Halos mabaliw ako ng ibalita sa akin ng isang nurse ang nangyari kay Yaya Rina.
Lahat na lang ay kinukuha sa akin..
Wala na silang tinira!
~
Naisipan kong puntahan si Ms.Vivian dahil baka makatulong ito sa pagtuklas namin sa mga nangyayari.
Agad akong lumabas ng bahay.
Sumakay ako ng kotse.
Agad akong nag drive upang puntahan si Ms.Vivian sa kanyang bahay.
Ilang minuto ang nakalipas ay nakarating narin ako.
"Tao po?"-Sigaw ko sa harapan ng gate ni Ms.Vivian.
Agad ko naman nakita si Ms.Vivian.
Ngumiti ito ng makita ako.
"Halika, kanina pa kita hinihintay"-Misteryosong sabi ni Ms.Vivian.
Kinilabutan naman ako sa aking narinig.
Pumasok na kami sa loob ng bahay, Nagkamustahan muna kami at agad na akong nagtanong sa kanya.
"Kilala niyo po ba si Katrina Vasquez?"-Tanong ko.
"Oo, ako ang manager niya, dati rin siyang sikat na modelo, 5 years na siyang patay ngayon. Dalawang taon bago ka mag modelo, ay nag modelo muna siya. Pero natigil iyon ng magahasa siya"-Sagot ni Ms.Vivian.
"Kilala din po ba siya ni Franz at Sir,Eric?"-Tanong ko.
"Oo, naka trabaho din nila siya"-Sagot nito.
"Pero"-Dagdag nito.
"Ano po?"-Tanong ko.
"Pero, parang nabaliw si Franz, ng magahasa si Katrina"-Sagot niya.
"Bakit po?"
"Malalaman mo rin ang lahat, malapit na"-Misteryosong sabi ni Ms.Vivian.
"Alam niyo po ba ang tungkol dito?"-Tanong ko. Sabay pakita ko ng hawak kong Camera.
"Ang camera na iyan ay pag ma may-ari ni Katrina at iyan mismo ang ginamit ng mga gumahasa sa kanya ng kuhanan ng larawan, ang hubo't, hubad na katawan ni Katrina, Delikado ang Camera na iyan paano napunta sa iyo yan?"-Sagot at tanong niya.
"Napulot ko po ito sa dating dressing room ng studio"-Sagot ko.
"Ano pumasok ka doon?"-Gulat na tanong ni Ms.Vivian.
*Peep* *Peep*
Biglang may bumusina sa labas ng bahay ni Ms.Vivian.
Sinabi ko kay Ms.Vivian na ako na ang lalabas.
Nang makalabas na ako ng bahay at pumunta sa may gate, si Sir,Eric lang pala, Mag kapitbahay lang kasi sila ni Ms.Vivian.
"Leah? Anong ginagawa mo diyan?"-Takang tanong ni Sir,Eric.
"Binisita ko lang po si Ms.Vivian"-Sagot ko.
"Ano?!"-Gulat niyang tanong..
"Bakit po Sir,Eric may problema po ba?"-Tanong ko.
"Hindi mo pa ba alam na patay na si Ms.Vivian isang linggo na ang nakararaan"-Mangiyak-iyak na sabi ni Sir,Eric
Gulat na gulat naman ako sa narinig ko, at sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba at takot na nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
Ang Kamera (COMPLETED/UNEDITED)
HorrorAng lahat ng makukuhanan ng KAMERA ay mamamatay. Handa ka na ba? -- Date Started: May 15, 2015 Date Competed: June 23, 2015 Cover by: @httpdotkeanne