"Yaya Rina's POV"
*Tok Tok Tok*
"Sino iyan?"-Tanong ko sa kumatok ng pintuan.
Hindi naman ito sumagot bagkus ay kumatok ulit ito.
"Ms.Leah kayo na po ba yan?"-Tanong ko ulit. Pero hindi parin ito sumagot, Kailangan kong masiguro kung si Ms.Leah ang kumakatok agad akong lumapit sa may bintana at sumilip, may isang lalaki naka maskara puro itim ang suot at may hawak na Chainsaw. Nakita kong sinisindihan na niya ang hawak niyang Chainsaw. Nagtama ang mga tingin namin halos himatayin ako sa kaba. Sinarado ko ang bintana sa harapan ko kung saan ako sumilip.
Narinig kong umandar na ang kanyang Chainsaw. Agad akong nagtatakbo para isarado lahat ng mga bintana ng masarado ko na ay inilagay ko ang mga upuan sa likod ng pintuan upang mahirapan makapasok kung sino man ang sira ulo na iyon.
Umupo ako sa may sulok at nanginginig, lalo pang nadagdagan ang kaba ko ng umpisahan na niyang siraiin ang pintuan.
"Tulong tulong tulong!"-Histerikal kong sabi.
Agad akong kumuha ng kutsilyo sa may kusina. Malapit ng mabuksan ng laaking iyon ang pintuan, Hindi siya maaaring makapasok dito. Tatawagan ko si Ms.Leah
Agad akong lumapit sa may telepono. Buti naman at agad nitong sinagot.
"Ma'am Le-Leah? Umuwi na po kayo dito, papatayin niya ako, parang awa niyo na po tulungan niyo ako"-Tarantang sabi ko sa kanya.
"Okay, okay papunta na ako, humingi kayo ng tulong sa kapitbahay"-Nag-aalalang sabi nito.
Nabitawan ko ang Telepono, dahil tuluyan ng bumukas ang pintuan ng makita ako ng lalaking naka maskara ay agad itong naglakad palapit sa akin. Umurong ako ng tatlong beses, kinuha ko yung Vase sa may mesa at binato sa ulo niya natamaan naman ito at mukhang nahilo.
Nagalit ito lalo, hawak hawak ko parin ang kutsilyo na panangga ko sa kanya.
Agad akong tumakbo papanhik ng bahay.
Walang ibang kwartong nakabukas kung hindi ang akin lang.
Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at agad ng pumasok sa kwarto at naglock.
Pinatay ko ang ilaw. Sumoksuk ako sa ilalim ng kama.
Dinig kong nasa taas narin siya ng bahay dahil sa hingay ng kanyang Chainsaw.
Pawis na pawis na ako. Parang hihimatayin ako sa kaba at takot na nararamdaman ko.
Rinig kong sinisira na niya ang mga pintuan ng mga ibang kwarto.
Biglang tumahimik, kaya parang nabuhayan ako ng loob.
Ilang minuto pa ay narinig ko nanaman ang kanyang Chainsaw ngunit ang sinisira naman niya ngayon ay ang pintuan ko.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba at takot na nararamdaman ko.
"Yaya nandito na ako, lumabas ka na diyan"-Dinig kong sabi ng naka maskara. Kinikilabutan ako sa nangyayari.
May dumaan na daga sa harapan ko. Hindi ko mapigilan na hindi mandiri.
"Tsssk"
"Yaya nasan kana, gusto mo ba maglaro pa tayo?!"
"Bulaga!"
Nagsisigaw ako ng makita ko siya at nasaksak ko siya ng kaunti sa may leeg.
Agad akong lumabas sa ilalim ng kama.
Nakita kong hawak hawak niya ang saksak sa leeg niya.
Lalabas na sana ako ng kwarto ng biglang tumayo ito at inagaw ang hawak kong kutsilyo.
Inagaw ko rin ito sa kanya, nag-aagawan kami, kinuha ko yung pagkakataon na iyon para alisin ang maskara niya.
Nagtagumpay naman ako pero nasaksak ako sa gilid ng tiyan ko. Pero nagpatuloy parin ako sa paglaban.
Nang mapatingin na ako sa kanya agad ko siyang namukhaan.
"Ikaw?!"-Galit na galit kong sigaw.
"Oo ako nga"-Sagot niya.
"Walang hiya ka bakit mo ginagawa sa amin ito"
"Sa totoo lang eh hindi ka naman dapat kasali dito eh, kaya lang sagabal kapa sa amin ni Leah, kaya papatayin na kita lalo pa ngayon na alam mo na kung sino ako"-Sagot ng nakamaskara.
"Walang hiya ka!"
Tinadyakan ko siya sa may gitna niya at agad akong lumabas ng kwarto. Tumakbo ako kahit na umiika ika pa ako.
Nang makababa na ako ng hagdan, nakita kong nakasunod na siya sa akin.
Agad akong lumabas ng bahay.
Hindi na ako makasigaw dahil nanghihina na ako.
Nang mapansin kong wala na ang nakasunod sa akin ay naglakad na lang ako. Nakita ko ang sasakyan ni Ms.Leah kaya nabuhayan ako ng loob. Sobrang hina ko na dahil sa dami na ng dugong nawala sa akin.
Malapit na si Ms.Leah sa akin.
Nang makarating siya malapit sa akin ay agad itong bumaba.
"My gosh! Yaya Rina"-Sigaw niya. Sabay alalay sa akin at pinasok ako sa kotse niya.
"Sinong may gawa nito?"-Mangiyak iyak na sabi niya.
"Si-si" Hindi ko na natuloy ang gusto kong sabihin dahil nawalan na ako ng malay.
"3rd Person POV"
Kailangan na talagang mamatay ng Yaya Rina na iyan. Lalo pa ngayon na kilala na niya ako. Ma swerte siya dahil hindi pa siya namatay pero sisiguraduhin kong sa susunod naming pagkikita ay wala na siya kawala *Evil Laugh*
BINABASA MO ANG
Ang Kamera (COMPLETED/UNEDITED)
HorrorAng lahat ng makukuhanan ng KAMERA ay mamamatay. Handa ka na ba? -- Date Started: May 15, 2015 Date Competed: June 23, 2015 Cover by: @httpdotkeanne