Hindi maipaliwanag ni Dilyn kung bakit hindi s'ya palagay sa taga-pangasiwa ng kumpanya. Yung sa finace nila,tiyuhin pa naman ni Jordan. Pero ilang beses na n'yang nakikita na mali ang tally sa kita ng kumpanya doon sa ginagawa nitong update. Hindi talaga s'ya titigil hanggat hindi n'ya nalalaman ang totoo. Nagxerox s'ya ng mga papeles na kailangan n'yang inspeksyunin. Palihim dahil ayaw n'yang may makaalam sa ginagawa n'yang pag-iimbistiga.
" Anong ginagawa mo ha? ",ang pasinghal na tanong ni Jordan.
" Anak ka ng lola mong panot! ",sa gulat ay nasambit ni Dilyn. Kinabahan s'ya.
" Hindi panot ang lola ko! Ano na naman ang ginagawa mong kalokohan? ',ang singhal na naman ni Jordan kay Dilyn.
" Wag ka kasi manggulat! ",tutop pa ni Dilyn ang dibdib. Palibhasa at palihim ang ginagawa n'ya,mabilis s'yang kabahan.
" Ano na naman yan? Script na naman? ",kunot noong tanong ni Jordan.
" Gusto mong basahin? ",taas kilay na tanong ni Dilyn. " Pede ba,mind your own business! ",dugtong pa ni Dilyn,saktong tapos na ang sine-xerox n'ya,kinuha n'ya lahat ng papel at paisnab na iniwan si Jordan. Ngitngit na naman ang kinalabasan ni Jordan.
....
" Jordan,may proposal ako. Basahin mo,then paki-sign. ",ang wika ni Dilyn,inilapag sa table ni Jordan ang papeles para sa kanyang proposal.
" Ano na naman yan? Ayoko! Hindi ko pipirmahan yan! ",ang wika ni Jordan.
" Sige na,please! Mamasahihin ka,papaliguan pa! Meow! ",umakto pang kumakalmot si Dilyn.
" I'm not interested. Puro kalokohan lang ang alam mo,so hindi na ako mag-aaksaya ng panahon na basahin yan. ",ang wika ni Jordan.
" Basahin mo muna,bago ka magreact d'yan! ",inis na wika ni Dilyn.
" I said,I'm not interested! ",ulit ni Jordan.
" Nakakainis ka! Gumaganti kaba dahil hindi ka makaisa sa akin? ",ang tanong ni Dilyn.
" Ofcourse not! I know you,much better! Walang magandang magagawa ang pasaway na tulad mo! ",wika pa ni Jordan.
" Really! Kakainin mo din yang sinabi mo! ",gigil na wika ni Dilyn.
" Hindi ko ugaling bawiin ang mga salitang binitiwan ko na,kakainin pa kaya? Pinapatawa mo ako! ",pinaikot pa ni Jordan ang kanyang kinauupuan.
" This means war! ",ang wika ni Dilyn. Biglang nagbukas ang pinto,pumasok si Dalia.
" Oh! Bitchy,bitchy girl! Nasira na naman ang araw ko dahil nakita kita! ",singhal agad ni Dalia ng makita si Dilyn.
Napabuga ng hangin si Dilyn. Nadoble ang inis na nararamdaman ni Dilyn. Excited pa naman s'ya para sa kanyang proposal. Yun ay ang feeding sa mga bata na nasa iskwater. Hihilingin sana n'ya na magkaroon ng fund para sa feeding. Pero kamalasan,hindi man lang binasa ang proposal n'ya. Biglang naisip ni Dilyn ang kanyang kapatid. Ipapasa na lang n'ya dito ang kanyang proposal. Agad s'yang tumalikod para tawagan ang kapatid. Hindi na muna n'ya pinansin ang pang-aasar ng dalawa. Pero sutil si Dalia,nagsalita pa.
" Wahh! Himala ng mga himala! Naubusan ka ng sasabihin? O natakot ka sa akin? ",nakakalokong ngumiti pa si Dalia.
" If I were you,izipper mo yang bibig mo! Dahil kung hindi,makakakita ka ng mga stars! ",banta ni Dilyn.
" Tinakot pa ako! Wag mo ako turuan ng dapat kong gawin! ",wika ni Dalia.
