Chapter 2

5.5K 167 11
                                    


Mccoy: Enjoy!!! 👐❤

Leah Pelaez's POV

Nasa sasakyan ako ngayon as usual. Pinatugtog ko ang paborito kong mga kanta ni Adele, Meghan at mga covers ni William Singe.

Habang nag da-drive ako ay para bang may kung ano akong naramdaman sa bandang likuran ko.

Parang hindi lang ako ang tao ngayon dito sa loob ng kotse. Ang lamig sa pakiramdam. Agad akong kinilabutan dahil doon.

Napatingin naman ako sa salamin sa loob ng kotse ko. Kung saan makikita mo ang backseat. Nagulantang ako sa aking nakita. Nanginig ako dahil sa takot. Yung babaeng nakita ko kasi sa CR  ay nandito ulit sa loob ng kotse ko.

Ano bang kasalanan ko sakanya bakit siya laging nagpapakita sakin?. Nagsisigaw ako dahil doon.

Hanggang lapitan niya ako.

“WAG MO SIYANG LOLOKOHIN!” bulong niya sa taenga ko. Madiin ang pagkakasabi niya.

“Woaaaaaaahhhh!!!”

-

“Leah gising!”

Napabalikwas ako ng bangon dahil nakaramdam ako ng sigaw at pagtapik sakin. Napansin ko na wala ako sa aking kwarto.

“Nananaginip ka”

Napatingin ako sa kumakausap sakin. Si Sean pala. Naalala ko naman na nakatulog pala ako kagabi dahil nawalan ako ng malay. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Napansin ko na nasa isang parang Condo Unit kami. Maganda ang lugar, malinis parang hindi mga lalaki ang nakatira.

Tumayo ako para dumungaw sa bintana. Umaga na pala may photoshoot pako.

Naalala ko naman bigla yung napanaginipan ko. “WAG MO SIYANG LOLOKOHIN!”

Muling pumasok sa isipan ko yung mga sinabi niya sa panaginip ko. Akala ko naman totoo na. Pero bakit ko siya nakita sa CR at bakit ko siya napanaginipan? At bakit niya sinabing Wag mo siyang lolokohin?.

Gulong gulo na ako. Sino ba yung babae na yun?.

Napansin ko naman si Sean na nakatingin lang sakin habang palakad-lakad ako.

“Salamat”

Tinignan ko siya at ngumiti napakabait niya kasing tao. Ramdam ko iyon. Dahil tinulungan niya kami ni Aleiza. Pero hindi naman niya kailangan gawin iyon. Dahil ganun talaga kami ni Aleiza every time na uminom kami ni Aleiza ganun talaga kami. Nakakatulog kami sa Bar. Since kilala naman kami nung bartender at kumpare ni Daddy ang may ari ng Bar na iyon sa tuwing nakikita kaming nakatulog ay hinihintay kaming magising. Since stay in naman yung Guard siya ang pinakabantay namin.

Yung may ari ng Bar Ninong ni Ate Vanessa. Tapos kaibigan naman ng Daddy ni Aleiza yung may ari ng bar. Kaya kami nagkakilala ni Aleiza dahil sa bar na iyon. Naging magkakaibigan kasi ang mga tatay namin kaya iyon sa tuwing pumupunta ang Dad ni Aleiza sa bahay namin kinukwento niya daw ako kay Aleiza tas na curious daw si Aleiza sakin kaya sumama siya sa Dad niya ng minsang bumisita siya sa bahay namin. Then doon na kami naging close ni Aleiza. Niyaya niya akong mag bar.

Ang Kamera (COMPLETED/UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon