his song
Killing me softly with his song
Telling my whole life with his words
Killing me softly with his songMaingat na hinawakan ni Jordan ang bewang ni Dilyn,habang ikinawit ni Dilyn ang braso sa leeg nito. Magkahinang pa din ang kanilang mga mata. Tila hindi nila alintana ang mga taong nakapaligid sa kanila. Ang malanding tugtugin ay sinabayan nila ng malanding indayog. Habang magkahinang ang kanilang mga mata,unti-unti namang inilalapit ni Jordan ang kanyang mukha sa mukha ng dalaga. Hanggang sa halos hibla na lang ang pagitan ng kanilang mga labi.
Tila naman pinagpapawisan si Dilyn. Eh backless pa ang suot n'ya. Masyado kasi s'yang nakukuryente sa pagkakadait ng katawan nila ni Jordan. This is it na ba? Napalunok na lamang s'ya.
" Sir,wag po! Wag po! ",ang naanas n'ya,hahalikan na talaga s'ya ng boss n'ya. Hindi pa s'ya handa.
Natigilan sa ere si Jordan. Tila biglang binuhusan ng malamig na tubig. Pabigla tuloy s'yang napahiwalay kay Dilyn.
" Sir,hindi ko naman sinabing itulak n'yo ako! ",ang nakakunot noong wika ni Dilyn,buti natimbang n'ya ang kanyang sarili,babagsak sana s'ya. Umismid naman si Jordan. Saka iniwan sa gitna si Dilyn.
" Wagi! Bibigay ka din pala,dami mo pang arte! ",ang tili ng utak ni Dilyn. S'ya talaga ang nagwagi. " Hawak na kita! ",ang sabi pa ng utak n'ya at pakembot na nilisan ang bulwagan.
BINABASA MO ANG
BITCHY TACTICS By: Reinarose (B4: LET THE LOVE BEGIN) (complete)
Dla nastolatkówTEASER: Spoiled ang madalas na itawag kay Dilyn ng lahat ng taong nakapaligid sa kanya. Nakukuha kasi n'ya lahat ng anumang gustuhin n'ya. Pero sa likod ng lahat,nakatago ang isang mabait,maalalahanin at mapagmahal na Dilyn. Hanggang sa makikilala n...