Tanantanan...tanantanan...tanantanan...tanan...tanantanan...tanantanantanan...
Muling nagbabalik si Pink Panther, este, si Lucy. Kasama ang kanyang dalawang sidekick na jundat. Sina Giana at Joy. Kasalukuyan silang papasok sa building kung saan nandoon ang condo ni Dalia.
" Are you ready, girls? ", ang tanong ni Lucy sa dalawang jundat na kasama.
" We're ready! ", sabay na sagot nina Giana at Joy.
" It's showtime! ", ang wika ni Lucy na sinabayan pa ng ngisi. At sabay-sabay ang tatlong jundat papunta sa mismong tapat ng pintuan ng condo ni Dalia.
Tatlong katok ang ginawa ni Lucy bago nagbukas ang pintuan.
" Kayo na naman? Anong ginagawa n'yo dito? Magsilayas kayo! ", bulyaw agad ni Dalia ng makita ang tatlong buntis.
" Welcome na welcome pala kami. ", wika ni Joy.
" Duh! Never ko kayong iwewelcome sa condo ko! Layas! ", sigaw muli ni Dalia, balak isara ang pintuan ngunit humarang si Lucy.
" Hindi ka makuha sa santong usapan, sa santong tulakan ka namin dadaanin! ", sabi pa nito at pasalyang itinulak ang pintuan upang lumuwang ang pagkakabukas noon para makapasok silang tatlo.
" Mga walanghiya talaga kayo! Lumayas kayo dito! Layas! ", halos mapatid ang litid ni Dalia sa sigaw na iyon.
Sinenyasan ni Lucy ang kanyang dalawang sidekick. Agad nakuha ng mga ito ang ibig ipakahulugan ng kanilang lider, lider ng mga pasaway na jundat.
Nilapitan nina Joy at Giana si Dalia, hinawakan sa dalawang kamay at tinalian.
" Ano na naman ang balak n'yo ha? Bitiwan n'yo ako! ", pilit na kumakawala si Dalia sa pagkakatali sa kanya, ngunit mahigpit ang ginawamg tali ng dalawang jundat.
" Not now! Tatapusin lang namin ang Step 2, Pagpapaamin! ", sabi ni Giana.
" Aminin mo na gawa-gawa mo ang lahat ng sinabi mo kay Jordan! ", sabi ni Lucy.
" Mga baliw talaga kayo! Totoo lahat ng sinabi ko! ", sigaw ulit ni Dalia.
" Ah ganoon! ", sabi ni Giana, sabay pitik sa tungkil ng ilong ni Dalia.
" Aray! ", bulyaw na muli ni Dalia.
" Amin na kasi. ", sabi pa ni Giana, ipinagpapatuloy ang pagpitik sa dulo ng ilong ni Dalia.
" Aray! Wala akong aaminin, mga walanghiya! ", sabi pa ni Dalia.
" Matigas! ", ang wika ni Joy, pumuwesto ito para pitikin naman ang tenga ni Dalia. Sabay na pinitik nina Giana at Joy ang ilong at tenga ni Dalia.
" Aray! Ano ba? Nasasaktan na ako! ", muli ay sigaw ni Dalia.
" Umamin kana, baka magsisi ka kapag etong kamay ko na ang gumana! ", sabi ni Lucy.
" Wala akong aaminin! Wala! ", parang mapapaos na si Dalia kakasigaw. Pulang-pula na ang dulo ng ilong nito pati ang tenga.
" Ganoon ha! Tingnan natin! ", ngumisi si Lucy. Nilapitan si Dalia. Parang airplane na unti-unting pinalanding ni Lucy ang mga daliri sa katawan ni Dalia.
" Heto na ako! ", ang wika pa ni Lucy, ikinampay pa ang mga daliri ng kanyang kamay at pinadapo sa tagiliran ni Dalia.
Napaigtad si Dalia sa kiliting naramdaman. Lahat pa naman ng parte ng katawan n'ya ay may kiliti.
" Tama na! Tumigil na kayo! ", sabi ni Dalia. Hindi nito alam ang magiging reaksyon. Kiliti at sakit ay nagsasabay na.
" Aamin na yan! ", sabi pa ni Joy. Patuloy sa pagpitik sa tenga ni Dalia.
" Tama na! Tama na! Nakikiliti ako! ", tumatawang wika ni Dalia.
" Aray ko! Aray ko! Nasasaktan na ako! ",umiiyak pang dugtong nito. Tawa, iyak, tawa, iyak ang reaksyon ni Dalia.
