Chapter 11

2.3K 67 4
                                    


Leah Pelaez’s POV



Nanginig ang katawan ko ng makita ko si Ate na duguan. Gusto kong sumigaw pero parang walang boses na lalabas sa akin. Napahawak na lang ako sa bibig ko at naramdaman kong pumatak ang mga luha ko habang nakatingin kay ate.

“Leah!”

Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ko ang sigaw ni Mommy. Gosh! Panaginip lang pala. Buti na lang panaginip lang ang lahat.

Niyakap ko si Mommy Yvon. “M-Mom si ate?”

Agad din akong umalis sa pagkakayakap sa kanya. Hinarap ko siya.

“Tulog pa rin siya. Ano ba‘ng nangyayari sa ‘yo Leah?” Hindi ko rin alam. Hindi ko rin alam kung bakit nangyayari ang lahat ng ‘to! Gulong-gulo na din ako.

“Nanaginip po ako ng masama.”

Pagkasabi ko no‘n ay agad akong tumayo at naglakad palabas ng aking kwarto. Dali-dali akong naglakad papunta kay Ate. Gusto kong makasiguro na ligtas nga talaga siya.

Pagpunta ko sa tapat ng kwarto niya ay agad kong binuksan ang pintuan. Parang ganitong-ganito ang nangyari sa panaginip ko. Pero shit! ‘Wag naman sana.

Pagdating ko sa loob ay nakapatay ang ilaw kaya sinindian ko muna. Nakakalma ako ng makita ko ‘yung kumot ni Ate na wala namang dugo. Pero lumapit pa rin ako sa kanya.

Dahan-dahan kong tinanggal ‘yung kumot na nakatakip sa ulo niya. Patanggal ko ay nagsisigaw ako dahil sa takot. ‘Yung babaeng nakaputi ang nakita ko. Umiiyak siya ng dugo. Shit! Napapikit na lang ako sa sobrang takot.

“Leah!”

Kumalma ako ng madinig ko ang boses ni Ate. “Ano ba‘ng nangyayari sa‘yo? Natutulog ako dito eh. Psh.”

Minulat ko na ang mata ko. Si Ate na ang nakita ko. Humihikab ito at habang kinukusot ang mata niya.

“S-Sorry Ate.”

Hindi ko na lang sinabi sa kanya ang nakita ko. Ayokong madamay sila. Kung ano man ang atraso ko sa babaeng nakaputi, mabuti pang ako na lang ang managot. Pero ano nga ba?

“Alas-sais pa lang ng umaga nang bubulabog kana agad.”

Napakamot na lang ako ng uko kunwari. “S-Sorry ate, sige bumalik kana sa pagtulog.”

Nginitian ako ni ate bago ulit humita. Late talaga s‘ya gumigising. Palibhasa laging puyat. Kakapanood ng mga movies.

Lumabas na ako ng kwarto niya. Pero bago ko tuluyang sinara ang pintuan ay sinilip ko muna siya.

“Wala po sanang mangyaring masama kay Ate,” bulong ko.

Naglakad na ako pabalik ng kwarto ko. Nakasalubong ko naman si Mom and Dad. Si Mom maaga talaga nagigising ‘yan. Pero si Dad kagaya ni ate late nagigising kaya halatang kakagising lang niya.

Buti na lang talaga maaga nagigising si Mama baka mamaya namatay na ako dahil sa pagkabangungot.

“Oh ano‘ng nangyari?” tanong ni Dad.

“W-wala po. Nanaginip lang po ako ng masama.”

Tumango naman si Dad at ‘yung ngiwi niya hindi nawala. Alam kong iniisip nanaman niya na dahil sa sobrang pag-iisip ko at dahil sa sobrang kakabasa at kakapanood ko ng mga horror. Psh.

“Ayan dahil ‘yan sa kakabasa mo ng mga horror stories at kakapanood.”

Tama nga ako. Siguro kung nasa school ako ngayon baka nagkaro‘n na ako ng 5points sa teacher ko. Natawa na lang ako.

