Kinabukasan,dala pa din ni Dilyn ang sobrang inis kahapon. Hindi s'ya halos nakatulog sa isiping baka magkasama sina Jordan at Ang bruhildang si Dalia. Naku! Masasabunutan n'ya. Ipinilig n'ya ang ulo,huminga ng malalim bago tuluyang pumasok sa opisina. Inunahan na n'ya ang kanyang boss sa pagpasok dahil naiinis pa din s'ya dito. Nilinis lang n'ya ang opis nito bago inabala ang sarili sa pagtatrabaho.
" Good morning,Sir! ",narinig ni Dilyn na bati ng kanyang kapwa empleyado. Nakita nga n'yang dumating na ang boss nila,tumayo s'ya at binati ito.
" Morning,Sir! ",ang bati n'ya.
" Morning. Pakidala mo nga sa opis ko ang papeles na pinirmahan ni Mr. Chavez. I need to read it bago tuluyang maiclose ang deal. ",ang wika ni Jordan bago ito pumasok sa sariling opis.
Umismid lang si Dilyn,ipinagtimpla ng kape ang boss,dinala sa opis nito,kasama ang papeles na hinihingi ng boss n'ya.
" Eto na po,Sir! ",ang wika ni dilyn,inilapag ang kape at papeles sa table ng boss. Agad na binasa ni Jordan ang mga papeles,ngunit napakunot noo s'ya ng mabatid na kulang ng isang page.
" Asan ang isang page nito? ",tanong ni Jordan.
" Complete po iyan,Sir. ",ang sagot ni Dilyn.
" Maghahanap ba ako kung complete ito? ",naiinis na sagot ni Jordan.
" Oo nga naman! ",nawika ni Dilyn,tiningnan din ang papeles at kulang nga. " Baka ho naiwan sa table ko. Kukunin ko lang! ",ang sabi pa ni Dilyn,lumabas sa opis ni Jordan at nagtungo sa sariling table.
" Asan ka na ba? ",ang tanong ni Dilyn,hindi n'ya makita ang nawawalang page sa papeles. Importante pa naman yung nawawala. Napaupo si Dilyn sabay pangalumbaba. Pilit inaalala kung saan n'ya nilagay ang papeles. Nang biglang unti-unting nanlaki ang kanyang mga mata.
" No! No! No! No! ",ang nawika n'ya. Kinalkal ang trashcan na nasa ilalim nang kanyang table. Malinis na iyon.
" Wag sanang palarin na iyon ang nagusot at naitapon ko kahapon! ",ang nasambit ni Dilyn. Lumabas ito upang hanapin ang janitor nila.
" Kuya,nasaan ang mga basura kahapon? ",tanong n'ya sa janitor.
" Wala na po! Nakuha na kahapon din. ",ang sagot ng janitor. Everyday kasi ay may nakuha ng basura sa kanilang kumapanya.
" Oh my God! I'm dead! ",ang sambit ni Dilyn,laylay ang balikat na bumalik sa opis ng kanyang boss.
" Bakit ang tagal mo? Nasa dulo ba nang walang hanggan ang table mo,ha? ",nakakunot noong tanong ni Jordan.
" Hindi po,Sir! Pero nasa dulo nang walang hanggan ang isang page ng papeles. ",nakatungong wika ni Dilyn. Lalo nang nangunot ang noo ni Jordan.
" What do you mean? ",ang tanong ni Jordan.
" Nakasama po sa basura kahapon yung isang page. ",pag-amin ni Dilyn.
" Whattt?? ",wagas ang sigaw ni Jordan. Hindi makaimik si Dilyn,nanatili itong nakayuko.
" Alam mo ba kung gaano kaimportante ang isang pirasong papel na iyon,ha? ",gigil na gigil na tanong ni Jordan. Napakagat labi na lang si Dilyn. Gawa kasi ng bruhildang iyon eh.
" I can't take this anymore! Wala ka nang nagawang maganda sa opis at kumpanya ko! You're Fired! ",ang sigaw ni Jordan.
Napatunghay si Dilyn. Umawang ang kanyang labi. Nagluha ang kanyang mga mata. Balak n'yang magsalita ngunit inunahan na s'ya ni Jordan.
" Hop! Wag ka ng magsalita dahil hindi na magbabago ang isip ko! Hop! Umalis kana bago pa mag-init pati ang kili-kili ko sa'yo! Hop! Ayoko nang makikita ka pa dito! Hop! Naiintindihan mo? ",sunod-sunod na wika ni Jordan.
Maiiyak na talaga si Dilyn. Tutulo na nga ang kanyang luha pero pinigil n'ya.
" Hop! Magkikita pa tayo! Hop! Hop! Hop! ",ang wika ni Dilyn,saka tuluyang tumalikod. Tulo naman ang kanyang luha. Agad n'yang kinuha ang kanyang bag at nilisan ang kumpanya.
...
Ilang araw na buhat ng matanggal sa trabaho si Dilyn. Lagi lang s'ya sa kanilang mansyon. Nakakulong sa kanyang kwarto,nakahiga. Laging malalim ang iniisip. Hanggang sa isang magandang ideya ang pumasok sa kanyang matalinong utak. Nagmamadali n'yang tinungo ang kwarto nang kanyang kapatid,marahang kumatok.
" Sino yan? ",ang tanong ni Axe nang marinig ang mga katok.
" It's me,your ate! ",ang sagot ni Dilyn,bahagyang napasuka dahil sa pagbanggit ng salitang ate.
" Come in! ",wika ni Axe,bahagyang nakakunot ang noo.
" Hi! How's work? ",ang bati ni Dilyn.
" Tell me what do you want? ",ang tanong ni Axe.
" Yan ang gusto ko sa'yo eh,marunong makatunog! ",nakangiting wika ni Dilyn.
" Common! Busy ako,sabihin mo na ang gusto mo! ",ulit ni Axe.
" Teach me how to doggie! ",ang nabiglang wika ni Dilyn. Naisip n'ya kasi habang nilalapa ng aso si Dalia.
" What? ",kunot na kunot ang noo ni Axe.
" I mean,teach me how to manage our company. ",lihim na nakurot ni Dilyn ang sarili. Yung mahnang kurot lang,baka magkapeklat s'ya eh. Sayang ang kinis ng kutis n'ya. Lalo nang nadagdagan ang kunot sa noo ni Axe.
" Anong nakain mo? ",takang tanong nito.
Huminga si Dilyn sa kanyang palad at kunwari ay inamoy. " Lasagne! ",ang sagot n'ya sa kapatid.
" Pede ba? magseryoso ka nga! Ano ba talaga ang kailangan mo? ",naiinis na tanong ni Axe.
" Turuan mo nga akong mamahala sa kumpanya. At gusto kong malaman ang lahat,seryoso ako ha! ",ang wika naman ni Dilyn.
" I smell something's fishy! ",ang wika ni Axe.
" Malamang! Isda ang niluluto ni Manang sa baba eh! ",sagot ni Dilyn.
" Dilyn! ",ang gigil na sigaw ni Axe.
" Ok! Fine! Masama bang matuto? Gusto ko lang gamitin ang pinag-aralan ko! ",sagot ni Dilyn. Sinipat ni Axe kung gaano ka seryoso ang kanyang kapatid. Bago nagpakawala nang malalim na buntong-hininga.
" OK! Pero tandaan mong seryoso ako kung magturo kaya dapat makinig ka! ",pagpayag ni Axe.
" Ok! Tandaan mo din na pasaway akong estudyante,kaya humanda ka! ",wika ni Dilyn,sabay sibat nang takbo bago pa s'ya batukan nang kanyang kapatid. Nang makarating s akanyang kwarto,isang ngiti ang namutawi s akanyang labi.
" Humanda ka sa aking pagbabalik! ",ang wika ni Dilyn.
BINABASA MO ANG
BITCHY TACTICS By: Reinarose (B4: LET THE LOVE BEGIN) (complete)
Teen FictionTEASER: Spoiled ang madalas na itawag kay Dilyn ng lahat ng taong nakapaligid sa kanya. Nakukuha kasi n'ya lahat ng anumang gustuhin n'ya. Pero sa likod ng lahat,nakatago ang isang mabait,maalalahanin at mapagmahal na Dilyn. Hanggang sa makikilala n...