" Hindi kita tinuruan,binalaan kita! Pero makulit ka! Sige,pagbibigyan kita! ",wika ni Dilyn. Nilapitan si Dalia,itinulak paupo sa sofa.
" Bilangin mo ang mga stars ha! ",bulong pa ni Dilyn,sabay siko sa baba ni Dalia. Nabigla si Dalia,nakagat na ang dila,napauntog pa ang ulo sa dingding. Bahagya nga s'yang nahilo.
" Aray! Walanghiya ka talaga! Sadista! "sigaw ng naliliyong si Dalia.
" Ilang stars ang nakita mo? ",nakangising tanong ni Dilyn. Galit namang hinawakan ni Jordan ang braso nito.
" Bakit ba puro kalokohan at pananakit ang alam mo? Wala ka na bang maisip na matino? ",galit na wika ni Jordan.
" Ano din ang tingin mo sa akin,robot? Na hindi nasasaktan! Tao ako oi! Capital T-A-O! Kaya bitiwan mo ako at masakit kaya! ",piglas ni Dilyn,nakita n'yang namula ang kanyang braso dahil sa higpit ng hawak ni Jordan.
" Hindi ko na alam ang gagawin ko sa'yo! ",singhal ni Jordan.
" May iba ka pang dapat na pagtuunan ng pansin,wag ako! ",wika ni Dilyn.
Pang-asar talaga itong si Dalia. Biglang tumayo at hinalikan si Jordan sa harap ni Dilyn. Gulat si Jordan,nag-uusok naman ilong ni Dilyn.
" Papansin kasi yan. Kaya wag mo ng pag-aksayahan ng oras! Hindi sa lahat ng bagay ay mananalo ka! Hindi sa lahat ng pagkakataon ay kapasawayan mo ang mananaig! Better,umalis kana! ",ang wika ni Dalia. Sa nakikita n'yang galit sa mata ni Dilyn,napagtanto n'ya kung bakit ganoon na lang ito kung makadikit kay Jordan. May lihim itong gusto sa kanyang kababata. Pero hindi s'ya papayag dahil gusto din n'ya si Jordan.
" Oh! I'll teach you how to kiss! ",ang wika ni Dilyn,kinabig ang batok ni Jordan at hinalikan ang labi nito. Sinimulan n'yang galugarin ang bibig ni Jordan. Bilang lalaki,hindi nagawang tumanggi ni Jordan,bagkus ay tinugon ang halik na iyon ni Dilyn.
" Oh! Tama na! Tinuturuan ko lang ng tamang paghalik etong bisita mo! Hindi yata marunong eh! ",ang wika ni Dilyn,itinulak na n'ya si Jordan palayo sa kanya. Nag-iinit na kaya s'ya,baka kung saan pa mapunta. Binalingan n'ya si Dalia.
" Ganyan ang tamang paghalik! Hindi yung para kang tuod! Ni hindi yata tinayuan ng...ng...ng balahibo sa dibdib ang kahalikan mo! ",wika ni Dilyn.
" Ikaw! Nag-enjoy ka naman! Practise lang yun! Sinesryoso mo naman! D'yan na nga kayo! ",pakembot na tumalikod si Dilyn. " Yes! nakaisa din! ",ang sambit pa nito ng tuluyang makalabas sa opis ni Jordan. Buti na lang lagi s'yang nanonood ng mga video na puro kissing scene. Hindi halata na first timer lang s'ya.
" Ohh! Lala! ",ang ngingiti-ngiti pang anas ni Dilyn. Nawala ang inis n'ya. Kiss lang pala ang makakawala ng inis n'ya. Next time,manghahalik ulit s'ya,para wala ng inis.
BINABASA MO ANG
BITCHY TACTICS By: Reinarose (B4: LET THE LOVE BEGIN) (complete)
Teen FictionTEASER: Spoiled ang madalas na itawag kay Dilyn ng lahat ng taong nakapaligid sa kanya. Nakukuha kasi n'ya lahat ng anumang gustuhin n'ya. Pero sa likod ng lahat,nakatago ang isang mabait,maalalahanin at mapagmahal na Dilyn. Hanggang sa makikilala n...