Hindi talaga mapakali si Dilyn. Ngayon lang nangyaring deadma ang buong pagkatao n'ya.
" This can't be! ",ang naiinis na wika ni Dilyn sa sarili. Maya-maya,napabalikwas ito ng bangon. Isang magandang ideya ang nabuo sa kanyang isipan. Agad s'yang bumaba patungong salas upang hanapin ang kanyang Mama. Hindi na s'ya nag-abalang magpalit ng damit dahil nakapantulog pa s'ya.
" Mom! ",ang excited n'yang tawag sa Mama ng makita ito.
" Morning,hija! ",ang bati ng Mama n'ya.
" Morning,too! Ma,gusto ko ng magtrabaho! ",excited na wika ni Dilyn.
Gulat ang unang rumehistro sa mukha ng Donya,ngunit maya-maya ay napalitan ng ngiti.
" I'm so proud of you,hija! Ipapaayos ko na ang pwesto mo bilang Vice-President ng kumpanya natin! ",excited ding wika ng Donya.
" Nope,Ma! Hindi ako sa kumpanya natin magtatrabaho. ",sagot ni Dilyn.
" Huh? ",hindi makapaniwalang reaksyon ng Donya.
" Please, Ma! Gusto ko kapag ihahandle ko na ang kumpanya,yung hindi naman ako mukhang nga-nga! So magpapractise ako sa ibang kumpanya! ",paliwanag ni Dilyn.
" Bakit hindi ka pa sa kumpanya natin magpractise? Para siguradong magiging ok ka. ",sabi ng Donya.
" Ma,gusto kong lumawak ang aking kaalaman. Pleaseee! ",todo lambing ang ginawa ni Dilyn.
Kalaunan ay napapayag din ni Dilyn ang Mama sa kanyang gusto. Isang matagumpay na ngiti ang kanyang pinakawalan.
....
" Whattttt? ",ang wagas na reaksyon ni Jordan ng marinig ang sinabi ng kanyang Papa.
" O,may nakakagulat? Sabagay,nagulat din ako. Pero malaking karangalan para sa atin ito. At naghahain na sila ng partnership para sa ating kumpanya. ",ang wika ng Papa ni Jordan.
" Pa,sa iba na lang! Wag na sa akin. Im fine,really! ",ang pagtanggi ni Jordan sa gusto ng kanyang Papa.
" Nope! Naka-oo na ako! At hindi ko na mababawi iyon. ",ang sagot ng kanyang Papa. Natapik ni Jordan ang sariling noo ng mapag-isa s'ya. Inis ang namayani sa kanya dahil wala s'yang nagawa,ngayon,delubyo ang napasukan n'ya.
....
Kinaumagahan,maaga pa lang ay nag-ayos na si Dilyn ng kanyang sarili. Unang araw n'ya sa kanyang trabaho kaya ayaw n'yang malate. Isang matamis na ngiti ang kanyang pinakawalan saka nagmamadaling umalis ng mansyon.
Samantala,tila naman ayaw kumilos ni Jordan para pumasok sa kumpanya. Simula sa araw na ito,maggiging impiyerno na ang buhay n'ya. Bigla s'yang bumalikwas ng bangon.
" Sinusubukan mo ako ha! Pwes,magkakasubukan tayo! ",ang saad ni Jordan. At inayos na ang sarili papasok sa opisina.
...
" Good morning! ",ang bati ni Dilyn sa babaeng nasa front desk.
" Good morning! ",ganting bati nito.
" May I come in? ",ang nakakalokong tanong ni Dilyn. Tumango lang ang babae,nabigyan na s'ya ng impormasyon tungkol sa bago nilang empleyada. Dere-deretso naman si Dilyn pasakay sa elevator. Tinginan ang lahat ng nakakakita kay Dilyn. Bukod sa bago sa kanilang paningin,makaagaw din ang ganda at sexy nito. Hanggang sa lumabas ng elevator si Dilyn,habol pa din nila ito ng tingin.
Nasa harap na ngayon si Dilyn sa opisina ng Presidente ng kumpanya,walang iba kundi si Jordan Vera. Talagang gagawa si Dilyn ng paraan para mapansin lang s'ya nito. Hindi pa daw ito nadating ayon sa secretary nito. Well,s'ya na ngayon ang secretary ni Jordan. And she made it! Walang imposible pagdating kay Dilyn. Limang minuto ang nakaraan,dumating na si Jordan.
BINABASA MO ANG
BITCHY TACTICS By: Reinarose (B4: LET THE LOVE BEGIN) (complete)
Teen FictionTEASER: Spoiled ang madalas na itawag kay Dilyn ng lahat ng taong nakapaligid sa kanya. Nakukuha kasi n'ya lahat ng anumang gustuhin n'ya. Pero sa likod ng lahat,nakatago ang isang mabait,maalalahanin at mapagmahal na Dilyn. Hanggang sa makikilala n...