CHAPTER 16:

3.9K 80 2
                                    

" Jordan,ano ba ako sa'yo? I mean,ano ba ang nararamdaman mo para sa akin? Friend,best friend or girlfriend? Ehhhh! Baduy! ",parang baliw na wika ni Dilyn. Kanina pa s'ya nagpapraktis. Gusto n'yang tanungin si Jordan tungkol sa estado ng relasyon nila. Nakakailang halik na ito sa kanya. Hindi na n'ya mabilang ngunit walang kasiguraduhan kung ano ang meron sila. Hindi naman n'ya matanggihan ang halik nito. Para lang droga,nakakaadik.

" Jordan,mahal mo ako o mahal mo nga ako! ",wika na naman ni Dilyn,sabay kamot sa ulo. " Halatang atat naman. ",dugtong pa nito. Biglang nagbukas ang pinto.

" Sinong kausap mo? Narinig kong may sinasabi ka. Hindi lang malinaw. ",pabiglang tanong ni Jordan.

" Ha? Yang tenga mo ang hindi malinaw. Maglinis ka para next time marinig mo na. ",sagot ni Dilyn. " Sayang! Hindi pa narinig. ",panghihinayang ng isip ni Dilyn. Hindi na sana s'ya magkakandahirap pang magtanong.

" Ano nga? ",pamimilit ni Jordan.

" Ano kasi? Ganito kasi. Paano kasi. Ewan ko ba kasi. ",naguguluhang wika ni Dilyn.

" Puro ka kasi. Pasaway ka talaga. ",kunwari ay inis na wika ni Jordan. Dinukwang ang labi ng dalaga at siniil ng halik. Gumanti naman ng mas naalab na halik si Dilyn.

" Hey! Just want to remind you about my Mom's birthday. You must be there. ",sabi ni Jordan ng bitawan ang labi ni Dilyn.

" Ok. ",tugon ni Dilyn. Sinamahan pa ng matamis na ngiti. " Ayiiee! Doon na yata s'ya magpopropose sa akin! ",tili ng utak ni Dilyn. At nagsimulang mag-day dreaming.

...

Dumating ang kaarawan ng Mama ni Jordan. Hindi syempre magpapatalbog si Dilyn pagdating sa suot hanggang sa kurba ng katawan.

Halos mapanganga naman si Jordan ng makita n'yang papasok na sa mansyon nila si Dilyn. Nakailang lunok din ang nagawa n'ya bago nilapitan ang dalaga.

" Stunning! ",bulong ni Jordan kay Dilyn bago mabilis na hinalikan sa pisngi.

" Hep! Bakit sa pisngi lang ang halik mo? ",kunot noong tanong ni Dilyn.

Muntik na namang mapahalakhak si Jordan. Hinapit n'ya ang bewang ni Dilyn at siniil ng halik ang labi nito.

" Later humanda ka! ",may pagbabantang bulong pa ni Jordan sa dalaga.

" I'm always ready! ",ganting bulong ni Dilyn. Sinabayan ng nang-aakit na ngiti. Kindat ang itinugon ni Jordan at hinila na si Dilyn upang ipakilala sa kanyang Mama.

" Mom,meet Dilyn. Dilyn,mommy ko. ",pakilala ni Jordan sa dalawa.

" Happy Birthday po,Maam! ",kinakabahang bati ni Dilyn.

" Salamat,hija! You're much prettier than what I've heard! ",nakangiting wika ng Donya.

" May pinagmanahan nga po si Jordan. Pareho po kayong nagsasabi ng totoo. ",pabirong wika ni Dilyn.

" I like you! ",nakangiting wika pa ng Donya.

" Salamat po! I also like your son,I mean i like you too. ",malawak na ngiti ang pinakawalan ni Dilyn. Nagulat na lang ito ng sabay pang tumawa ang mag-ina. Lihim n'yang nasiko si Jordan.

" May nakakatawa? ",bulong pa ni Dilyn.

" Wala! Masama na bang tumawa? ",ngingiti-ngiti pang bulong ni Jordan. Irap lang ang itinugon ni Dilyn dito.

Habang pinagmamasdan ng Donya ang kanyang anak, hindi n'ya maiwasang hindi mangiti. She never see him happy like this before. Mukhang importante ang dalagang kasama nito.

" Maiwan ko muna kayo ha. Aasikasuhin ko lang ang mga bisita. ",paalam ng Donya,yumakap pa kay Dilyn.

" Welcome to the family. ",ang bulong pa nito. Natameme naman si Dilyn. Kinilig ng bongga ang buong katawan sa narinig. Ngiti lang ang naitugon n'ya dito.

" Anong sinabi ni Mama sa'yo? ",pag-uusisa ni Jordan.

" Bakit ka interesado? ",tanong ni Dilyn.

" Aba! Mama ko yun! Syempre interesado ako! ",sagot ni JOrdan.

" Kung maangkin ng Mama,di ko aagawin Mama mo noh! May Mama din ako! " ,singhal ni Dilyn. Sinimangutan na lang ni Jordan ang dalaga.

" Teka,punta muna ako sa rest room ha. Saan ba? ",paalam ni Dilyn.

" Gusto mo samahan kita? ",nakangising tanong ni Jordan.

" Wag na! Saan mo pa ako dalhin. Ituro mo na lang! ",ngisi ni Dilyn. Baka hindi n'ya mapigilang summa dito kung saang sulok s'ya dalhin ng binata. Itinuro na lang ni Jordan ang restroom kay Dilyn. Nagmamadaling nilandas ni Dilyn ang patungong restroom.

Ilang sandali lang,nakita ni Dilyn ang restroom. Inayos lang n'ya ang make-up at sinipat ang sarili. Muli n'yang binalikan si Jordan.

Samantala,nang mapansin ni Dalia na umalis si Dilyn,nilapitan nito si Jordan.

" Kamusta? ",tanong nito sa binata.

" Ok naman. Ikaw? ",ang ganting tanong ni Jordan.

" Fine. Mukhang nagkaamabutihan na kayo ng bitch na iyon ah! ",may pait sa tinig ni Dalia.

" Dalia,please. ",tanging sabi ni Jordan.

" Wag mong sabihin na kinain mo ang lahat ng sinabi mo na hindi mo s'ya magugustuhan kailaman. What happened to you? ",taas kilay pa si Dalia.

" Dalia,that's not what you think it is. ",sabi ni Jordan.

" So,you just used her! Para maging maayos ang kumpanya n'yo. Para hindi ka na gambalain pa ng babaeng iyon. At higit sa lahat,maganda naman s'yang laruan eh. Sabi ko na nga ba eh. Magaling ka talaga. ",ngumiti pa si Dalia.

Hindi nagawang magsalita ni Jordan. Hinayaan na lang n'ya kung ano man ang iisipin ni Dalia.

" Oh my! Kanina ka pa ba d'yan,Dilyn? ",kunwari ay gulat na tanong ni Dalia. Pero ang totoo,kita n'ya na bumalik na muli ito,kaya sinabi n'ya ang mga salitang iyon na hindi naman sinalungat ni Jordan.

Bigla ang naging paglingon ni Jordan. Kitang-kita n'ya ang sakit na nakabalatay sa mga mata ni Dilyn.

" D-dilyn,let me explain. ",sabi ni Jordan,nilapitan ang dalaga. Ngunit umiwas na si Dilyn. Lumakad ito palayo sa dalawa.

" Dilyn,wait! ",habol ni Jordan,hinawakan pa ang braso ng dalaga. Nakita n'yang pinahid nito ang luha sa mga mata.

" Let me go! ",wika ni Dilyn,bumagsik ang dating masayahing mga mata nito.

" Teka lang. Hayaan mo muna akong makapagpaliwanag. ",pigil muli ni Jordan.

Hindi na nagsalitang muli si Dilyn. Binawi ang sariling braso na hawak ni Jordan at nagtatakbong nilisan ang party. Hindi inaasahan ni Dilyn na masakit sa pakiramdam ang lahat. She expected too much. Kaya hindi n'ya napaghandaan ang sakit na maaaring ibunga ng kanyang nararamdaman para sa binata. Agad na sumakay sa kotse si Dilyn,habang walang ampat ang pagdaloy ng luha sa kanyang mga mata

BITCHY TACTICS By: Reinarose (B4: LET THE LOVE BEGIN) (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon