"Leah's POV"
Agad narin akong umalis sa bahay ni Ms.Vivian.
Ayoko pang maniwala noon kay Sir,Eric na, Patay ni si Ms.Vivian.
Pero nang pumasok ulit ako sa bahay niya. Ay wala na ito.
Naiyak pa ako dahil napamahal na ako kay Ms.Vivian, parang Nanay ko na rin kasi siya.
~
Ngayon nag da drive ako para puntahan si Sir,Ponce. Gusto ko kasi mag-imbestiga sa dating Dressing Room.
Binigay naman ni Sir,Eric yung susi ng Studio.
Noong una ayaw ibigay ni Sir,Eric kasi daw delikado. Pero dahil mapilit ako ay pumayag narin ito.
"Hayyyy...."-Napabuntong hininga ako.
Salamat at narito narin ako sa Police Station.
Bumaba na ako ng kotse.
Pagbaba ko pa lang ay nakita ko na si Sir,Ponce. Kaya hindi ko na kaylangan pumasok pa sa loob.
"May problema ba Leah?"-Tanong ni Sir,Ponce.
"Maaari niyo po ba ako ulit tulungan?"-Tanong ko.
~
Mabuti naman at pumayag si Sir,Ponce na tulungan akong pumunta sa Diamond studio para mag imbestiga.
~
Nang makarating kami sa Diamond Studio ay agad namin binuksan ito, Medyo madilim, Buti nalang at may flashlight ako sa kotse.
Nang makapasok na kami.
May mabaho kaming na amoy.
Nakakasuka ang amoy.
Nang mapatingin kami sa may ere ay may nakita kaming isang babaeng nakabigti.
Agad ko itong namukhaan si Yaya Rina.
Nagsisigaw ako. Dahil wala itong isang kamay at isang paa, at puro dugo ang kanyang buong katawan.
Napahawak ako kay Sir,Ponce ng mahigpit at nagpatuloy sa paglalakad.
Nang makarating na kami sa may dating dressing room.
Ay may narinig kaming isang boses na mahina.
Agad namin binuksan ang pintuan.
Bumungad sa amin si Sean na nakatali at may mga kutsilyo na naka sabit sa may ere. Na parang kahit anong galaw nito ay mahuhulog ang mga kutsilyo sa kanya.
Napahawak na lamang ako sa aking bibig at tuluyan napahiyak dahil sa aking nakita.
Hirap man magsalita ay pinilit ni Sean.
"Ikaw?"-Mahinang sabi ni Sean.
"Leah, umalis na tayo dito!"-Ang sabi ni Sir,Ponce
"Pero, siya ang kaibigan ko"-Sagot ko.
"Leah!"-Sigaw nito sa akin.
Nagulat naman ako dahil parang magkakilala sila ni Sir,Ponce.
"Magkakilala kayo?"-Takang tanong ko.
"Walang hiya ka Ponce!"-Ang sabi ni Sean. Makikita mo ang galit sa kanyang mga mata.
"Oo ako nga Sean! Kamusta ka na? Ha Ha Ha!"-Malakas at nakakapangilabot na sabi ni Sir,Ponce.
"Sir, Ponce anong ibig sabihin nito?"-Tarantang tanong ko.
"Easy lang Leah!"-Sagot ni Sir,Ponce.
"Putang-ina mo Ponce mamatay kana! Pwe!"-Hirap man sumigaw si Sean. Pero pinilit niya.
Nagtakip naman ng tenga si Sir,Ponce dahil sa lakas nang pagkakasabi ni Sean. Na para bang natataranta siya.
"Wag kang ma-ingay!! Pwede naman maulit ang dati eh yun ay kung gusto niyo pang mabuhay?"-Misteryosong sabi nito.
"Walang hiya ka ponce hindi ka parin nagbabago tarantado ka parin!"-Sigaw ni Sean.
"Ano bang nangyayari?"-Sigaw ko. At pumagtna ako sa kanilang dalawa.
"Wala ka pa bang clue Leah?, Ako lang naman ang gumahasa kay Katrina Vasquez! at yang si Sean ang dating kasintahan ni Katrina! Pinalabas ko lang sa imbestiga na wala na kaming balita sa kanya. Pero ang totoo pinatakas ko si Sean! At sinabi ko na dalawa ang gumahasa para mahirapan ang mga ibang mag-iimbestiga sa kaso ni Katrina"-Kwento nito. "Ngayon kung gusto niyo pang mabuhay, umpisahan mo ng maghubad Leah!"-Ang sabi nito. Sa nakakatakot na bosis.
Ayokong mamatay si Sean, Mahal na mahal ko siya kaya gagawin ko nalang ang gusto ni Sir,Ponce.
Maghuhubad na sana ako ng biglang sumigaw si Sean.
"Wag!!!"-Sigaw nito.
"Walang hiya ka ponce!! Tarandtado ka!! Wala kang puso!"-Sigaw ni Sean.
"Sean, Mahal na mahal kita ayokong mamatay tayo dito!"-Malumanay na sabi ko sa kanya.
"Owww! Ang sweet niyo naman, naiiyak na ako!"-Ang sabi ni Sir,Ponce.
*Boooooogsss*
Biglang may pumasok sa may pintuan.
BINABASA MO ANG
Ang Kamera (COMPLETED/UNEDITED)
HorrorAng lahat ng makukuhanan ng KAMERA ay mamamatay. Handa ka na ba? -- Date Started: May 15, 2015 Date Competed: June 23, 2015 Cover by: @httpdotkeanne