Maagang pumasok kinabukasan si Dilyn sa opisina. Medyo nananakit ang kanyang balat dahil sa sunburn. Ngunit imbis na mainis,saya pa ang kanyang naramdaman. Isang memorable na pangyayari ang naganap kahapon. Ngingiti-ngiti pa n'yang pinaikot ang kinauupuan. Bigla namang nagring ang telepono na nakakonekta sa opis ni Jordan.
" Hello? ",tila hindi makapaniwalang wika ni Dilyn.
" Hi! Morning! Can you come in my office now? ",wika ni Jordan sa mababang tinig.
" Wahhh! Can? Sure,I can! ",sabi ni Dilyn. Nakiusap si Jordan. Himala.
" Ok,thank you! ",wika pa ni Jordan at tuluyan na nitong ibinaba ang telepono.
" Waahhh ulit! Ano kayang meron at tila nagbago ang ihip ng hangin? Kailangan kong alamin! ",bulong ni Dilyn at nagmamadaling nagtungo sa opis ni Jordan.
Dalawang katok ang ginawa ni Dilyn nang mapatapat sa pintuan ng opis ni Jordan. Medyo hinihingal pa s'ya dahil nagmadali talaga s'yang makarating sa opis nito.
" Pasok! ",narinig ni Dilyn,saka n'ya binuksan ang pinto.
" Morning! May kailangan ka? ",tanong agad ni Dilyn nang magpangharap sila ni Jordan.
" Hey! Anong nangyari d'yan sa mukha mo? ",may pag-aalalang tanong ni Jordan. Kahit alam n'ya ang sagot. Nakaramdam s'ya ng awa para dito.
" Gawa kasi nang sun,kaya may burn. ",nang-iinis na sagot ni Dilyn.
Hindi muna nagsalita si Jordan. Naisip n'ya,kung tulad pa din nang dati ang tingin n'ya kay Dilyn,malamang nabulyawan na naman n'ya ito. Pero now na unti-unti n'yang nakikilala ang dalaga,ang kalokohan nito ay naaayunan na n'ya. Lihim s'yang nagpakawala ng ngiti.
" So,naglagay ka na ba ng cream sa mukha mo? Panlaban sa burn na gawa nang sun? ",ang tanong ni Jordan.
Natigilan si Dilyn. Nakakapanibago talaga ang binatang kaharap.
" Nakikipaglaro ka ba sa akin? Then,lets play! ",ang wika nang utak ni Dilyn.
" Oh yeah! I'm fine now! ",sagot ni Dilyn.
" Good! Bigay mo sa akin ang proposal mo. ",wika ni Jordan.
" Proposal? Anong proposal? ",takang tanong ni Dilyn.
" Yung proposal mo. Pipirmahan ko na. ",sagot ni Jordan.
" Ah! Never mind! Ayos na yun. ",sabi ni Dilyn.
" Ha? Paanong ayos na e hindi ko pa napipirmahan? ",kunot noong tanong ni Jordan.
Hindi muna nagsalita si Dilyn. Lumapit s'ya sa harap nang table ni Jordan. Kumuha ng papel at pinunit sa harap ng binata. " Ganyan ang ginawa ko! Kaya ayos na! ",wika ni Dilyn. Ipinakita pa kay Jordan ang pinunit na papel.
" Puro ka kalokohan! Make another proposal at pipirmahan ko na! ",utos ni Jordan.
Napatingin sa kalangitan si Dilyn. Bahagya pang naidipa ang dalawang kamay.
" Lord,nang magsabog ka yata ng Angel ngayong umaga. May nasalong isa ang lalaking ito. Salamat po! ",taimtim na dasal ni Dilyn. Sabay pikit nang mariin.
" So nang magsabog nang Angel si Lord,wala kang nasalo? ",pigil- pigil ni Jordan ang kanyang ngiti.
Biglang napadilat si Dilyn. Umismid.
" Kung wala ka din palang kailangan,aalis na ako! ",wika ni Dilyn sabay talikod. Naisahan yata s'ya ni Jordan ah! Lumabas na s'ya sa opis nito,ngunit nanatiling nakatayo sa may pinto. Hindi n'ya inaasahang maririnig ang malakas na halakhak ni Jordan. Itinapat pa n'ya ang kanyang tenga sa may pinto. Nahalakhak talaga ang binata. Bigla n'ya tuloy nabuksang muli ang pinto. Ngunit subsob ang ulo ni Jordan sa binabasang papeles.
" Tumatawa ka? ",naguguluhang tanong ni Dilyn.
" Pardon? ",kunit noong tanong ni Jordan.
" Tumatawa ka! Narinig ko! ",sabi ni Dilyn.
" Do I look like laughing? I'm seriously reading this papers. So,if you dont mind. You can go now! ",wika ni Jordan.
Inis na umismid na naman si Dilyn. Talikod na naman s'ya at lumabas ng opis. Pero idinikit n'ya ang teka sa pinto. Nagpapadyak s'yang lumayo dahil wala na s'yang narinig na halakhak galing sa loob.
