Ilang araw nang masama ang pakiramdam ni Dilyn. May gusto s'yang kainin na hindi n'ya maintindihan kung ano. Lagi din s'yang nahihilo. Madalas din s'yang sumuka kahit umagang-umaga. Higit sa lahat, nanlalambot ang kanyang katawan sa hindi malamang dahilan.
Katulad na lang ng umagang iyon. Nagising si Dilyn para sumuka lang.
" Ano ba ang nangyayari sa akin? ", bulong na tanong ni Dilyn sa sarili. Kumuha s'ya ng jacket. Lalabas s'ya sa kanyang kwarto para makalanghap ng hangin. Hindi na talaga n'ya maintindihan ang sarili.
Hindi pa nakakalayo si Dilyn, naamoy n'ya ang tila masarap na pagkain. Sininghot-singhot n'ya upang alamin kung saan nagmumula ang amoy na iyon. Sa isang cottage dinala si Dilyn ng kanyang ilong.
" Ate, ano yang iniihaw mo? ", tanong ni Dilyn, takam na takam na.
" Pusit. Pinatuyong pusit. ", sagot ng ale.
" Saan po makakabili n'yan? ", tanong ni Dilyn, masama na ang tingin sa iniihaw na pusit ng ale. Ilang lunok na din ang kanyang nagawa. Parang gusto ng dakmain ang iniihaw na pusit.
" Gusto mo ba? Kumuha ka na. ", ang wika ng nakangiting ale.
" Talaga po? ", nanlaki pa ang mata ni Dilyn, kumuha ng pusit. Wala s'yang pakialam kahit mainit pa. Hindi naman sinabi ng ale na ubusun ni Dilyn, ngunit isang iglap lang, naubos ang pusit ng ale.
" Ay! Naubos ko. ", saka lang nakaramdam ng hiya si Dilyn ng mapagtantong ang tikim ay naging lamon.
" Walang problema. Buntis ka diba? ", nakangiting tanong ng ale.
" Huh? ", gulantang sa narinig si Dilyn.
" Ganyan din kasi ako noon. Hindi ko alam buntis na pala ako. Kaya pala nagtataka ako sa pagbabago ng aking katawan, maging ang aking panlasa at pang-amoy. "; kwento ng ale.
Hindi agad makasagot si Dilyn. Nilimi ang kanyang kakaibang nararamdaman sa sarili. Bigla na lang naghalo ang iba't-ibang pakiramdam sa kanyang dibdib. Andoon ang takot, kaba, excitemen at saya.
" B-bayaran ko na lang po ang mga nakain ko. ", nawika ni Dilyn.
" Magagalit ako kung magbabayad ka. Sa tulad mong buntis, dapat kainin mo ang anomang nais mong kainin. ", wika ng ale.
" S-salamat po. Sige po, mauna na ako. ", ang wika ni Dilyn. Binagtas ang papuntang dalampasigan. Tinanaw ang malawak na karagatan.
" Hayy! ", buntong hininga pa nito. Hindi n'ya inaasahang magbubuga ang minsang pagpapaubaya. Naupo si Dilyn sa buhangin. Bahagyang nahimas ang tiyan.
" May laman ka nga ba? Paano na? ", naitanong pa nito at isang malalim na buntobg hininga ang pinakawalan muli. Ipinatong ang baba sa kanyang tuhod. Isang malalim na buntong hininga na naman ang pinakawalan ni Dilyn.
" Attention please! Attention please! Mangyari pong lumikas ang lahat sa dalampasigan. May buhawing tatama sa karagatan! ", ang narinig ni Dilyn na anunsyo. Nangunot ang noo ni Dilyn. Kay payapa ng dagat.
" Nakakalito talaga ang buhay. ", bulong ni Dilyn. Agad na ding tumayo upang iligtas ang sarili sa buhawing parating.
Pagtayo ni Dilyn. Laking gulat n'ya dahil ilang mga lalaking nakaunipormado ang kanyang nakita. Lalampasan sana n'ya ang mga ito ngunit hinarangan s'ya.
" Umalis nga kayo sa dadaanan ko. Baka dumating na ang buhawi! ", inis na wika ni Dilyn.
" Parating na nga po, maam! ", sagot ng isang lalaki kay Dilyn.
" Eh ano pang ginagawa n'yo? Umalis kayo sa dadaanan ko! ", singhal na ni Dilyn. Ngunit lalo pa s'yang hinarangan ng mga lalaki. Ilang sandali pa, isang paparating na speed boat ang narinig ni Dilyn. Nilingon n'ya iyon. Unti-unting nangunot ang kanyang noo ng tuluyang mapagsino ang nakasakay sa sped boat.
BINABASA MO ANG
BITCHY TACTICS By: Reinarose (B4: LET THE LOVE BEGIN) (complete)
Genç KurguTEASER: Spoiled ang madalas na itawag kay Dilyn ng lahat ng taong nakapaligid sa kanya. Nakukuha kasi n'ya lahat ng anumang gustuhin n'ya. Pero sa likod ng lahat,nakatago ang isang mabait,maalalahanin at mapagmahal na Dilyn. Hanggang sa makikilala n...