CHAPTER 20:

4.1K 80 0
                                    

" Huwaaatttt? Nagpabuldozer kana? ",ang sigaw ni Lucy.

" Ano ba? Sinekreto ko pa kayo kung sisigaw ka din lang! ",inis na may halong hiya ang wika ni Dilyn. Tinakpan pa n'ya ang bibig ni Lucy. Naikwento n'ya sa tatlong buntis ang lahat. Pinakiusapan n'ya ang mga ito na makipagkita sa kanya. Hindi na s'ya pumasok sa kumpanya.

" Ok,sorry! Nagulat lang ako. Yun ba ang plano natin? ",takang tanong ni Lucy.

" Sabi n'yo kasi landiin ko. Eh nagpalandi naman,edi nalandingan! ",nakangusong wika ni Dilyn.

" Hayaan mo na. Masarap naman. Aminin mo! Aminin mo! Aminin mo! ",sabi ni Joy.

" Eh,ok lang. ",wika ni Dilyn,pinipigilan ang mapahagikhik.

" Kunwari pa daw oh! Labas na ang sungay mo noh! ",natatawang wika ni Giana.

" Ihhh! Ano na ang susunod kong gagawin? ",naguguluhang tanong ni Dilyn.

" Ok! Plan C na tayo. Ang Death Threath. ",sabi ni Lucy.

" Ha? Ano yun? ",kunot noong tanong ni Dilyn.

" Ano pa? Papapanagutin natin s'ya sa ginawa sa'yo. Kung ayaw n'ya,papaslangin natin. Kaya death threath. ",paliwanag pa ni Lucy.

" Paano kung ayaw n'ya talaga sa akin? ",tanong ni Dilyn.

" Edi nasayang ang pagbibigay mo ng sarili mo sa kanya. ",wika ni Lucy.

" Alam mo,hindi pagpapatunay ang pagbibigay ng sarili para lang maiparamdam ang pagmamahal mo sa isang tao. Dahil kung talagang mahal ka n'ya,he understand and respect you. ",ang wika naman ni Giana.

" Tama sila. Kaya nga bago tayo respetuhin ng iba,simulan nating irespeto ang ating sarili. ",sabi naman ni Joy.

" Pero ang hirap kalaban ng puso. Kahit alam mo ang tama,nakakagawa ka ng mali pag puso na ang umiral. ",ang sabi naman ni Dilyn.

" Naisip ko,hindi tayo pedeng pandrama,hindi bagay! ",nakangiting wika ni Lucy.

" Sa palagay ko nga! ",segunda ni Joy at sabay-sabay na nagtawanan ang apat.

" Hey! Hindi kami papayag na wala kang happy ending. Titirisin namin si writer. ",nakangiting wika ni Giana.

" Salamat ha! Basta wag n'yong kalimutang ituro sa akin yung hiphop. Tagal ko din yung hinintay. ",nakangising wika ni Dilyn.

" Gosh! Titirik ang mata mo! ",sabi ni Lucy.

" Pakidemonstrate nga! ",wika pa ni Dilyn.

" Hirap. Walang partner. ",sabi ni Joy,sabay tawa. Halakhakan ang sunod na narinig mula sa apat.

...

Hindi naman mapakali si Jordan. Magdamag s'yang hindi nakatulog dahil sa pag-iisip sa nangyari sa kanila ni Dilyn. Ibig sabihin lang,sa tatlong bf nito,walang pinagbigyan si Dilyn ng sarili. Sa kaalaman ay hindi napigilan ni Jordan ang pagpaskil ng ngiti sa kanyang labi. Isang matibay na rason para maangkin n'ya ang dalaga ay ang nangyari sa kanila.

" Balewala yang honeybabe,sweetylove kahit pa yang bibingkopie na yan. Dahil ako,si hunkylicious Jordan ang magwawagi! ",parang sirang wika ni Jordan. Lalo pang lumawak ang ngiti nito. Hindi na muna inistorbo ni Jordan si Dilyn. Alam n'yang nahihiya pa ang dalaga,pero sa muli nilang pagkikita,wala na itong kawala pa.

Kinabukasan...

Pumasok na sa opisina si Dilyn. Kailangan na n'yang harapin si Jordan. Ayaw n'yang sumabog ang kanyang isip. Gusto n'yang malaman kung ano ang magiging hakbang nito.

" Maam,ipinapatawag po kayo ni Sir Jordan. Sa opis daw po n'ya. ",ang wika ng secretary ni Dilyn.

" Ok,salamat. ",tugon ni Dilyn. Bahagyang kinakabahan.

BITCHY TACTICS By: Reinarose (B4: LET THE LOVE BEGIN) (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon