May tumawag nga kay Leah para ibalita na namatay na ang ate niya natagpuan ang bangkay nito sa loob ng isang Comfort Room.
"Condelence"-Wika ni Sean na nasa burol ni Vanessa.
"Salamat"-Tipid na sagot ni Leah.
Kinabukasan inilibing na ang kanyang kapatid ramdam mo ang pagkalungkot ng kanyang Ina at Ama sa pagkawala ng kapatid ni Leah.
*****
Ilang araw ang lumipas napagpasyahan ng magpapamilya na pumunta na lamang sila sa ibang bansa.
"Mom sigurado na po ba kayo?"-Tanong ni Leah.
"Oo anak siguro naman hindi na tayo masusundan kung sino man ang mga pumapatay"-Sagot ng kanyang Ina.
Sumukay na sila ng sasakyan at nagsimulang mag biyahe papuntang airport.
Tahimik lang silang lahat at ramdam mo parin ang pangngulila nila sa yumaong miyembro ng pamilya.
"Leah POV"
"AHAHA HINDI KAYO MAKAKATAKAS LEAH!"
"AHHHHHHH!"
"Hija bakit nanaginip kana naman ba?"-Sabi ni Mommy habang hinahaplos ang buhok ko.
Tumango lang ako. Pagtingin ko sa tabi ni Daddy nakita ko yung babaeng nakaputi.
"Ahhhhhhh!"-Sigaw ko. Agad naman nag panic si daddy nakita ko yung babae na pilit inaalis ng babae ang kamay ni daddy sa pag da drive.
Nagsisigaw na kami ni mommy hanggang malapit na kaming mabunggo sa isang puno.
"Ahhhhhhhhhhhhhh!!!!!!"-Sigaw namin.
*****
Nagising na lamang si Leah na nasa hospital na siya.
"Okay kana ba?"-Tanong ni Franz.
"Franz? Nasan ako?"-Takang tanong ni Leah , Umupo ito galing sa pagkakahiga.
"Nasa hospital ka"-Sagot ni Franz.
Nang mahimasmasan si Leah agad itong nag panic.
"Nasan sina Mommy at Daddy?"-Tanong nito.
Tinitigan lang siya ni Franz at makikita mo ang lungkot dito.
"Ano sumagot ka!"-Histerical na sabi nito.
Humiling lamang si Franz
"No no! Buhay sila diba nasaan sila pupuntahan sina mommy!"-Malakas nitong sabi, habang nagpupumilit na makatayo.
Dumating naman ang mga nurse at pina kalma si Leah.
"Ma'am Hindi pa kaya ng katawan niyo"-Wika ng Nurse
"No I can!"-Pag pupumiglas nito. Sabay tayo niya kahit I ika ika ito sa paglakad. tinulak niya ang nurse at si Franz at lumabas siya ng room.
*****
Hinalis ni Leah ang telang nakatakip sa bangkay ng kanyang Ina at Ama.
Humagolgol ito ng iyak. Iyak lang siya ng iyak niyakap siya ni Franz at isinandal niya ito sa kanyang dibdib.
"Mommy , Daddy"-Sabi nito habang patuloy parin ang pag-iyak.
Napatingin ito sa bintana , nakita niya ang babaeng nakaputi na parang any saya saya pa nito.
"Woooooah! Walang hiya ka"-Sigaw ni Leah, kinuha niya ang isang bagay na nakita niya at binato ito sa bintana kung saan nandoon ang babaeng nakaputi. Nabasag ang salamin ng bintana.
Napaupo nalang si Leah habang hawak-hawak ang kamay ng kanyang magulang.
"HUMANDA SILA PAGBABAYARAN NILA ITO"-Wika ni Leah na may maangas na bosis.
*****
Lumipas ang ilang araw at nailibing narin ang magulang ni Leah.
Sariwa parin sa kanya ang pagkawala nito hindi na niya tinuloy any pag-alis ng bansa.
Mas gusto niyang maghiganti sa mga pumapatay.
Ilang araw narin ang nag dahan wala na siyang balita kay Sean.
Hindi niya alam kung buhay pa ba ito o patay na.
Isang araw na isipan niya itong tawagan sa Cellphone upang makamusta ito pero hindi niya into natawagan dahil patay na ang phone niya. Nag suspetya si Leah na may kinalaman ito sa mga nangyayari dahil pagkatapos mamatay ni Aleiza , Derrick at ng kanyang magulang ay Hindi na muli itong nagpakita.
*****
Sean POV
Minabuti kong wag na munang mag pakita Kay Leah para sa ikabubuti ng lahat , napansin ko kasi na simula ng makilala niya ako sunod synod na patayan na ang nangyari.
*****
3rd Person's POV
Sige lang Leah, iyak pa ganyan din kasakit ang dinanas namin.
Kulang pa iyan sa mga masasakit na sinabi ng magulang mo sa amin.
***
BINABASA MO ANG
Ang Kamera (COMPLETED/UNEDITED)
HorrorAng lahat ng makukuhanan ng KAMERA ay mamamatay. Handa ka na ba? -- Date Started: May 15, 2015 Date Competed: June 23, 2015 Cover by: @httpdotkeanne