Pero dahil nga ba sa pagbabasa at panonood ko ‘yong nakikita ko? Pwede? Pero bakit parang totoo. Shit!

Biglang pumasok sa isipan ko ‘yung matandang babae na humarang sa akin no‘ng papasok ako ng studio. May sinasabi kasi ‘yon pero ‘di ko gaano maintindihan. Hindi kaya may alam ‘yon sa nangyayari?

Bakit hindi ko kaya tanongin? Sana makita ko pa ‘yong matandang ‘yon.

Namalayan ko na lang na kanina pa pala sa harapan ko sina Mom and Dad nakatunganga lang sila habang nakatingin sa akin. Psh. Mas lalo tuloy silang naghinala na dahil lang sa kakanood ko ng movies ang mga nakikita at napapanaginipan ko.

Piniling ko na lang ang ulo ko. “P-Po?”

Pinalo ako ni Dad sa noo pero hindi naman malakas. Tsaka sila tumawa ni Mommy. Pinagtatawanan nila ako.

“Ayan mabuti pa matulog kana ulit. Mukhang inaantok pa. ‘Wag kana kasing manuod ng mga horror movies. Tsaka ‘wag ka narin magbasa okay? Kung ano-ano tuloy naiimagine mo. Hmm.”

Pagkasabi no‘n ni Dad tumawa na lang ako. Okay, hindi sila naniniwala sa akin. Mabuti pa siguro itago ko na lang ang mga nakikita ko.

Mas okay na siguro ‘yon para ‘di sila madamay. Okay ng sa akin lang nagpaparamdam ang babaeng nakaputi.

Namalayan ko na lang na wala na pala sa harapan ko sina Mom at Dad. Psh nakaalis na pala sila ‘di ko man lang napansin dahil sa sobrang lalim ng mga iniisip ko.

Naglakad na lang ako pabalik ng aking kwarto. Napabuntong hininga na lang ako.

Humiga na lang ulit ako sa aking kama. Hindi na rin naman ako nakatulog ng maayos dahil sa sobrang pag-iisip ko.

Bumangon na lang ako at pumunta ako sa terrace ng bahay namin. Nilanghap ko ang sariwang hangin. Napakasarap sa pakiramdam. Napakasarap mabuhay lalo na kung wala kang pinoproblema.

Umupo ako sa gilid ng bato dito sa aming terrace. Pinagdikit ko ang dalawa kong paa at niyakap ko ang sarili ko.

“By?”

Napalingon ako ng marinig ko ang boses ni ate. Nakangiti siya. Mukhang nagising na siya ulit. Sa tingin ko alas syete na ng umaga.

“Pwede mo ba akong ihatid? Tumawag kasi sina ate Raine at ate Ayhie mo. May outing daw kami,” nakangiting sambit ni Ate Vanessa. “Biglaan nga eh, umuwi kasi ‘yong pinsan ni Ayhie si Marvis. Ayon nag-aya na mag outing.”

Hindi kasi nagdadala ng sasakyan si Ate kapag malayo ‘yong pinupuntahan niya. Kasi may kotse naman ang mga kasama niya. Tsaka para isang sasakyan na lang ang dala nila.

“Sure ate. Basta mag-iingat ka ah,” naalala ko kasi ulit ‘yung napanaginipan ko. Pero siguro naman ‘di naman mangyayari ‘yon.

“Oo naman Baby.”

Nginitian ko lang siya at gano‘n din siya.

“Ilang araw ka ba do‘n ate? Tsaka nagpaalam ka ba kanila Dad at Mom?” minsan kasi ‘di nagpapaalam ang babaitang ito, eh.

Tumango lang siya at ngumiti.

“5 days lang kami do‘n. Oh sige na by. Bihis lang ako ah. Magbihis ka na din,” 5 days lang? Ako nga kapag isang araw lang wala nagagalit na siya. Psh.

Naglakad na siya palayo at ako naman ay pumasok na sa kwarto ko para magbihis. Ayoko namang ihatid siya ng ‘di ako nakaayos no.

Ang Kamera (COMPLETED/UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon