At 'yun na ang simula nang kainan,este,ang paglabas ng dalawa para kumain. Isang araw,nagmamadaling iniligpit ni Dilyn ang kanyang gamit. May importante s'yang gagawin. Lunch break ulit noon,hindi na s'ya nagulat nang makitang pumasok sa opis n'ya si Jordan.
" Ready ka na pala. Halatang excited eh! ",nakangising wika ng binata.
" Excited saan? ",tanong ni Dilyn.
" Sa kainan,I mean kakain tayo ng lunch. ",sagot ni Jordan.
" Ow! Hindi ako makakasama today. ";wika ni Dilyn.
" Why? Teka,wag mong sabihin na may date ka? ",pabirong tanong ni Jordan.
" Yes! ",pagsisinungaling ni Dilyn. Pupunta kasi s'ya sa isang orphanage na sinusuportahan n'ya. Anniversary ng orphanage at s'ya ang napili bilang guest speaker. Ayaw nga sana n'ya,ngunit nakiusap ang lahat.
" What? ",gulat na sigaw ni Jordan. Hindi yata s'ya makakapayag na may samahang iba ang bitchy girl n'ya.
" OA mo ha! Anong tingin mo sa akin,walang nakikipagdate? ",singhal ni Dilyn.
" Kagulat-gulat naman talaga! ",singhal din ni Jordan. Bigla yatang uminit ang ulo n'ya.
" Pwes! Wag kana magulat dahil may nabubulag pa sa ganda ko! ",pandidilat pa ni Dilyn. Isinukbit na ang bag sa kanyang balikat at balak ng umalis ngunit pinigilan s'ya ni Jordan.
" Teka! Yung papeles,napirmahan mo na? ",tanong ni Jordan. Umiisip talaga ng paraan upang di umalis si Diltn.
" Yes! Nasa secretary ko na. ",sagot ni Dilyn. Hahakba na ngunit pinigilan na naman s'ya ni Jordan.
" How about Mr. Tan,natawagan mo na? ",tanong na naman ni Jordan.
" Yes! Naka-settle na ang meeting next week. ",wika na naman ni Dilyn. Heto na naman si Jordan,pinigilan na naman ang dalaga sa balak na paglabas sa opisina nito.
" Eh yung party for tomorrow,ikaw ang isasama ko! ",sabi pa ni Jordan.
" Naman! Secretary mo na ang may obligasyon doon! ",inis na si Dilyn.
" Vice-President ka,kaya mas obligado kang magpunta. ",sagot ni Jordan.
" Teka lang ha! Puro ka pigil! Kulang na lang sabihin mo na wag akong umalis! ",taas kilay na wika ni Dilyn.
" You've got my point! ",nakangising wika ni Jordan.
" Neknek mo! I really have to go. Bye! ",hinawi ni Dilyn si Jordan para makalabas ng opisina. At patakbong tinungo ang elevator.
Hindi na nagawang humabol ni Jordan. Kumaway at dinilaan pa s'ya ni Dilyn bago tuluyang magsarado ang elevator. Nagpapadyak sa inis si Jordan. Hindi s'ya papayag.
Tanantanan...tanantanan..tanantanan..
Kailangang lumabas si Detective Jordan. Aalamin n'ya kung sino ang kadate ng bitchy girl n'ya at malilintikan sa kanya ng bongga. Kaya palihim n'yang sinundan ang kotse nang dalaga. Naniningkit pa ang kanyang mga mata at nakikini-kinita ang gagawin sa lalaking kadate nito. Pipilipitin n'ya ang leeg nito,ipapatong sa cutting board at tatadtading mabuti. Ngunit nagulat na lang si Jordan dahil sa isang ampunan tumigil ang kotse ni Dilyn. Base sa nabasa n'ya sa pinakagate nang ampunan. Nahampas ni Jordan ang kanyang manibela at nagpakawala ng isang ngiti. Agad s'yang bumaba sa kanyang kotse at pumasok na din sa loob nang ampunan. Madaming tao,mukhang may pagdiriwang.
" Kamusta na po? ",ang nakangiting tanong ni Dilyn sa mga taong nandoon. Sakto lang ang dating n'ya.
Patagong pinagmamasdan ni Jordan si Dilyn habang nagsasalita ito. Hindi n'ya maalis ang tingin sa dalaga. He's really impressed sa mga ginagawa nito. Naisandal n'ya ang likod sa pader at pinakingan din ang sinasabi nang dalaga.
" Pasensya na po kayo kung maikli lang ang masasabi ko. Actually,wala sa plano ang sumipot dito. Hindi naman kasi mahalaga na ipakilala ko pa ang sarili ko sa lahat para lang malaman na isa ako sa tumutulong sa orphanage na ito. Im happy doing those thing even not to mention my name. Ang makita ko lang ang ngiti sa bawat batang nandito,lubos na ang kasiyahan ko. Basta tandaan n'yo lang,I'm always here. Physically absent,but mentally ang spiritually present. Salamat po! ",maikling speech ni Dilyn. Ngunit tumimo sa isipan ng mga taong nandoon. Lalong higit kay Jordan. Malakas na palakpakan ang naging tugon nang lahat kay Dilyn.
" That's my bitchy girl! ",bulong ni Jordan,sinabayan din ng palakpak.
Ang pagdiriwang ay naging matagumpay at puno nang saya. Hindi magkamayaw si Dilyn sa pagsisilbi sa mga bisita. Ayaw s'yang patulungin,ngunit she insisted. Nilisan naman ni Jordan ang ampunan na may malawak na ngiti sa kanyang labi.
.....
Gabi na nang makauwi sa kanilang mansyon si Dilyn. Madaming pagod,ngunit mas madami ang ngiti. Ipapasok na sana n'ya ang kanyang kotse sa loob ng garahe nang biglang may magpailaw sa kanya. Isang kotse din. Sinipat n'yang mabuti kung kaninong kotse iyon,nalaman n'yang kay Jordan pala. Bumama muna s'ya at pinuntahan ang binata.
" Hey! Anong ginagawa mo dito? ",takang tanong ni Dilyn sa binata.
" May pinuntahan kasi ako sa kabilang block,naisip ko na dumaan dito. ",sagot ni Jordan.
" Bakit? ",tanong na naman ni Dilyn.
" Ahmmm. ",hindi malaman ni Jordan kung paano magsisimula.
" Ano nga? ",naiinip na wika ni Dilyn.
" A,e. ",naiinis si Jordan sa sarili. Bakit tila natameme s'ya nang mga oras na iyon,napapakamot tuloy s'ya sa kanyang batok.
" I,o,u! ",nakangising wika ni Dilyn.
Napangiti si Jordan. Walang sabi-sabi na hinila nito ang batok ni Dilyn at mariing hinalikan. Nandilat naman ang mga mata ni Dilyn. Ngunit maya-maya lamang ay tinutugon na ang halik nang binata. Ang bihasang si Jordan ay tinuruan ang baguhang si Dilyn sa paghalik. Halos mapugto ang kanilang paghinga ng magbitaw ag dalawa.
" Thats what I wanted to give you! ",medyo humihingal pa si Jordan.
" Bakit hindi mo agad sinabi? Edi sana,kanina pa natin ginawa! Isa pa nga! ",ang wika ni Dilyn. Ito na ang humila sa batok ni Jordan at muli nilang pinagsaluhan ang mainit na halikan. Humihingal ang dalawa ng muling magbitaw.
" You're a fast learner! ",wika ni Jordan.
" Syempre! Isa pa ulit! ",wika ni Dilyn.
" Teka! Teka! Huminga muna tayo! ",natatawang wika ni Jordan.
" No! Im fine! Totally fine! ",wika ni Dilyn. Ngumisi na naman si Jordan at muling hinila ang bewang ni Dilyn at nagsalo sa ikatlo nilang halikan
BINABASA MO ANG
BITCHY TACTICS By: Reinarose (B4: LET THE LOVE BEGIN) (complete)
Fiksi RemajaTEASER: Spoiled ang madalas na itawag kay Dilyn ng lahat ng taong nakapaligid sa kanya. Nakukuha kasi n'ya lahat ng anumang gustuhin n'ya. Pero sa likod ng lahat,nakatago ang isang mabait,maalalahanin at mapagmahal na Dilyn. Hanggang sa makikilala n...