Chapter 16

2.6K 83 24
                                    


Leah Pelaez‘s POV

Kinabukasan maaga akong gumising para makapag ready sa fashion show. Nasa sala ako ngayon kasama sina Sean, Derrick at Aleiza. Sasamahan daw nila ako.

Nakwento pala ni Sean ang nangyari kay Ayiro. Kaya ayon sabi nila na sasama daw sila para ma-protektahan ako. Ang sweet talaga nila.

“Sino kaya yung killer?” tanong ni Aleiza. Nakaupo siya sa couch. Malapit kay Derrick.

“Basta ako isa lang ang suspect ko.” napatingin ako ng seryoso kay Sean. Alam ko kung sinong suspect niya.

“Hmm. Wala akong alam diyan.” inosenteng sambit ni Derrick.

“Tama na nga ‘yang topic na ‘yan. Mabuti pa at hintayin niyo na lang ako. Maliligo at magbibihis lang ako. Then aalis na tayo.” sambit ko. Iniiwas ko yung topic tungkol sa killer. Baka kasi marinig ni Mom and Dad. Baka mag-alala nanaman sila. Tsaka ayokong madamay pa sila.

“Okay.” tipid na sambit ni Aleiza. Psh.

Naglakad na ako papanhik ng bahay. Sa CR kasi sa second floor ako naliligo dahil sa second floor ang kwarto ko.

Napatingin ako sa kwarto ni Ate Vanessa habang naglalakad ako papunta sa CR. Kamusta na kaya siya? Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang makarating na ako ng CR. Pagdating ko sa loob ay kinilabutan ako dahil naalala ko ‘yung nangyari kay Yaya Hilda. Namiss ko tuloy sila.

Nagmadali na lang akong maligo dahil sa takot. Nang matapos na akong naligo ay pumunta na ako sa aking kwarto para magbihis. Nang matapos na ang lahat ng kailangan kong gawin ay muli na akong bumaba ng bahay para puntahan sina Aleiza sa sala.

“Hm. Ganda ah.” tinaasan ako ng kilay ni Aleiza. Ganyan talaga siya. Pero hindi naman siya galit, kahit nakataas ang kilay. May sayad lang talaga ang babaeng ‘yan.

“I know right.” natawa kami.

“Let‘s go?” sambit Sean.

Naglakad na kami palabas ng bahay. Hindi ko pa rin maiwasan mag-isip. Paano kung isa sa kanila ang Killer? Sabi kasi nung tumawag sa akin. Isa siya sa mga kaibigan ko. Tsk.

Napabuntong hininga ako bago pumasok ng sasakyan. Magkatabi kami ni Aleiza sa likod at sa harapan naman si Sean at Derrick.

“Friend may sasabihin pala ako sa‘yo.” mahinang sambit ni Aleiza. Nilapit niya ang bibig niya sa tenga ko. “Kami na ni Derrick.”

Napabuntong hininga lang ako at napataas ng kilay. Ano pa bang bago? Sinandal ko yung ulo ko sa bintana ng sasakyan. Hindi ko pinansin ang sinabi niya.

Pinalupot niya yung kamay niya sa braso ko at sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko.

“Aleiza pwede ba.” nakataas pa rin ang kilay ko. Ang korni niya kasi.

“Ihhh iba naman na si Derrick. Seryoso na ako sa kanya.” inikot ko ang mata ko bago ko siya hinarap.

“Okay.” ‘yan na lang ang sinabi ko para manahimik na siya. Lagi ko kasi siya pinagbabawalan mag boyfriend kasi hindi naman siya nagse-seryoso. Dati kasi nagkaboyfriend siya pero niloko lang niya ayon nag commit ng suicide.

“Yieeeh! I love you friend.” korni. Nag cross arms lang ako at kinuha ko ang earphones ko para makapag pa sounds.

Ang earphones ang tagapaglitas kapag ayaw mo ang kausap mo.

Huminto ang sasakyan ko sa gasoline station. Nakasandal pa rin ang ulo ko sa bintana.

Biglang lumapit yung gasoline boy sa tabi ng bintana. Hindi ko makita ang itsura niya dahil nakatalikod ito.

Ang Kamera (COMPLETED/UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon