Inis na inis si Dalia. Hindi s'ya makakapayag na makuha ng mga buntis na iyon si Jordan. Gagawa s'ya ng paraan para tuluyan ng mapasakanya ang binata.
" Jordan, can we talk? ", ang nagpapaawang wika ni Dalia sa binata.
" Pede ba? Hanggat may natitira pa akong respeto sa'yo, umalis kana! ", bakas ang galit sa tinig ni Jordan.
" Basta mo na lang ba ako iiwan? Alam mo ang buhay ko, bakit kailangang magkaganito tayo? ", nagluluha na si Dalia.
" Hindi na ako magtataka kung bakit nag-iisa ka na ngayon sa buhay. Dahil d'yan sa ugali mo! Kung ako sa'yo, magbabago na ako, para naman hindi ka iwan ng lahat! ", gigil na gigil si Jordan. Ayaw n'yang sabihin iyon sa dalaga ngunit kailangan nitong malaman ang kulang dito.
Tigagal naman si Dalia. Hindi n'ya akalain na makakapagsalita sa kanya ng ganoon si Jordan.
" You know me from the very beggining! Lumaki tayong magkasama, pero bakit ikaw pa ang hindi nakakakilala sa akin? ", ang hinanakit ay nasa tinig ni Dalia.
" Yeah! I know you! Noon, hindi na ngayon. Sa tingin mo ba ay magiging masaya ka sa kasawian ng iba? Magiging masaya sa sakit ng iba? ", ang tanong ni Jordan.
" I can do anything dahil mahal kita! Bakit hindi mo maintindihan iyon? ", ang wika ni Dalia.
" Hindi kita kayang mahalin! Si Dilyn ang mahal ko! Si Dilyn! Bakit hindi mo din maintindihan iyon? ", halata ang pagpipigil sa tinig ni Jordan.
Parang sinabugan ng bomba sa mukha si Dalia. Kay sakit marinig na hindi s'ya kayang mahalin ng lalaking kanyang minamahal.
" Kahit ba kaunti wala kang pagmamahal para sa akin? Kaunting pagmamhal mo lang, sapat na para sa akin! ", desperadang wika ni Dalia.
" I'm sorry! Maging ang pagmamahal ko sa'yo bilang kapatid ay unti-unti ng nawawala. Isa lang naman ang hinihiling ko, baguhin mo ang sarili. Ayusin mo ang buhay mo dahil hindi ako ang para sa'yo! May mahal na akong iba at mahal na mahal ko s'ya! ", ipinagdiinan pang mabuti ni Jordan ang mga salitang iyon kay Dalia. Sabay talikod dito, ayaw na n'yang dagdagan pa ang mga salitang binitiwan n'ya sa dalaga.
Naiwang nanlalambot si Dalia. Nagpakababa s'ya, nasaktan at nanakit para sa pagmamahal n'ya kay Jordan, ngunit heto at wala pa din s'yang napala. Hindi na napigilan pa ni Dalia ang pagpatak ng kanyang luha. Wala ng natira sa kanya, wala na! Naging sakim ang kanyang pagmamahal. Akala n'ya, kung gagawin n'ya ang lahat ay magagawa din s'yang mahalin ni Jordan. Ngunit isang pagkakamali pala. Pero hindi n'ya kayang mawala si Jordan. Ito ang kaisa-isang taong mahalaga sa kanya.
.....
Nagpasya si Dilyn na tawagan ang kanyang kapatid. May gusto s'yang ipagawa dito.
" Bro, it's me, Dilyn. ", ang pakilala ni Dilyn. Gumamit s'ya ng landline.
" Dilyn? God! Where are you? Nag-aalala kaming lahat sa'yo! ", ang sabi ni Axe.
" I'm fine. Dont worry about me. May gusto lang akong ipagawa sa'yo. ", ang wika ni Dilyn.
" Nasaan ka? Susunduin kita. Nag-aalala na sa'yo ang mama! ", hindi pinansin ni Axe ang sinabi ng kapatid. bakas naman sa tinig nito na miss na din si Dilyn.
" Hayaan n'yo muna akong mapag-isa. I'm fine kaya wag n'yo na akong alalahanin pa. May ippagawa lang ako sa'yo. ", ang sabi pa ni Dilyn.
" Ano yun? ", tanong ni Axe.
" Yung tungkol sa anumalya sa kumpanya ni Jordan. Nakumpleto ko na ang lahat ng ebidensya at nasa drawer ko ang mga papeles. Gusto ko sanang ibigay mo iyon kay Jordan. ", paliwanag ni Dilyn.
BINABASA MO ANG
BITCHY TACTICS By: Reinarose (B4: LET THE LOVE BEGIN) (complete)
Teen FictionTEASER: Spoiled ang madalas na itawag kay Dilyn ng lahat ng taong nakapaligid sa kanya. Nakukuha kasi n'ya lahat ng anumang gustuhin n'ya. Pero sa likod ng lahat,nakatago ang isang mabait,maalalahanin at mapagmahal na Dilyn. Hanggang sa makikilala n...