Hindi alam ni Dilyn. Impit ang ginawang paghalakhak ni Jordan. Tumatawa talaga s'ya. And he can't help it. He's now enjoying talking to this bitchy girl named Dilyn.
...
Ilang araw nang hindi makapaniwala si Dilyn sa biglang pagbabago ng ugali ni Jordan.
" Oh my God! Hindi kaya nasapian ang lalaking iyon? ",parang baliw na nagsasalitang mag-isa si Dilyn.
" Ayiii! Kung sino ka mang sumapi kay hunkylicious Jordan,wag ka na sanang umalis pa! ",wika ni Dilyn na sinabayan pa nang halakhak. Natigil lang s'ya nang kumatok ang kanyang secretary.
" Ma'am,magsisimula po ang meeting sa loob ng sampung minuto. ",paalala ng secretary.
" Ok. Thank you! ",sabi ni Dilyn. Humagikhik muna ng impit bago nagpunta sa meeting.
" Guys,gusto ko lang sana isuggest na dagdagan ang sahod nang ating mga empleyado. Ang idadagdag natin ay pasasalamat dahil sa pagtatrabaho nilang mabuti sa ating kumpanya. After all,alam natin na kapag nadagdagan ang sahod nila,lalo silang gaganahang magtrabaho. ";ang wika ni Dilyn. S'ya ang nagpatawag ng meeting na iyon para maipaliwanag ang gusto n'yang mangyari about sa salary ng mga empleyado.
" Mr. President,pede ba nating taasan ang sahod nila? ",tanong ni Dilyn sa nakatulalang si Jordan.
" Ha? Oo,ok na iyon! ",sagot ni Jordan. Taas ang kilay ni Dilyn.
" Ano nga po ulit ang sinabi ko? ",tanong ni Dilyn. Halatang nakalutang sa kung saan si Jordan.
" Ha? Ahmm. Basta yun na yun! At agree ako sa'yo! ",pilit itinago ni Jordan ang pagkapahiya. Sa totoo kasi,wala s'yang naintindihan sa sinabi nito. Dahil ang isip at mata n'ya ay nakatuon sa labi ni Dilyn. Bawat kibot ng labi nito ay wala s'yang pinalampas. Nasagi pa nga sa kanyang imahinasyon noong halikan s'ya nito. Ramdam n'yang baguhan ang dalaga dahil hindi ito marunong humalik. Ngunit hindi iyon hadlang para hindi s'ya mag-init kaya tinugon n'ya ang halik nito.
Taas naman lalo ang dalawang kilay ni Dilyn. Halatang hindi nakikinig ang lalaking ito sa kanya. Nilapitan n'ya ito at binulungan.
" Ang sabi ko po iiwan mo na ang pwesto mo as President at ako ang papalit. So dahil nag-agree ka,palit na tayo ng pwesto. ",bulong ni Dilyn sa binata.
" Ha? Teka! Yun ba talaga ang sinabi mo? ",ganting bulong ni Jordan.
Naningkit na ang mga mata ni Dilyn. Sabi na nga ba n'ya at hindi nakikinig ang hudyo.
" Pede bang bumalik ka muna dito sa planet Earth. Then,kapag tapos na ang meeting saka ka bumalik sa dreamland mo! ",inis na bulong ni Dilyn.
Sa pagkagulat nang lahat,bigla na lamang humalakhak si Jordan. Hindi n'ya mapigilan ang sarili. Puro kalokohan na ang pumapasok sa utak n'ya nitong mga nakalipas na araw. And it's driving him crazy. Mabilis makahawa si Dilyn.
" Meeting dismiss! ",wika ni Dilyn. Hinintay n'yang makaalis ang lahat bago muling binalingan si Jordan na nagtatawa pa din.
" Abrakadabra! Sisbumba! Masamang espirito,lumayas ka! ",ang kanta ni Dilyn. Bahagya pang iginalaw ang mga kamay na tila ginagamot nga si Jordan.
Lalo nang napahalakhak si Jordan. Halos mamilipit ito kakatawa.
" Funny! D'yan ka na nga! Baliw! ",inis na wika ni Dilyn. Ngunit sa pagtalikod n'ya isang matamis na ngiti ang namutawi sa kanyang labi.
" Mukhang iba na nga ang ihip nang hangin! And I love it! ",ang dugtong pa ng isip nang dalaga. Ipinagpatuloy ang paglalakad palabas sa meeting room na iyon.
BINABASA MO ANG
BITCHY TACTICS By: Reinarose (B4: LET THE LOVE BEGIN) (complete)
Teen FictionTEASER: Spoiled ang madalas na itawag kay Dilyn ng lahat ng taong nakapaligid sa kanya. Nakukuha kasi n'ya lahat ng anumang gustuhin n'ya. Pero sa likod ng lahat,nakatago ang isang mabait,maalalahanin at mapagmahal na Dilyn. Hanggang sa makikilala n...