Hindi inaakala ni Dilyn na ang pikunin at mainiting ulo na si Jordan ay bigla-biglang aamo sa kanya. Halukayin man n'ya ang kanyang utak,wala s'yang maalala na ginawa n'ya para bigla itong maging mabait sa kanya. Pero ok lang,atleast,nakikita na n'ya itong tumatawa sa kanya.
Minsan isang umaga,kakapasok pa lang ni Dilyn sa kanyang opisina nang magulat s'ya dahil ilang boquet of flowers ang nasa kanyang table.
" Saan galing ang mga bulaklak? ",takang tanong ni Dilyn sa kanyang secretary.
" Hindi ko po alam. Dinala lang dito kanina ng delivery boy. ",sagot ng secretary.
" Ow! Thank you! ",ang sabi ni Dilyn. Pumasok sa sariling opis at hinanap kung may nakalagay na card. Agad naman n'yang nakita ang card.
" If the heart of the person is not open to realize and see the real you. You cannot be understood! Let them realize the important having you in this world. ", ang nabasa ni Dilyn sa card. Napataas ang kanyang kilay.
" Sino naman kaya ang nagpadala nito? ",naitanong ni Dilyn sa kanyang sarili. Ilang sandali pa,may tatlong mahihinang katok s'yang narinig.
" Pasok. ",ang sabi ni Dilyn. Sa pagbukas nang pinto,nakita n'ya si Jordan.
" Morning! Woahhh! Nagbebenta kana pala nang mga bulaklak! ",nakangising wika ni Jordan.
" Oo,ngayon lang. Bibili ka? ",may inis sa tinig ni Dilyn.
" How much? ",nasa mood si Jordan na sabayan ang kapasawayan ni Dilyn.
" Puso mo,este,piso ok na! ",napangisi si Dilyn. Hindi din mapigilan ni Jordan ang magpakawala nang isang ngiti.
" Kanino ba galing yan? ",naitanong ni Jordan.
" Ewan! Akala ko nga eh may namatayan dito sa opis ko. ",wika pa ni Dilyn.
" Hindi kaya galing sa manliligaw mo? ",tanong ni Jordan.
" Wala namang nakalagay na " galing sa manliligaw mo" kaya malamang ay hindi! ",papilosopong wika ni Dilyn.
" Baka naman nahihiya? ",wika pa ni Jordan.
" Bakit naman mahihiya eh walang hiya naman ako? ",sagot ni Dilyn.
" O baka natatakot? ",wika pa ni Jordan.
" Mukha ba akong halimaw na nangangain ng tao? ",pandidilat ni Dilyn.
" Baka yun ang gusto,ang kainin mo,este,magkainan kayo,what i mean is kumain kayo sa labas! ",pigil-pigil ni Jordan ang mapahagalpak nang tawa.
" Ganoon! Magpakilala lang ito sa akin,kakainin ko s'ya,este,kakain kami sa labas! ",wika naman ni Dilyn.
Nagkatinginan ang dalawa. Sabay pa silang napatawa nang malakas. Maririnig sa labas ang malakas na halakhak ng mga ito. Bigla na lamang umentrada si Dalia.
" Anong kaguluhan ito? ",taas kilay na tanong ni Dalia.
" Kelan pa naging gulo ang pagtawa? Dahil dumating ka,yan na ang simula nang gulo! ",ismid ni Dilyn. Panira nang happy moment nila ni hunkylicious Jordan ang bruhildang babae.
" At kailan pa kayo natutong tumawa pareho? As in kelan pa kayo naging close? ",naiintrigang tanong ni Dalia.
" Dalia,tama na yan. ",ang awat ni Jordan.
" Oh! Kelan pa nangyaring ako ang sinuway mo kesa sa babaeng yan? ",nagkakahinala na talaga si Dalia.
Minabuti na lamang ni Dilyn na iwasan si Dalia. Masisira lang ang buong maghapon n'ya. Tumalikod ang dalaga at hinayang si Jordan na ang makipag-usap kay Dalia. Ngunit mariin pa s'yang hinawakan ni Dalia.
" Wala ka talagang manners. Hindi pa ako tapos na kausapin ka,basta ka na lang tatalikod! ",sigaw ni Dalia.
" O,e anong manners ang ipinapakita mo? Manners of tambay or manners of bungangera? Umalis kana sa opis ko bago pa kita pakitaan ng manners ko! Manners of kaladkad with matching hila sa buhok! Wanna try? ",ang wika ni Dilyn.
" Nananakot kana naman! You think magpapatakot ako sa'yo? Sige,paandarin mo na naman ang pagiging amasona mo! ",singhal ni Dalia.
" Hiniling mo eh,di pagbigyan! ",ang wika ni Dilyn. Kinuha ang rosas na may tinik pa. At inihampas kay Dalia. Hindi s'ya tumigil hanggat hindi nanlalagas ang lahat nang bulaklak. Balak pa n'yang hawakan ang buhok ni dalia ngunit tinabig na nito ang kamay n'ya.
" Ahhh! Walang hiya ka talaga! ",ang sigaw ni Dalia. Galos-galos ang balat nito.
Hindi magawang umawat ni Jordan. Pinipigilan kasi nito ang mapatawa nang malakas.
" Ano? Wanna dare me again? ",nanghahamong tanong ni Dilyn.
" May araw ka ding babae ka! ",mangiyak-ngiyak na sa sakit si Dalia. Nagmmadali itong umalis sa opis ni Dilyn.
" Ikaw? Itawa mo yan bago pa utot ang kalabasan! ",ang wika ni Dilyn kay Jordan. Namumula na ang binata sa kakapigil sa pagtawa. Bigla na ngang humalakhak si Jordan. Kahit talaga kailan,may pagkaamasona itong si Dilyn. Pero hindi n'ya masisisi ang dalaga,umiiwas naman ito eh,talaga lang mapanghamon si Dalia.
" Hey! I'll treat you lunch! Be ready! Bye! ",ang wika ni Jordan nang humupa na ang pagtawa nito. Agad na ding umalis ang binata.
" Hmmppp! Lumang style. Gusto lang pala akong kainin,este,pakainin,ang dami pang pasikot-sikot! ",ngingiti-ngiting wika ni Dilyn. Mukhang nahuhulog na sa kanyang alindog ang binatang pakipot.
" Konting push pa! Oh yeah! ",ang bulong pa ni Dilyn.
BINABASA MO ANG
BITCHY TACTICS By: Reinarose (B4: LET THE LOVE BEGIN) (complete)
Teen FictionTEASER: Spoiled ang madalas na itawag kay Dilyn ng lahat ng taong nakapaligid sa kanya. Nakukuha kasi n'ya lahat ng anumang gustuhin n'ya. Pero sa likod ng lahat,nakatago ang isang mabait,maalalahanin at mapagmahal na Dilyn. Hanggang sa makikilala n...