" Sino ngayon ang baliw ha? Aamin o hindi? ", ang sabi ni Giana. Hindi tinitigilan ang ilong ni Dalia. Patuloy naman sa pagkiliti si Lucy. Ang isang kamay ng tatlo ay mahigpit na nakahawak sa katawan ni Dalia upang pigilan ang pagwawala nito. Habang ang isang kamay ay nagpaparusa kay Dalia.
" Tama na! Oo, aamin na ako! Gawa-gawa ko ang lahat. Wala kaming relasyon ni Jordan! Wala ding nangyari sa amin! ", sigaw ni Dalia, wala na s'yang pagpipilian kundi ang umamin.
" Gotcha! ", sabay na wika ng tatlong jundat. Tumayo ang nga iyo at kinuha ang recorder. Hindi alam ni Dalia na inirecord ng tatlo ang lahat ng sasabihin nito.
" Mga walanghiya kayo. Pakawalan n'yo ako. ", ang nanghihinang wika ni Dalia. Para s'yang nakipagboxing, nakipagwrestling at the same time ay para s'yang binugbog ng ilang tao sa sakit ng katawan n'ya.
" Sure! Patutulugin ka pa namin! ", sagot ni Joy, sabay spray sa mukha ng Dalia ng gamot na pampatulog. Ilang saglit lang ay tuluyan ng nawalan ng malay si Dalia.
" Step 2, complete! Step 3, ongoing! ", wika pa ng tatlong jundat.
Tinawagan ng mga ito ang kanilang mga asawa na nasa baba, pnakuha ang tulog na si Dalia. Dahil ang kanilang Step 3 ay Pangingidnap.
.....
Minabuti ni Dilyn na tawagan ang kanyang mama. Hindi na n'ya kailangang itanong kung anong naging resulta ng ipinapagawa n'ya sa kanyang kapatid dahil napanoon n'ya sa tv ang pagkahuli ng tito ni Jordan.
" Ma, how are you? ", tanong ni Dilyn sa ina. Sa phone nito s'ya tumawag.
" Dilyn, anak! Nasaan ka, umuwi kana? ", maiiyak na agad ang donya ng marinig ang boses ng kanyang unica hija.
" Ma, I'm fine! Ikaw, kamusta ka na? ", nagluluha na din si Dilyn.
" Anak, miss na miss na kita! Umuwi ka na! ", umiiyak na ang donya.
" Ma, gusto ko lang pong magrelax. Please, babalik ako as soon as ok na lahat! ", sabi pa ni Dilyn.
" Anak ko, hindi mo ba ako naiisip? Kung ano ang marramdaman ko? Please, sana bumalik ka na agad! ", sabi pa ng Donya.
" Ma naman eh! Babalik po ako! ", pinahid na ni Dilyn ang kanyang luha.
" Hihintayin kita ha! ", sabi ng donya." Opo! Sige na, ma. May gagawin na po ako. ", paalam ni Dilyn.
" Teka, anak! Saglit lang! ", awat ng donya sa anak.
" Bakit po? ", tanong ni Dilyn.
" Ano kasi. Miss kita sobra. ", sabi ng donya.
" Ma, ikaw talaga! Sige na, ibababa ko na ang phone. Bye! ", wika Dilyn, pinatay na ang kanyang tawag.
" Ano, nakuha n'yo ang location? ", tanong ng donya. Nakatap kasi ang phone ng donya at ni Axe, pati din ang phone sa mansyon. Syempre, lahat yan ang plano nina Jordan.
" Yes, ma'am! ", sagot ng inupahan nila.
Ngumisi sina Arvin, Zack, Axe, ang donya, Levy at lalong higit ay si Jordan.
" I'm coming! ", ang nasambit ni Jordan. Alam na nila ang kinaroroonan ni Dilyn. Natrack buhat sa tawag nito.
" Matalino man daw si Dilyn, mas matalino pa din si Jordan matsing! ", ang wika ni Arvin na sinabayan ng halakhak ng lahat.
BINABASA MO ANG
BITCHY TACTICS By: Reinarose (B4: LET THE LOVE BEGIN) (complete)
Teen FictionTEASER: Spoiled ang madalas na itawag kay Dilyn ng lahat ng taong nakapaligid sa kanya. Nakukuha kasi n'ya lahat ng anumang gustuhin n'ya. Pero sa likod ng lahat,nakatago ang isang mabait,maalalahanin at mapagmahal na Dilyn. Hanggang sa makikilala n...